Chapter 2: Freedom?

32 17 0
                                    

Nang dumating na sina Tita Clara kasama si Clark ay umuwi na 'din kami.

     Nang nakarating na kami sa mansion ay agad  kaming bumaba. Tahimik lang si Tita Clara. Napatingin ako kay Clark na may pasa sa bibig. Umiling na lang ako.

     Nakakapanibago 'din. Dapat kanina pa niya sinermonan si Clark dahil sa ginawa'ng katarantaduhan. Pero baliktad yata, naging tahimik lang siya.

     Mukha siyang stressed. Kanina 'nung dumating siya sa school. Parang ang hinang-hina niya. Pagod na pagod siguro iyon.

     Sino ba namang hindi mapapagod? Kaharap mo ba naman ang sandamakpak na mga papel buong araw at bubungad pa sa'yo 'pag uwi e 'yung pasaway mong anak. Tsk.. naaawa lang ako para kay Tita.

     Pumasok agad ako at dumiretso sa kwarto. Sumalampak ako sa kama dahil sa pagod.

      Bigla'ng nag-beep ang cellphone ko. Tiningnan ko 'yun. Isang message galing kay Melanie.

From Melanie>
      Huwag niyong kalimutan 'yung reunion natin bukas ahh... Sa bahay ni Dave naman tayo!!

     Text niya iyon sa GC namin. Oh My God! Oo nga pala, weekend bukas. Shit! Hindi pa ako nakapagpaalam kay Tita. Baka nga hindi ako payagan 'nun. Nakalimutan ko na. Next week pa namin iyon napag-usapan at hindi ko iyon natandaan? Lagot ako nito.
  
       Nagbeep ulit ang phone ko sa isang message.

From Dave>
     8 am kayo pumunta sa bahay bukas ahh.. Nakapagpaalam na ako last week. Mags-swimming din tayo..

    Galing kay Dave iyon. Nagbeep ulit sa isa na namang message.

From Jerome>
      Magpaluto ka nang marami Dave ahh... Whole day kami diyan sa inyo..

From Vanessa>
      Oo nga. May ihawan pa dapat!

     Dagdag nila. Naku! Mukhang sure na silang lahat na pupunta. E panu naman ako? Huhu..

     'Di bale na, ngayon ko na lang ipapaalam kay Tita, sisiguraduhin kong papayagan niya ako.

       Dumiretso na agad ako sa CR at naligo. Nagbihis ako pagkatapos at nag-ayos.
     
     "Miss Alice.. kumain na po kayo sa labas. Kumakain na po sina madame..." tawag sa akin ni Yaya nang nagsusuklay na ako ng buhok.

    "Sige. Bababa na ako.." sagot ko.

     Lumabas na ako at bumaba. Nadatnan ko sa dining area sina Tita Clara, Kuya Levi at Clark na kumakain na.

     "Good evening.."bati ko sabay halik kay Tita.
"Kumain ka na, hija..."ani Tita.

     Umupo ako sa bakanteng upuan, kaharap ni Kuya Levi. Nasa center si  Tita. Nasa kaliwa niya ako at nasa kanan naman niya si Kuya Levi na katabi si Clark.

     "Salamat.." sabi ko sa katulong nang nalagyan niya na ng pagkain ang Plato ko.

     Nakita ko ang pagngisi ni Kuya. Tinaasan ko siya ng kilay.

    Ano na naman kaya ang problema niya?

    Hanggang sa nagsimula ako'ng kumain ay tahimik pa 'rin silang lahat.

     "Hayyy... Clark, anak!" Tawag ni Tita sa kalagitnaan nang pagkain.

     Kinain na naman kami ng katahimikan.

     "Bakit kasi hindi mo gayahin ang mga pinsan mo?..."mahinahon iyon at mahahalata ang kapaguran. "You know, itong sina Levi at Alice, ga'nun 'din ang ugali  noon."aniya. "Itong si Levi at Alice, napakapasaway noon. Mabuti nga, at nagbago na sila ngayon. 'Nung nandito pa  sina Loisa at Alexander, ang pasaway pa nila. Hindi ko nga alam kung bakit kung wala sila, doon pa nagbago ang dalawa mong pinsan." Dagdag niya.

A Hidden Place (On-Going)Where stories live. Discover now