"ARAY! TANGINA DAHAN DAHAN NAMAN!" malakas na sigaw ni Lorraine kay Ralph na nagmamaneho.
"Shut up! Stop shouting you're annoying! Just take care of my children there." Inis na sagot ni Ralph sa dalaga sa back seat at kasalukuyang masama ang tingin sa kanya.
"Bwesit!" Mahinang mura ni Lorraine habang mahigpit ang hawak sa mga inaanak niya dahil hinahabol sila ng kamatayan.
"Kung hindi ko lang kasama ang mag-iina ko kanina ko pa nilabas yang hayop na boss niyo." Inis na sambit ni Ralph.
"Dude turn to the left. Itodo muna ang pagmamaneho mo. Nakahabol sainyo ang sasakyan nung' kuya ni Kristine." Mungkahi ni Blake mula sa earpiece na suot ni Ralph.
Sinunod naman iyon ng binata at mabilis na iniliko pakaliwa ang sasakyan. "Papatayin ko talaga yang boss niyo."
"As if madali lang yun. Leader ng sindikato ang humahabol sayo dahil kinuha mo lang naman ang love of his life niya. " mataray na sabi naman ni Lorraine dito.
"Wrong. Siya ang kumuha sa mag-iina ko. Tinago niya at inilayo. Kilala niya ang organization namin. Kilala niya si Zairene at plinano niya ang lahat ng ito."
"Faster dude. May mga tauhan tayo na nakaabang dun para harangan ang Cronus. Kailangan niyong magmadali. " Blake said.
"Umalis si Liam, pumunta sa port ng Sowyer. Dun niya kayo hihintayin. Siya na daw bahala sa bagage na dala mo." Singit ni Caleb.
"Sina Keir at Cole ang nagdala ng mga gamit mo sa resort. Helicopter nina Zeke ang ginamit." Dagdag pa ni Blake sa sinabi ni Caleb.
"Thanks." Sabi lang ni Ralph at mas binilisan pa ang pagmamaneho. Tiningnan niya ang side mirror ng sasakyan at nakita ang apat na itim na van na sumusunod sa kanila. Pero may pulang kotse na nauuna dito at isang puti sa likod nito. Sigurado ang binata na si Kristine ang nasa puting kotse at ang kuya nito na nagtago sa nobya ang nasa pula.
"Tss. Hindi niyo na magagalaw pa ang pamilya ko fuckers." Bulong ni Ralph.
"Talaga bang girlfriend mo si Cray? Anak mo talaga 'tong kambal?" Paniniguradong tanong ni Lorraine.
"Sa tingin mo makikipaghabulan ako kay kamatayan at pupuyatin ang sarili ko para hanapin ang mag-iina ko?" Sarkastikong sagot ni Ralph.
"Aba malay ko ba kung--punyeta!"biglang mura ni Lorraine ng gumiwang ang kotse na sinasakyan nila.
"Shit! Ayos lang ba mga anak ko jan?" Pag-aalalang tanong ni Ralph habang tinitingnan ang kambal sa likod.
"Oo ayos lang ang mga 'anak mo' sir." Iritadong sagot ni Lorraine at muling napamura ng may tumamang bala sa salamin ng sasakyan. Hindi tumagos ang bala kaya siguradong bullet proof ang sinasakyan nila.
"Kanina pa ako naiinis." Sambit ni Ralph at pinindot ang auto drive. Kinuha niya ang dalawang baril sa compartment ng sasakyan at binuksan ang pinto ng driver seat. Inilabas niya ang kalahati ng katawan doon at mabilis na pinaputukan ang gulong ng pulang kotse. Pero mabilis itong nakailag kaya sa gulong ng puting kotse ito tumama. Gumewang iyon at nadire-diretso sa gilid ng kalsada.
Mabilis na isinarado naman ni Ralph ang sasakyan ng makitang sabay sabay magbukas ng pinto ang apat na van at pulang kotse. Kahit bullet proof ang sasakyan na dala ay ramdam nila ang impact ng mg bala na tumatama sa sasakyan.
"Dude ayos lang kayo?" Alalang tanong ni Blake sa kanya.
"Yes for now. Malayo pa ba kami sa sinasabi mo?" Inis na tanong ni Ralph.
"Nanjan na kayo dude. Tingnan mo sa likod." Ngising sagot ni Blake sa kanya.
Napatingin naman si Ralph sa likod at napabuntong hininga ng makita ang mga tauhan nilang pinapaputukan na ang nga kalaban.
BINABASA MO ANG
Mafia Series 2: Until my Last Breath (Completed)
AcciónSYNOPSIS Are you willing to let go of someone you love? In between of your duty and his life, what will you choose? Will you be this selfish and have him with you temporarily or you will endure the pain of being away if that means he will live long...