I was scrolling on the island one morning.
Hinayaan kong lumubog ang mga paa ko sa buhangin.. I am thinking about my mission. Bakit parang nagfired back sakin ang mga plano ko? I should be the one who's seducing him bakit ako yata ang naaakit!
Tsss! Sinipa ko ang maliit na batong nadaanan ko. There's something wrong with me talaga!
"Luna Alessandra?" napabaling ako sa boses na narinig ko.
"Lu! Ikaw nga!" yumakap sya sakin.
It's Daenah! Louie's Cousin.
"Daenah.." niyakap sya pabalik
"Kasama mo ba si Kuya Louie?"
"No, I'm alone.." ngumiti ako sa kaya..
"Oh i see" tumatango sya. "Nga pala, we're having a night out later. Balita ko may magandang bar daw sa dulo nitong isla. Sama ka?" excited na tanong nya.
"Sure" hindi naman siguro lalabas mamaya si Kai kaya ipagpapaliban ko muna ang mission ko.
"Yay! Exciting! Chat kita later ah!" sabi ni Daenah habang naglalakad palayo sakin.
Night out! Yeah I need that now. I Can't believe this mission is a bit stressful!
Bumalik ako ng kwarto at nagpahinga para paghahanda mamayang gabi.
Alas siyete ng magising ako. Alas nueve ang sabi ni Daenah sa Chat.
Pinili ko ang multi colored string bikining pinatungan ko ng halter top at maong shorts.
Lumabas ako ng Hotel at naglakad sa dalampasigan. Madaling makita ang bar na sinasabi ni Daenah dahil sa maliliwanag at umiikot na neon lights.Maingay din ang trance ng music. Excited akong hinanap si Daenah.
This is gonna be my total night out!
Malaki ang bar na ito kaya nagchat na ko kay Daenah. Mabilis naman sya nagreply. Nasa sofa pala sila katabi ang isang tree.
"Luuuu!" sigaw ni Daenah, habang kumakaway.
Nang makalapit ay pinakilala nya ako sa mga kasama nya.
Inabot ni Daenah sakin ang isang shot ng tequila kasama ang lemon. "Thanks! Wala bang asin dyan?" sabi ko at binigay ulit sa kanya ang shot glass.
Nagtawanan sila at naghamon pa ng body shot. "Tutal puro babae tayong lahat dito. Stranger body shot na lang. Ano Lu, game ka?"
As i've said tonight is my night, "Sure!"
"Wooh! Lu! Iinggitin ko si kuya Louie nito!" si Daenah na tumatawa tawa pa.
"Nah!" mayabang kong sabi.
"Simulan ko na", sabi ng isa nilang kasama.
Tumayo sya at binitbit ang tequila. Pumunta sya sa isang tahimik at gwapong amerikano na nakaupong mag isa.
Agad nyang nilapitan at binulungan.
Umiling ang amerikano at napaatras ng konti sa kanya. Lumingon sya sa amin at nagkibit balikat. Bumaling sya sa koreano at may binulong ulit. Huminga ng malalim ang amerikano at tumango ng dahan- dahan. Nilagay nya ang asin sa pisngi ng amerikano. Dinilaan nya yung asin bago nilagok ang tequila at sinipsip ang lemon.Tumatawa sya pabalik ng table namin . Ni Congrats sya ng iba pa naming kasama. Naparami ang inom ko sa larong gusto nila. Tapos na silang lahat nang mukhang tinatamaan na ko sa iniinom kong tequila.
"Lu, come on. Your turn!", sigaw ni Daenah. At nagcheer pa ang iba.
Lumagok ako ng tatlo pang shot.
"Alright, Alright! Pero dapat mas lasing pa ko!" tumatawa at lumagok pa ng isa bago ako tumayo.
Lumapit ako sa isang maskuladong lalaking may mga kasamang barkada.
Hinawi ko ang buhok ko. Paghawi ko pa lang ay napalingon sya. Flirt din huh?
"Hi! I'm Luna, kanina pa kita napapansin" I lied.
"Well, you mean gwapo ako?" mahangin din nag isang to."Kung medyo guluhin mo yung buhok mo tulad nito". Hinaplos ko ng marahan ang buhok nya at ginulo "Then, that's better!"
Lumagkit ang tingin nya sakin dahil sa ginawa ko.
Ilalagay ko na sana ang asin sa bandang leeg nya habang nagkakatitigan kami pero may humigit ng malakas sa braso ko. Yung tipong may galit.
YOU ARE READING
Seductress For Hire
Non-ficțiuneKai Hidalgo is currently engaged with Celebrity Jia Wu. Tobias Shen (Jia's Ex) hired a Seductress to call-off the wedding.