HINDI ALAM NI ZAIRENE kung nasaan siya ngayon. Nang umalis kasi siya sa mansion ng kapatid kasama si Zane ay piniringan siya ng babae.
"Zane? Saan mo ba talaga ako dadalhin?" Tanong niyang muli sa babae. Natawa naman si Zane sa kanya dahil hindi iyon ang unang beses na tinatanong niya ng parehong tanong ito.
"It's a surprise." Napabuntong hininga na lang si Zairene sa sagot ni Zane sa kanya at hinayaan na lang ito na alalayan siya sa kung saan.
Gusto sana niya itong tanungin kung nasaan ang mga anak nito at ang kambal niya, dahil wala ang mga ito sa mansion ng pumunta siya roon.
"Zane, matagal pa ba tayo? Baka kasi nagtext na si Ralph eh. Magkikita kami ngayon."
"Oh, no worries. Nasabihan ko na si Ralph na hihiramin kita." Ngiting sagot ni Zane.
Ilang minuto pa silang naglakad sa kung saan, hanggang sa huminto sila at bitawan siya ni Zane.
"Zane? Zane? Asan ka?" Tanong niya sa babae ngunit hindi ito sumagot. Kaya naman tinanggal niya ang piring sa mga mata para makita kung saan siya dinala nito.
"Oh my God!" Bulaslas ni Zairene habang nakatingin sa harapan niya. The whole place is so beautiful. May malaking fountain sa gitna na may iba't ibang kulay. Ang buong paligid ay napapalibutan ng crystal lights. Nagkalat din ang rosas sa sahig. Maging sa inaapakan niya ay napapalibutan ng mga bulaklak.
Hindi alam ni Zairene ang sasabihin habang nililibot niya ang tingin sa paligid. Napakaganda nun'. Ang gold crystal theme na design na bumagay sa kulay krema niyang dress. Maglalakad na sana si Zairene para libutin ang paligid ng may biglang nagsalita gamit ang microphone.
"Stop babe." Saad ng isang baritonong boses na kilalang kilala ni Zairene.
"Babe..." Mahinang usal ni Zairene at inilibot ang mata upang hanapin ito. "Where are you Lauren?" Kunot noong tanong ni Zairene ng hindi niya ito makita.
"In your heart and mind babe. I'm always in your heart and mind." Sagot nito sa tanong niya. Napangiti naman si Zairene dahil sa sagot nito.
"That's right babe, just smile. Stand wherever you are and listen okay?" Tumango naman si Zairene sa sinabi ng nobyo bago sumagot."Yes, babe. I will always stay and listen." Bulong ni Zairene.
Narining naman ni Zairene ang pagbuntong hininga ng nobyo sa microphone bago nagbilang. "Close your eyes babe." Sinunod naman agad iyon ni Zairene. "In a count of three, open it. One. Two. Three. Open your eyes babe."
Napaawang ang labi ni Zairene ng imulat niya ang mga mata niya. Ang kaninang fountain na iba't ibang kulay lang ang nilalabas, ngayon ay plain white with crystal blue na. Sa bawat magpagsak ng tubig nun ay may mga larawang sumasama. Mga larawang kilalang kilala niya. Mga larawan na naging dahilan para bumalik ang alala niya.
"6 years babe. 6 years for being secret boyfriend and girlfriend. Mga bata pa tayo nun ng ligawan kita. Grabe pa ang inabot ko sayong bugbog nun dahil sabi mo bawal. Sabi mo hindi pwede. Kaya lagi mo akong binabatukan, tinataboy at sinusungitan. Napakabrutal mo babe, mula noon hanggang ngayon." Natatawang sabi ni Ralph gamit ang microphone.
Tumaas naman ang kilay ni Zairene dahil dun at umismid sa sinabi ng nobyo. Ngunit kahit ganun ay masaya siya dahil naaalala pa yun ng binata kahit maraming taon na ang lumipas.
"Pero hindi ako nandito para balikan ang mga pang-aapi mo sa kagwapuhan ko babe--Aray putangina!" Napakunot naman ang noo ni Zairene dahil sa biglang pagmumura ng nobyo. Kasabay noon ang mga mahihinang boses na kilang kilala rin niya. Ang mga kaibigan nila.
BINABASA MO ANG
Mafia Series 2: Until my Last Breath (Completed)
AcciónSYNOPSIS Are you willing to let go of someone you love? In between of your duty and his life, what will you choose? Will you be this selfish and have him with you temporarily or you will endure the pain of being away if that means he will live long...