ISANG MALAPAD NA ngiti ang gumuhit sa labi ni Ralph ng dumating ang taong kanina pa niya hinihintay.
"Long time no see gago." Ngising salubong nito sa kanya.
Itinaas lang ni Ralph ang gitnang daliri at ngumisi pabalik sa kaibigan. "Gago! Baka nakakalimutan mong best man ka sa kasal ko?" Taas kilay na mungkahi ni Ralph.
Natawa naman si Craige sa sinabi niya at tinapik ang balikat niya. "Of course not dude. " ngising sagot ni Craige sa kanya at umiling iling. Sinamaan naman ito ni Ralph ng tingin at inismiran. Marahil ay naaalala na naman ng kaibigan ang epic niyang paghingi ng tawad dito.
"I swear, sasagasaan kita pag-uwi natin kapag tama ang hinala kong iniisip mo na naman 'yun'. "Banta ni Ralph sa kaibigan na nagpalakas sa tawa ni Craige. Dahilan para mapalingon ang mga tao loob ng cafe sa kanila.
"That's epic. Really? Who told you na gawin mo yun?" Natatawang tanong ni Craige sa kanya.
"The gagos, specifically Cole and Caleb." Sagot ni Ralph sa kaibigan.
"You're so desperate to apologize to me kaya 'di mo napansin na ginagago ka ng mga gago." Saad ni Craige at inabot ang tasa ng kape sa harap niya.
"Babalatan ako ng buhay ni Zairene kapag hindi raw ako humingi ng sorry sayo at kapag hindi ikaw ang bestman ng kasal namin."
"So, napilitan ka lang?"
"Nope. I was shy. Nahihiya ako sa ginawa at pagtrato ko sayo. I'm an asshole for blaming you. And I'm sorry for that. You know, hindi ko na matatama ang mali ko noon.
But I'm really sincere when I say sorry to you months ago." Seryoso at puno ng sinseredad na mungkahi ni Ralph.Nginitian naman siya ni Craige at naiiling na tumayo. "I'm just kidding. C'mon, the gang is waiting." Tumayo naman agad si Ralph at sumunod sa kaibigan na nauna nang naglalakad.
"TSK! AKALA NAMIN nagsuntukan na kayo eh." Agad na sabi ni Blake sa kanila ng makapasok sila ng SR nila.
"May pinag-usapan lang kami." Sagot ni Craige sa sinabi ni Blake.
"Napapadalas ang pagpunta mo ng US ah." Mapangmatang sabi ni Van kay Craige.
"Baka may binabahay na babae." Ngising sabi ni Andrei. Itinaas naman ni Craige ang gitna ng daliri niya sa sinabi ni Ralph at nginisihan ito pagkatapos.
"Wag mo akong itulad sayo gago." Iling na sagot ni Craige sa sinabi ni Andrei.
"Ang chismoso niyo mga gago. Where's Liam? Siya ang nag-aya ng inuman diba?" Singit ni Ralph sa usapan at hinanap ang kapatid.
"He's inside." Sagot ni Van sabay turo sa personal office ni Zeke sa SR nila.
Kumunot naman ang noo ni Ralph dahil dun' at hindi na umimik.Ilang minuto pa ang hinintay nila bago bumukas ang office ni Zeke. Naunang lumabas dun' ang kapatid niya roon kasunod si Zeke na seryoso lang ang mukha.
"Yow gagos! Let's get wasted for this night!" Aya ni Liam sa kanila na umupo sa tabi niya. Umupo naman si Zeke sa tabi ni Van.
Lahat sila ay naroon at kompleto. Pero walang umiimik at karamihan ay nakakunot lang ang noo habang nakatingin kay Liam. Maging siya.
"What?" Takang tanong ni Liam sa kanila habang nakangiti. Pero alam niyang peke iyon. Alam niyang hindi pa rin ito nakakamove on sa nangyari. Sa pagkamatay ni Lorraine.
"Quit showing your fake smile. You can't fool us." Seryosong saad ni Ralph sa kapatid. Agad namang napawi ang ngiti ni Liam sa labi at nawalan ng emosyon ang mukha.
BINABASA MO ANG
Mafia Series 2: Until my Last Breath (Completed)
AçãoSYNOPSIS Are you willing to let go of someone you love? In between of your duty and his life, what will you choose? Will you be this selfish and have him with you temporarily or you will endure the pain of being away if that means he will live long...