0

1.8K 41 14
                                    

Summery's Point Of View

Hindi ko alam kung gaano na ba ako katagal nakatayo sa loob ng aking banyo at nakatingin sa aking sariling repleksyon sa salamin. Pinag mamasdan kong mabuti ang sarili. Mula sa aking mukha, hanggang sa aking itim na tuwid na tuwid na buhok na ilang ulit kong pinadaanan ng suklay kanina.

Hinaplos ko ang aking buhok mula sa may parteng ulo hanggang sa kabilang dulo na nasa parteng bewang ko. Ginawa ko 'yun habang ang mga mata ay nakatutok pa din sa salamin. Ilang beses ko din' yung inulit gawin hanggang maituon ko na ang paningin sa gunting na nasa ibabaw ng lababo.

Walang pag dadalawang isip ko iyong dinampot at matinding pinakatitigan. At sa pag titig doon ay hindi ko napigilang haplusin muli ang aking mahabang buhok.

Ilang taon ko ring inalagaang mabuti ang aking mahabang buhok. Napakaraming tao ang nainggit dahil sa ganda at haba noon, ngunit ngayon ay kailangan ko na itong putulin.

Iniangat ko ang gunting at itinapat iyon sa aking buhok. May pag dadalawang isip pa ako ngunit kailangan ko itong gawin.

"Y-You can do it, Summer." - bulong ko sa sarili at ipinikit ang mata bago itinuloy ang ginagawa.

Tanging tunog lang ng gunting ang maririnig sa loob ng aking banyo. Hindi ko alam kung anong magiging itsura ko ngunit itinuloy ko ang ginagawa habang nakapikit. Hinayaan kong gawin ng aking mga kamay ang nais niyang gawin sa aking buhok. Kaya naman wala pang sampong minuto ay natapos ko na ang ginagawa. Magaan na ang aking pakiramdam, tila gumaan ang aking ulo at nawala ang mabigat na bagay na matagal na naroon.

Ang sarap sa pakiramdam!

Dahan-dahan kong iminulat ang mata. At ganoon na lang ang laki ng aking ngiti ng makita ang itsura sa salamin.

"For the new beginning." - wala sa sariling nasabi ko at muling napangiti.

- - -

(07-27-20)

Paalala!
Kung unang beses mo itong mababasa, payo ko sayo na basahin mo muna ang "Tell Me You Love" para malaman mo naman ang lahat-lahat!

Thanks for Reading!
Keep Safe!
I love you all! 💕

The Right Man For Summery IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon