NAPALINGON SINA Zeke at Van sa pinto ng bigla na lang iyong bumukas. Pumasok roon sina Liam kasama si Keir, Cole, Caleb at Blake.
"Where's Andrei?" Takang tanong ni Van sa mga ito.
"Sa SR, binabantayan si Craige. Lasing na lasing eh." Sagot ni Keir at lumapit sa babaeng nakaratay sa kama. Maraming tubo na nakakabit sa katawan nito at may oxygen mask din. May mga sunog ito sa balat at cast sa leeg at braso.
"Siya lang ba ang nakita?" Tanong ni Keir habang nakatingin kay Luciana.
Yes. Si Luciana ang sinasabing babae na nakita sa pangpang ng kabilang barangay na malapit sa Sowyer port.
"Sadly yes. Hindi pa rin nakikita si Zairene hanggang ngayon." Malamig na sagot ni Zeke habang nakatingin sa ginang.
"She's alive Zeke, she's alive." Van said at tinapik sa balikat ang kaibigan. Tumango naman si Zeke at bumaling sa mga kaibigan na tahimik lang na nakikinig sa kanila.
"I have to go. Marami akong gagawin sa office. Update Craige about his mom kapag maayos na ang lagay nun." Mungkahi ni Zeke at napatingin sa cellphone niya. "Fuck! Yung siomai ni Zane nakalimutan kong bilhin." Bulong ni Zeke at dali daling lumabas ng silid.
Napatingin naman sa kanya ang mga kaibigan niyang naiiling at natatawa na lang sa kanya.
"Under de saya pa rin pala si Zeke haha." Natatawang sabi ni Cole na tinatawan din ng iba.
"Kapag nag-asawa ka siguradong under ka din." Sabi naman ni Van sa mga kaibigan na nagtatawanan pa rin.
"Bakit Van? May asawa ka na ba?" Natatawang tanong ni Liam sa kaibigan. Napatigil naman si Van sa tanong na iyon at biglang naging blangko ang mukha.
"Uy! Ayos ka lang? Biro lang yun alam naman naming wala kang asawa." Pagbawi ni Liam sa sinabi niya ng makita niya ang biglang pagbabago ng ekspresyon ni Van.
"May meeting pa ako. Maiwan ko na kayo" tanging sagot lang ni Van at iniwan ang mga kaibigan na nagtataka pa rin sa inasal niya.
"Anong nangyare dun?" Takang tanong ni Caleb habang nakatingin sa pintong nilabasan ni Van.
"Ewan. Weird talaga ng isang yun." Kibit balikat na sabi ni Cole.
"Ang daming problema. Gumagalaw na din ang mga Rivas. " naiiling na sabi ni Blake habang nakatingin sa kisame.
"Rivas? The Rivas Mafia Organization?" Tanong ni Keir.
"Yeah. The Rivas Mafia na kalaban ng Mafia Organization natin." Sagot ni Blake.
"Bakit parang biglaan silang nagparamdam?" Kunot noong tanong ni Cole.
"I don't know. We don't know either." Sagot lang ni Blake. Bago tiningnan isa isa ang mga kaibigan. "But one thing is for sure, Rivas means danger. They are dangerous."
HINDI ALAM NI RALPH KUNG nasaang lugar siya ngayon. Puro bulaklak ang nasa paligid niya. Napakatahimik ng paligid at wala siyang makitang ibang tao. Naglakad ng ilang hakbang si Ralph para hanapin ang daan palabas sa lugar na iyon, pero napatigil siya ng makita ang nobya na nakaupo roon habang nakatingin sa batis.
Hindi agad nakagalaw si Ralph sa kinatatayuan at nakatingin lang sa nobya.
"Babe." Mahinang pagtawag niya rito pero hindi ito lumingon. Kaya mas nilakasan pa niya ang pagtawag dito.
"Zairene!" Lumingon naman sa kanya ang nobya at nginitian siya.
"Alam kong maganda ako, pero tititigan mo lang ba ako?" Pagkausap nito sa kanya. Dali dali namang naglakad si Ralph papunta sa nobya at niyakap ito ng mahigpit.
