Chapter Thirty Four

6.3K 194 13
                                    

2 weeks later...

MALUNGKOT NA NAKATINGIN si Zairene sa isang puting lapida. Hinaplos niya iyon at hindi mapigilang hindi maluha habang nakatingin dito.

"Masyado kang madaya. Akala ko ba walang iwanan? Bakit nang-iwan ka?"
Sumbat ni Zairene habang patuloy na umiiyak.

"Pero kahit ganun, nagpapasalamat pa rin ako sayo." Mahinang saad niya at ngumiti. "Kung hindi dahil sayo baka wala ng ama ang mga anak ko. Baka mamamatay ako sa sobrang sakit dahil hindi ko kakayanin na siya ang mawala. Sorry, hindi ka sana nadamay sa gulo na 'to, sa gulo ng buhay ko. I'm sorry Raine." Hindi na napigilan ni Zairene ang hindi humagolhol dahil sa sakit.

Yes, she's thankful na hindi si Ralph ang namatay. She's thankful na nabuhay ito at daplis lang ng bala ang natamo. Pero kapalit naman nun ay ang buhay ng kaibigan niya. Kaibigan niyang naging kasama at sandalan niya sa loob ng tatlong taon. Kaibigan na naging kaagapay niya sa pagpapalaki sa mga anak niya. Kaibigan niya na isinakripisyo ang sariling kasiyahan at buhay para lang iligtas ang taong mahal niya. Kaibigan niya na ngayon ay wala na, kaibigang hinding hindi niya makakalimutan hanggang sa mamamatay siya.

Patuloy lang sa pag-iyak si Zairene habang nakayuko at nakapatong ang kamay sa lapida ng kaibigan.

'Lorraine Kim Chen'
Born: December 5, 1998
Died: August 7, 2020

Huminga ng malalim si Zairene at pinunasan ang mga luha niya sa mga mata. Malungkot siyang ngumiti sa lapida ng namayapang kaibigan at hinalikan ito.

"I will miss you Raine. I promise that I will never forget you. Hindi ka rin makakalimutan ng mga inaanak mo. Hindi ka namin kakalimutan. I promise. I will take care of your family. Hindi ko sila papabayaan. Pangako. I love you Raine. Thank you." Malungkot na saad ni Zairene at tumayo mula sa damuhan. "I will visit you again my dear best friend." And with that, Zairene left the cemetery.

Agad na sumakay si Zairene sa sasakyan ng nobyo na kanina pa naghihintay sa kanya.

"Feeling better?" Tanong ni Ralph sa kanya.

"Yeah. I miss her, I just can't believe that she's gone now." Malungkot na sabi ni Zairene sa nobyo.

"I am sad too, but... I'm thankful. Sinakripisyo niya ang sariling buhay niya para iligtas ako. Dahil gusto niyang maging masaya ka. Ayaw niyang mawalan ng ama ang kambal dahil alam niya ang pakiramdam ng walang tatay. " malungkot na mungkahi ni Ralph habang nagmamaneho.

"She's a good person. A good friend, a very good friend." Zairene said and smile. Inabot niya ang kamay ng nobyo at hinawakan iyon. Napatingin naman roon si Ralph at ngumiti sa kanya.

"Don't you think it's a right time for us to settle?" Tanong ni Ralph sa nobya.

"Well, dapat matagal na tayo nag settle, kaso masyadong maraming nangyari na hindi na natin mababago. "

"Yhup. Let's move on from the past babe, let's face the future and enter in the new chapter of our life."

"Good idea. Kakausapin ko muna si daddy na after nating magpakasal tsaka ako uupo sa posisyon bilang Queen." Mungkahi ni Zairene na tinanguan lang ni Ralph.

"How's Liam?" Pag-iiba ni Zairene ng topic.

"Definitely not fine." Buntong hininga na sabi ni Ralph. Hindi naman nagsalita pa si Zairene sa sagot ng nobyo.

Naiintindihan niya ang kaibigan. Hindi madali rito ang nararamdaman ngayon. Mahirap mawalan ng minamahal. Masakit at nakakabaliw ang lungkot. At naiintindihan niya ang binata kung bakit para itong robot kumilos ngayon. Walang sigla at laging maga ang mga mata. Kahit siya, kung sa kanya nangyari iyon, kung si Ralph ang nawala sa kanya. Baka mabaliw siya. Hindi niya kakayanin ang sakit.

"Stop thinking too much, malapit na tayo sa bahay nina Zeke. Doon ko kasi iniwan muna ang kambal." Tumango naman si Zairene sa sinabi ng nobyo at ngumiti rito.

