"Alice!" Sigaw ni Vanessa galing sa labas. Napalingon ako 'dun sa pinto. Hinihingal siya at mukhang tinakbo ang 1000 miles. 'Di joke lang, 4th Floor 'toh kaya tinakbo niya siguro iyon papunta dito.
"O, anyare?" Tanong ko. Kinuha ko iyong mineral water na iniinom ng kaklase ko at binigay agad sa kanya.
"What the--?" Hindi na lang niya pinatapos ang pagsabi 'non nang sinamaan ko s'ya ng tingin. Ininom din ni Vanessa iyon.
"Si Clark, napaaway na naman 'dun sa baba!" Sabi niya nang nakabawi na.
"Bakit na naman?" Nagtatakang tanong ko.
Umirap na lang siya sa kawalan. Kinuha niya ang kamay ko at hinila papunta sa baba. Nagpatianod naman ako sa hila niya.Ano na naman kaya'ng kabulastugan ang ginawa ng Lintik na 'yon? Malalagot na naman ako kina Tita nito.
"O hayun!" Tinuro niya ang isa sa mga bench kung saan nagtitipunan ang mga estudyante.
"Ikaw ang umalam kung ano na namang ginawa ng pinsan mo." Sambit ni Vanessa.Nakapameywang akong lumapit doon. Pinagtulakan ko iyong mga estudyante'ng nakaharang kaya nakapagitna agad ako.
"Clark Stephen Pascual!!"sigaw ko ng madatnan ang pinsan na nakaupo sa sahig at pinupunasan ang dugo sa labi.
" 'insan! Nandito ka na pala. Kanina pa kita hinihintay dito e." Nagawa niya pang ngumiti.
I stared at him with my death glare.
"O, Anong kasalanan ko?" Tanong niya. Ngumiti ako ng pabalang. "Obviously..... wala kang kasalanan. Kasi hindi na binibilang pa ang kasalanan sa Impyerno..."pinatayo ko siya at hinila sa Disciplinary Office.
________
"Alice, hija!" Bungad ni Tita Clara nang makarating na sa Disciplinary Office. Tumayo ako at sinalubong si Tita ng halik sa pisngi.
"How was my son?" Kalmadong tanong niya.
"Still inside. He's waiting for you, po. It's better if you'll go to check on him." I said."Thanks, hija. Mauna ka na 'don. Naghihintay sa kotse ang kuya mo. Susunod din kami ng pinsan mo." Aniya at umalis.
Umalis na 'din ako 'dun at dumiretso na sa labas. Nang nakita ko ang sasakyan ni Kuya ay pumunta na ako 'dun.Binuksan ko ang pinto sa back seat at pumasok na. Naabutan ko si nagsi-cellphone. Sa sobrang preoccupied ay hindi na niya napansin ang pagpasok ko.
"Gusto ko lang nai-remind ang isa dito na pumasok na ako." Saad ko.
Nang narinig iyon ni Kuya ay binitawan na niya ang cellphone niya at bumaling sa akin.
"Ano'ng ginawa ni Clark?" Tanong niya.
"Well, as usual, nakipagbugbugan na naman dahil hindi nakuha ang gusto. May kumontra ehh... kaya inaya niya iyon na makipagsuntukan." Sabi ko.
Humagalpak siya sa tawa. Pinagtaasan ko siya ng kilay."Ganun pa 'din ang lalaking 'yun. Paniguradong, stress ka na naman.." aniya.
"Malamang.. palagi naman ehh.." sabay irap ko.
Nakakibit balikat akong humiga. Feeling ko, pagod na pagod ako."Well, kanino ba naman siya nagpaturo?" Sambit niya. "What do you mean?" Tanong ko, pinikit ang mga mata.
Wala pa naman sina Tita kaya hihiga muna ako dito habang naghihintay.
"'Diba ganyan ka 'din noon?" Tugon niya nang natatawa pa. Napatayo ako. Nakakunot ang noo.
"What are you trying to say, kuya?" Nagtataka ang mukha ko. May nabubuo na'ng konklusyon sa isip ko pero ayokong isipin.
"'Diba, nagyayaya ka 'din noon nang away 'pag may kumontra sa'yo.." tumawa pa siya. "Natatandaan ko pa nga noon na, may naunang bumili ng doll na gusto mo ay nagyaya ka agad nang sabunutan..." tumawa siya ng maalala iyon.
Ngumiti na lang ako. That's the greatest mistake on my childhood. Wala pa ako sa matinong pag-iisip 'nun. Wala naman akong alam na may sakit iyong inaya ko, kaya grounded ako the whole week. Mas lumala pa yata 'yung sakit niya nung sinabunutan ko siya. Isa iyon sa malaki kong pagkakamali.
"Kuya, I've changed. Hindi na ako ga'nun. Mabait na ako." Sambit ko.
"Oo nga. Pero that does'nt mean, na hindi ka na pasaway. Wala lang kumukontra sa'yo kaya nasasabi mo 'yan."aniya.
"Tsk.. whatever!!" Sabi ko at humiga ulit.
"Hindi ka na nagiging pasaway kasi nakukuha mo na ang gusto mo.." saad niya.Nakukuha ko na ang gusto ko? Hindi mo lang alam, kuya. May isang tao ang tumanggi sa akin. Umamin ako sa kanya ng feelings ko at gusto ko s'yang maging first boyfriend kaso nireject niya ako.
'Yun ang nag-iisang bagay na hindi ko makuha. Natauhan na ako. Iba iyon sa pangkaraniwang bagay lang. That's a feeling... at siya ay tao, hindi siya bagay na madali ko lang nakukuha...