NAGISING SI CRAY DAHIL sa sinag ng araw na tumatama sa pisnge niya. Wala na siya sa loob ng helicopter. Nasa isang magarbong silid na siya. She can feel the familiarity of the whole place, pero hindi niya mahagilap sa isipan na nakapasok na siya sa silid na iyon.
Kinapa ni Cray ang tabi niya para gisingin sana ang mga anak. Ngunit napakunot ang noo ng niya ng wala siyang makapang tao roon. Dali dali siyang bumangon at hinagilap sa buong silid ang kambal.
"Raphael? Raffy?" Pagtawag niya sa mga ito. Binuksan niya ang bawat pinto na mayroon ang silid ngunit wala roon ang mga anak. Hanggang sa mabuksan ang isang pulang pinto. Puno iyon ng mga paintings, frames with different pictures ang such.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ni Cray habang nakatingin sa mga litrato na iyon. Iba't ibang tao ang nakikita niya sa mga litrato at paintings. Kinakabahan siya, naiiyak at nalilito. Nag-uumpisa na ring pumitik sa sakit ang sentido niya habang nakatingin sa mga litrato na iyon.
Unang nilapitan ni Cray ang isang malaking picture frame. It's a family picture. She's sure of that. She can see herself clearly smiling on the picture.
'Are they my family?' Tanong ni Cray sa isipan habang hinahaplos ang bawat mukha sa litrato.
Nakapormal siya ng suot sa litrato na iyon. Gayun din ang lalaking may katangkaran sa kanya na seryoso ang mukha sa litrato.
'He looks familiar. Is he my brother?'
Sunod na tiningnan ni Cray ang mukha ng sopistikadang babaeng nasa tabi ng isang may edad na rin na lalaki. Halata sa mukha at aura nito ang authoridad. Ang mg expression nito ay seryoso at taas noo. Tanging siya lamang ang nakangiti sa litrato.
'Are they my parents? They look so scary and strict.'
Binalingan naman ni Cray ang ibang litrato na nakasabit. Halos lahat ng iyon ay siya. Mayroon naka all black suit habang may hawak na baril. Mayroon ding nakasandal siya sa isang sports car. Mayroon ding naka two piece siya habang nakangiti sa camera. Mayroon ding nakatayo siya sa verada at nililipad ng hangin ang buhok niya. She looks so sexy, hot and happy on those pictures.
Patuloy lang siya sa pagtingin tingin ng litrato hanggang sa mapadako ang tingin niya sa parang collage pictures na nasa frame.
'It's him!' Sigaw ni Cray sa isipan habang nakatingin sa mga litrato.
Siya iyon at si Ralph. They look so happy ang in love to each other. Iba't iba ang kuha ng mga litrato. Mayroong nakayakap sa bewang niya ang binata habang nanonood sila ng sunset. Mayroon ding naka piggy back siya sa binata. Mayroon nakayakap siya sa bewang nito. Mayroong nasa sports car sila at higit sa lahat ay ang nakapulupot siya sa bewang nito habang magkadikit ang labi.
Napaatras si Cray at nanghihina ang tuhod niya dahil sa mga nakikita. Naging doble rin ang pananakit ng ulo niya kasabay ng mga malalabong imahe at ibat ibang boses na naririnig sa isipan niya.
"Ahhhh!" Hindi mapigilang sigaw ni Cray habang hawak hawak ang ulo niya.
The pain. The pain is unbearable. Its excruciating! Pakiramdam niya ay hinahati at pinupokpok ang ulo niya sa sakit.
Patuloy lang sa pag-atras si Cray. Nakapikit ng mariin ang mata niya habang sapo sapo ang ulo. Rinig na rinig niya ang nagbabagsakan gamit sa bawat atras niya. May mga nasasagi rin siya na babasaging bagay sa bawat atras.
"Ahhhh!" Muling sigaw niya. Nahihilo na siya. Kinakapos ang hininga niya. Naghahalo-halo na ang imahe sa isipan niya. Hindi na niya alam ang nangyayari sa paligid niya. Unti-unti siyang nilalamon ng dilim.
BINABASA MO ANG
Mafia Series 2: Until my Last Breath (Completed)
БоевикSYNOPSIS Are you willing to let go of someone you love? In between of your duty and his life, what will you choose? Will you be this selfish and have him with you temporarily or you will endure the pain of being away if that means he will live long...