"You're so handsome babe. Sigurado kang ibang babae noong wala ako?" Mapangmatang tanong ni Zairene kay Ralph.

Natawa naman si Ralph sa sinabi ng nobya at umiling rito. "Not even a glance babe. Wala akong babae, ikaw lang. Kamay ko lang naging kaagapay ko at ng 'kaibigan' ko sa loob ng tatlong taon. Kaya sigurado kapag makascore ako mamaya, masusundan agad ang kambal." Pilyong sabi ni Ralph sa nobya.

Hinampas naman siya ni Zairene sa balikat at binatukan. "You wish! Sa kwarto ako ng kambal matutulog." Ngising mungkahi ni Zairene sa nobyo.

Sinamaan naman siya nito ng tingin at maya-maya ay biglang ngumisi. Kinabig nito ang manibela paikot dahilan para manlaki ang mga mata ni Zairene.

"Lauren!!!" Sigaw ni Zairene sa nobyo.

"What? Hindi mo ako paiiskorin mamaya kaya ngayon na lang. Siguradong sulit at walang istorbo. Bukas na natin sunduin ang kambal." Ngising sagot ni Ralph habang pasipol sipol na nagmamaneho.

"Pervert!"

"Babe, nagiging manyak lang ako 'pag nanjan ka. Isa pa, ikaw lang ang mamanyakin ko." Saad ni Ralph sabay kindat sa nobya. "Sundan na natin ang kambal para may kalaro sila, para hindi si Kanyee ang laruin nila lagi." Pagtukoy ni Ralph sa One and half year old baby nina Zeke at Zane. Tatlong taon na ang kambal na panganay ng mga ito, habang ang kambal naman nila ni Zairene at dalawang taon pa lang. Masyadong advance ang development ng mga anak nila. Dalawang taon pa lang ito pero matatas na sa pagsasalita.

Nailing na lang si Zairene sa sinasabi ng nobyo at hinayaan na lang ito. Well it's been three years since they made love. Malaki na rin ang kambal so pwede na rin. Beside namiss niya rin ang binata pati ang kaibigan nito.

'Mungkhang dadalaw na naman sila sa langit.' Iling na sabi ni Zairene at pumikit. She'll rest for now habang nasa biyahe pa sila. Dahil mamaya siguradong ubos ang lakas niya.







WALANG EMOSYON NA nakatingin si Liam sa kawalan. Malalim na ang gabi at nasa veranda lang siya nakatayo. Hawak hawak ang isang kwentas na pagmamay-ari ng nobya na namatay.

"I love you so damn much! But why did you leave me!?" Sigaw ni Liam sa kawalan. Nagsimula na ring manglabo ang mga mata niya dahil sa mga luhang isa isa ng nagbabagsakan.

Napahawak si Liam sa dibdib niya. Hinampas hampas niya iyon habang umiiyak. "It's too painful. It's too painful Raine. Why did you leave me? I thought you love me? I thought we'll get married? But why?" Umiiyak na tanong ni Liam sa kawalan.

Tumingin siya sa langit at madilim na kalangitan. "Nag-uumpisa pa lang tayo nang-iwan ka na." Malungkot na saad ni Liam.

"How can I go on kung ang dahilan para magpatuloy ako ay wala na? Wala ka na eh, nang-iwan ka."

Patuloy lang sa pag-iyak si Liam habang mahigpit ang hawak sa kwentas ng namayapang nobya.

"Miss na miss na kita Raine. Mahal na mahal kita ulan ko. Mahal na mahal kaya nahihirapan ako. Nahihirapan akong tanggapin na wala ka na. Na hindi na kita makikita ulit." Pinahid ni Liam ang mga luha niya sa mata ay pilit na pinapakalma ang sarili. Ngunit kahit anong gawin niya parang may sariling isip ang mata niya na ilabas ang mga luha ng sakit. Luha ng pangungulila.

"Maaga kang kinuha sa akin ng maykapal. Gusto man kitang sundan pero hindi pa pwede. Siguro balang araw, kapag natapos ko na ang dapat kung tapusin. " huminga ng malalim si Liam at ngumiti ng mapait sa kalangitan.

"Balang araw makakasama rin kita. Hindi man sa ngayon, pero sa tamang panahon, I promise. "

















____________________
A/N: Wala akong masabi, gusto ko lang sabihin na condolence Liam. Mahirap mawalan ng taong minamahal I know, ramdam kita. Pero kasalanan ng readers yun. Patayin ko daw si Ulan mo para mabuhay si Ralph. Sisihin mo sila wag ako.

Mafia Series 2: Until my Last Breath (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon