Chapter 13

57 1 0
                                    

Tama si Magnus, nakakonekta nga iyon sa study room. May hagdan pababa bago makarating sa mismong study room. Mabilis kong hinanap sa mga drawer ang titulo. Andaming papeles, lintik!

Nang mahanap ang titulo na sinasabi ni Magnus ay mabilis ko iyong kinuha.

Sa exit ng Study Room na ako dumaan. Inayos ko ang maskara ko bago naglakad ng dahan- dahan. Natatanaw ko na ang garden kung nasan ang party, papaliko na ako ng matanaw ko ang isa sa bodyguard ni Gov kaya pumihit ako pabalik.

Napasinghap ako ng pagpihit ko ay may katawang humarang sa harap ko.

Nanlalamig ang palad ko ng maamoy ko ng pamilyar na bango. Kahit di ako tumingala ay kilala ko kung sino.

"What are you doing here?" kalmado ang boses nya pero nakaramdam ako ng takot.

Gaano ba ako kaObvious at kahit nakaMask ako ay nakilala nya ko. Mahigpit ang kapit ko sa papel sa likuran ko.

Hindi ako makapag salita.

"What are you doing this time? Iba naman ang inaakit mo?" ayaw ko na. Gusto ko nang tumakbo palayo sa kanya..

"What? Wala ka bang sasabihin sakin? The cat got your tounge?"

Oh my God..

"K- kai, please let me go.." sabi ko na may tonong nagmamakaawa.

"Do you have an idea what you've done to me huh?" Halos magkayakap na kaming dalawa.

Sobra sobra na ang kaba ko. Nanginginig ang tuhod ko.

"I keep asking myself kung anong nagawa kong kasalanan sayo para iwan mo ko, kung dahil sa kumalat ng pictures, you could have told me. Kung sana sinabi mong di ka sang ayon sa sitwasyon, sana binago ko. But why did you just left without saying any word?" bulong nya sa tenga ko.

Ang isa nyang kamay ay nakasuporta sa pader at ang isa nagsisimulang maglakbay sa gilid ko. I shivered when his hot palm landed on my skin. NakaBackless ako at tanging mga tali lamang ang harang ng likod ko.

I stiffened when he bowed his head. Nakatitig sya sakin, kitang kita ko ang galit na may pangungulila sa mga mata nya.

Bumaba ang tingin ko sa mga labi nya, nasasabik ako. Parang gusto kong ako na ang unang humalik. Pero hindi ako makakilos sa sobrang nerbiyos.

Napapikit ako at hinintay na lamang ang labi nyang dumikit sa labi ko.

Nagulat ako at napamulat ng hindi nangyari ang halik na inaasahan ko.

Kinuha nya ang papel na nasa likod ko!

Ang titulo!

"Akin na yan!" Napalitan ng inis ang kaba na naramdaman ko. Itaas nya iyo sa ere at ngitian ako. "Ibalik mo sakin yan!"

"Gaano ba to kaimportante?" ngumisi sya

"Akin na yan, Kai Please! Luluhod ako ibigay mo lang sakin yan" pagmamakaawa ko.

"Luluhod? May tamang lugar para dyan. Kung gusto mo tong makuha, alam mo na kung saan mo ko pwedeng tawagan". Nakakaloko syang ngumiti sabay tumalikod at naglakad palayo.

"K-kai!" pero di na sya lumingon pa, itaas lang ang papel at talagang nang- aasar pa.

Nanlumo akong napaupo. Halos maiyak ako.

Tumayo ako at inayos ang sarili ko. Lumabas ako ng mansyon at derecho sa napagusapang lugar kung san naghihintay ang sinakyan ko.

Seductress For Hire Where stories live. Discover now