1 day had passed at hindi ko maiwasang mabahala dahil sa pagpunta namin sa sinasabing bayan. Clark was so excited and he had been packed the day he knew, he was free to go there and kuya too. May binabanggit silang mga pangalan na hindi ko naman kilala. Tungkol doon agad ang topic nila kung gabi sa dinner.
Hindi na ako nakakasabay dahil wala naman akong alam sa bayan na iyon. Ang alam ko lang, sa ganung mga Lugar at Probinsya, maraming mga nagtataasang puno, mga bahay na hindi magkadikit, mga mapuputik na daan at mga taong nagsasaka.
The reason why I'm not used to that place, because mom and dad don't want me to go there. They wont let me to go there. Tinanong na namin iyon ni Kuya sa kanila pero wala lang silang sagot. Dapat nga daw akong sanayin doon dahil lahat sila ay sanay na sanay doon.
Kung ganoon ang gusto nila mommy at daddy, dapat kong sundin iyon. Pero si Tita na mismo ang nagsabi kaya wala na akong magagawa, siya na ang magpapaliwanag sa kanila. Ano kaya ang magiging reaksyon nila pag ka umuwi sila dito na nalaman nilang nandoon na pala ako sa lugar na ayaw nilang puntahan ko? Well, that'll be exciting but scary also.
"You know Lice. I really hate Ella. She's so annoying..."parang nandidiring ani ni Melanie sa passenger seat.
"She's our best friend." paalala ko.
"Si Drixie lang ang best friend niya.." aniya.
"But she's with us for 3 years. Kasama siya sa Friend circle natin." saad ko. Inirapan niya ako. "I wonder why she became Drixie's best friend. Drixie is a kind hearted and friendly woman, and she couldn't be with that annoying and crazy girl."
Sinuway ko siya at nginusuan si Drixie na nasa likod. Tiningnan ko siya sa rearview mirror. She's wearing a head set and busy scrolling on her Ipod.
"Continue what you are saying until Drixie can hear you." sambit ko.
Inirap niya ang mata niyang puno ng eye liner. "I don't care."
Nagda-drive ako habang si Melanie ang sa Passenger Seat. Sina Drixie at Vanessa ay nasa-likod at parang may mga sariling mundo dahil may mga head set na suot. Sinusundan namin ang sasakyan ni Billy. Nandun ang mga boys and we are now heading to Airport.
Monday ngayon, at ngayon namin susunduin ang mokong na nag-reject sa akin. Hindi sana ako sasama kasi may klase pa ako at syempre, sila 'din dahil Class Day. Pero dahil nga Friend namin, 'Important Friend' daw, gumawa ng paraan ang mga lintik para lang lahat kami ay kumpleto sa pagsalubong daw ng Best friend namin na balikbayan.
Wala na 'din akong magagawa dahil in-excuse na nila ako sa Teachers ko. At kung hindi daw ako sumama, lumalabas na bitter daw ako sa kanya. Eh, totoo naman na wala na akong feelings sa kanya, at hindi ako magpapaka-bitter sa kanya!
Waste Time lang siya para sa akin. Magkikita 'din naman kami sa Reunion Day namin eh..
"Hoy!" Iritado akong bumaling kay Melanie. "You look so irritated. Is something bothering you?" nagtataka ang mukha.
I roll my eyes. "Of course. No other reason!" ani ko.
Tumawa siya. Tinakip niya pa ang bibig niya sa kakatawa. Napatingin ako sa rearview mirror at bumungad sa akin ang nagtatakang mukha ni Vanessa na nakatingin kay Melanie. Busy pa 'rin si Drixie at may tina-type na kung ano sa ipod niya.
"Why are you laughing? Sounds so, annoying." reklamo ni Van. Tumigil na 'din siya.
"Nothing. I just can't believe that someone here is bothered by a small thing." aniya na nakatingin sa akin. Pinagtaasan ko siya ng kilay.