Umalis na kaming lahat. Tatlo ang dinala naming sasakyan dahil, sa marami kami. Kay Kuya Levi, Jerome at kay Dave na sasakyan. Kay Kuya ako sumakay kasama sina Clark at Drixie. Kay Dave ay sina Matt, Ella at Troy. Kay Jerome naman ay si Melanie Vanessa, Billy kasama ang marami 'din naming mga bagahe. Van iyon nina Jerome kaya marami ang malalagyan na Space para sa mga maleta nilang malaki.
Katabi ko si Drixie sa likod habang sa passenger seat si Clark at sa Driver's seat naman si Kuya. Hinanda ko na ang sarili ko sa mahabang biyahe kaya nakaheadset na ako at pinikit na ang mga mata.
Nakatulog ako sa simula pa lang ng biyahe.
_____________
Nagising ako nang maramdaman ang sinag ng araw na tumama sa mukha ko. I yawn. Nasa bintana ako kaya kita ko agad ang dinadaanan namin.
Bumaling ako sa kanila. Mahimbing na natutulog si Drixie na nakasandig lang sa bintana. Isinandig ko agad ang ulo ni Drixie sa balikat ko. Mahirap ang matulog nang ganito. Lalo na kung lubak-lubak ang daan at baka mauntog pa ang ulo niya.
Naka-head phones na 'rin si Clark sa passenger seat, tulog na 'rin siguro. Si Kuya pa 'rin ang nagda-drive.
"Ano na ang oras, Kuya?" tanong ko sa kanya. Tiningnan niya ako mula sa rear view mirror. "It's 10:45 Alice." sagot niya na nakatingin sa Wrist Watch niya.
"Nakasunod pa 'rin ba sila?" tanong ko, tinutukoy ang dalawang sasakyan na dapat nakasunod sa amin. Tumango siya. "Nagugutom ka ba? Dadaan tayo sa Starbucks dito kung gusto mo." aniya.
"Hindi na. Hindi naman ako nagugutom."
Sinuri niya ako mula sa rear view mirror. "May juice at biscuit diyan kung gusto mo ng snacks." aniya. Tumingin ako sa likod at may mga baso nga doon at biscuit sa plastic. Kinuha ko iyon at kumain.
Dinahan-dahan ko lang dahil nakasandig sa akin si Drixie.
"Tingin mo, magagalit kaya sila kung matatagalan tayo doon?" tanong niya. Kumunot ang noo ko. "What do you think, Kuya? Of course! 2 weeks lang ang bakasyon at sinabi mo na 2 weeks lang naman iyon kaya pinayagan nila ako." saad ko.
"Pero paano kung ipapa-extend natin iyon?"
"Nasisiraan ka na ba, Kuya? Ayokong hindi sundin ang utos nila. At isa pa, may pasok pa kami ng mga kaibigan ko."
Ngumuso siya. "Is that why you brought almost of your clothes? Because you're going to extend it?" mapanuring mata na ang ginamit ko ngayon.
"I'm telling you, Kuya. Don't do it. Ikaw ang sisisihin ko kung isuspended ako nina mommy at daddy." banta ko.
"I don't care!"
"Ano ka ba, Kuya? Seryuso ka? Paano 'yung trabaho mo?" tanong ko.
"I don't care!" ulit niya. Inirapan ko.
"Nasisiraan ka na yata.. Baka pagalitan ako ni mom at dad eh.."reklamo ko. Ngumunguso pa ako. "At tsaka, hindi ako sanay doon.." dagdag ko pa.
"E 'di, sasanayin ka namin doon.." sulpot ni Clark na tinggal ang head phones. Gising na pala siya. Hindi ko na napansin dahil sa conversation namin ni Kuya. Napatingin ako kay Drixie nang gumalaw ito.
Nakapikit pa 'rin siya at mukhang nakokomportable na sa pagtulog sa balikat ko.
"Ayoko nga.." ani ko.
Kahit sanayin nila ako doon. Wala akong pakialam. Ang daming rason na hindi namin pwedeng gawin iyon. Una, 2 weeks lang ang pinagkasunduan nila nina Kuya. Pangalawa, may pasok pa ako, ang mga kaibigan ko, si Clark at may trabaho 'din si Kuya. Pangatlo, kung mae-extend pa iyon, ako ang mananagot sa kanila dahil ako ang nagyaya. Pang-apat, pinagbawalan na ako nina mom at dad dito kaya hindi ako pwedeng magtagal kahit na kasama ko sila.