Chapter 19

44 1 0
                                    

Ginabi na ako ng uwi galing kay Tita, kulang ang isang araw para sa aming dalawa. Maaga ang alis ko bukas kaya napagpasyahan ko ng umuwi.

Paliko na ako nang mapansin kong may itim na sasakyang nakaparada sa harap ng apartment namin. Kinakabahang nagtago ako..

"Ano nakita nyo?" sigaw ng isang lalaki.

"Wala Boss!" sabi ng isang armadong lalaki na galing sa loob ng bahay namin.

"Kailangan makuha natin ang babaeng yon!"

Napatakip ako ng bibig sa gulat. At nanginginig ang paang umatras. Sinong nag utos sa kanila? Sinong kailangan nila? Isa lang samin ni Clea. Pero hindi maaaring si Clea ang pakay nila..

Tumakbo ako palayo sa bahay. San ako pupunta? Hindi pwedeng sa Club. Hindi pwede kay Tita. Nang makalayo ay dinial ko ang number ni Madam..

Sumagot ang nasa kabila "Hello.."

"H-hello Madam. Tulungan mo ko. May gustong dumukot sakin." Nanginginig ang boses ko.

"Nasan ka Lu? Magtago ka ng maayos magpapadala ko ng tao.."

Sinabi ko kung nasan ako. Nagtago ako sa likod isang abandonadong bahay. Parang napakabagal ng oras, naghintay pa ako ng matagal..

Maya maya ay nagulat ako ng may sumipol. Nagtago akong maigi sa patong patong na kahoy. Kinakabahang nakasilip ako sa siwang..

Nakahinga ako ng maluwag ng makilala ang tauhan ni Madam. Dahan dahan akong lumabas sa pinagtataguan..

"Homer!" pabulong na tawag ko.
Nang mapansin nya ko ay agad syang luminga bago naglakad papunta sa direksyon ko.

"Lu, pinapabigay ni Madam" inabot nya sakin ang may kalakihan na bag. "Ihahatid kita sa airport ngayon gabi. Nakabook na ng flight si Madam pa Ilo ilo City". sabi nya..

Tumango ako at mabilis na sumunod sa kanya..

Nakasakay na ko ng eroplano. Pero di pa din maabsorb ng utak ko ang mga nangyari. Nagsimula na namang pumatak ang luha ko.

Sino ang gustong magpadukot sakin? Hindi kaya si Gov.? Ang gulo ng isip ko. Akala ko okay na ang lahat. Nakita ko na ang mga tunay ng magulang pero kasunod pala niyon ay ito.

Napahawak ako sa impis ng tiyan ko. Hindi ako pwedeng sumuko. Gagawin ko ang lahat mabuhay lang kami ng magiging anak ko.

Nagsisimula ng lumiwanag ng lumapag ang eroplano. Pagkalabas ko ng Paliparan ay sumakay ako ng taxi papuntang pier. Bitbit lamang ang isang duffel bag. May perang inilagay si Madam. Hindi naman kailangan dahil kahit papano bitbit ko ang mga cards at cash ko. Sya na daw ang bahala sa mga gamit ko sa apartment.

Nang makarating sa pier ay kumain muna ako sa isang maliit na kainan.

"Manang san po ba ang sakayan dito papuntang Sicogon Island?" tanong ko sa tingin ko ay may ari ng karinderya.

"Ah ineng, isang oras ang byahe ng bangka papunta sa isla." tinuro nya ang mga nakahilerang bangka. Teka at ibibilin kita kay Mang Isko.

"Iskoooo!"

Lumapit ang tinawag nyang Isko.

"Ipila mo sya sa byaheng pa-Sicogon" utos nya.

Tumango ang lalaki at tumingin sa akin.

"Trenta minutos aalis ang bangka, tatawagin kita pag aalis na" nakangiti nyang sabi sakin.

Napilitan ako ngumiti at tumango sa kanya..

Nakasakay na ako sa bangka. Ngayon lamang ako nakaranas na makasakay kaya medyo kinakabahan ako. Binalot ko ang sarili ko gamit ang balabal na nakuha ko sa bag. Umiinit na ang araw.

Seductress For Hire Where stories live. Discover now