"I miss you. Akala ko wala ka na talaga, saan ka ba nagpunta? Alam mo bang nababaliw na ako sa pag-aalala sayo? Gusto mo bang itali kita sa bewang ko?" Sunod sunod na tanong ni Ralph dito habang mahigpit pa ring nakayakap.
Natawa naman si Zairene sa mga sinasabi ng nobyo at hinaplos ang buhok nito.
"I miss you too. I'm sorry if I made you worried. I'm sorry babe. Don't cry and ruin yourself because of me Ralph. I'm just a woman, makakahanap ka pa ng iba, ng mas higit sa akin." Pagkausap ni Zairene dito habang patuloy na hinahaplos ang buhok nito.
Napahiwalay naman ng yakap si Ralph dahil sa sinabi ng nobya at tiningnan ito. "Wag kang magsalita ng ganyan. Ikaw at ikaw lang ang babaeng mamahalin ko, hanggang kamatayan, hanggang sa huling hininga ko ikaw lang. "
Ngumiti si Zairene sa sinabi ng nobyo at hinaplos ang pisnge nito. "I'm happy to hear that babe dahil ganun din ako. Ikaw lang ang lalaking mamahalin ko."
"Then why are you pushing me away?" Takang tanong ni Ralph.
"Dahil hindi pa oras para sa ating dalawa. Marami pang mangyayare sa atin Ralph. Marami pa." Makahulugang sabi ni Zairene at tumayo mula sa pagkakaupo.
"What do you mean? " gulong tanong ni Ralph sa nobyo. Pero isang tipid na ngiti lang ang binigay ni Zairene bago unti unting naglalaho sa harap ni Ralph kasabay ng pagdilim ng paligid.
"Zairene! Zairene!" Pagtawag ni Ralph dito pero wala siyang makita kundi dilim.
"Zairene!!!" Muling sigaw ni Ralph at pilit na naglakad sa dilim. Muli na sanang sisigaw si Ralph para tawagin ang dalaga ng may malamig na bagay ang humaplos sa leeg niya at bumulong.
"Babalik ako mahal ko, babalik ako."
Iyon ang tinig na narinig ni Ralph bago bumalikwas ng bangon sa kinahihigaan. Habol niya ang hininga at puno ng pawis ang katawan niya.
"Jusmiyo! Diyos ko! Kanina ka pa sigaw ng sigaw. Binabangungot ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Casmen sa anak niya.
"It's not a nightmare mom. It's not. Napanaginipan ko siya." Habol hininga pa ring sabi ni Ralph.
"Sinong siya?" nagtatakang tanong ni Casmen habang nakatingin kay Ralph.
"Si Zairene mom. Napanaginipan ko siya, nakita ko siya, nayakap at nakausap." Sagot ni Ralph habang isa isang bumabagsak ang mga luha sa mata niya. May ngiti sa labi niya pero hindi iyon kasing saya ng mga ngiti niya noon.
"I know she's alive. I know she's just there waiting for me. I can feel it mom, I can feel it. " dagdag pa ng binata habang umiiyak na nagkwe-kwento sa ina. Naluluha namang tumango tango si Casmen habang nakatingin sa anak niya. Niyakap niya ito at hinalikan sa noo.
"I know. I know. I will support you. I will help you finding her." Pagkausap ni Casmen habang yakap pa rin ang anak.
"Babalik siya mom. Sabi niya babalik siya. Hihintayin ko siya. Hihintayin at hahanapin ko siya kahit gaano katagal, hindi ako titigil. Maghihintay ako. "
__________________
A/N: Sana may ganyan pang lalaki. Yung handang maghintay kahit gaano pa katagal. Hayy. Papatayin ko na talaga si Zairene para kami na lang ni Ralph. Harhar!
BINABASA MO ANG
Mafia Series 2: Until my Last Breath (Completed)
AcciónSYNOPSIS Are you willing to let go of someone you love? In between of your duty and his life, what will you choose? Will you be this selfish and have him with you temporarily or you will endure the pain of being away if that means he will live long...