Chapter Eight

5.4K 189 8
                                    

TAHIMIK NA pinagmamasdan lang ni Zairene ang bawat galaw ng tita Casmen niya, ang ina ng nobyo na isa rin sa mga Planners.

"Bakit hindi mo inumin ang kape mo? Lalamig iyan." Mahinang mungkahi ng tita Casmen niya sa kanya.

"No thank you po tita, tapos na ako. Kagagaling lang namin ni Ralph dito kanina. " magalang na sagot ni Zairene.

"Is that so?" Taas noong sabi ng tita Casmen niya. Dahan dahang nitong inilagay ang tasang hawak sa lamesa. Maarteng pinunasan nito ang gilid ng labi kahit wala namang dumi. Nailing na lang ang dalaga sa isipan at hindi maiwasang mapaisip na marahil ay sa namayapang ama ng nobyo nagmana si Ralph. Simple at walang kaarte arte hindi tulad ng tita Casmen niya.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, I want you to leave my son as soon as possible. Ipapahamak mo lang ang anak ko Zairene at alam mo iyon. "

Bumuntong hininga si Zairene dahil alam niya ng sasabihin iyon ng ginang. Hindi niya ito masisisi dahil nag-aalala lang ito sa nobyo, pero hindi niya sisirain ang pangako sa binata so...

"Mawalang galang na po pero hindi ko kayo pwedeng sundin." Matapang na sagot ng dalaga dahilan para manlaki ang mata ng ginang sa kanya.

"Nababaliw ka na ba?! Kapag hindi mo iniwan ang anak ko mamamatay siya! Paparusahan siya at-"

"Anak niyo siya. Isa ka sa mga Planners kaya alam kong hindi mo hahayaang may mangyari sa anak mo. " putol ng dalaga sa sinasabi ng ginang. Napatahimik naman ang ginang dahil dun' at inayos ang kaninang nasirang postura.

"Hindi mo ako maiintindihan dahil hindi ka magulang Zairene."

"Hindi ko na kailangang maging magulang para maintindihan ang mga  bagay bagay sa paligid. Lumaki kami ng kapatid ko na malayo ang loob sa mga magulang namin. Dumaan sa malaking pagsubok ang relasyon ng kapatid ko at ni Zane at ngayon ako at ang anak niyo. Lahat ng problema namin ay may kinalaman sa mga magulang namin katulad ng ngayon. Dahil mga magulang namin ang gumawa ng batas na hindi namin maintindihan in the first place kung bakit niyo tinatag. " lintaya ng dalaga.

"Hindi magulang mo o ako ang nagtatag ng batas na iyon kung iyan ang nasa isip mo. Bawat Planners ay may karapatang magbahagi ng batas na gusto nilang ilagay sa organisasyon-"

"Kung ganun sino ang naglagay ng walang kwentang batas na iyon? "Putol muli ng dalaga sa sinasabi ng tita Casmen niya.

"Wag na wag mong sasabihing walang kwenta ang batas na mayroon ang organization Zairene, pwede kang parusahan sa ginagawa mo-"

"Gawin mo." Matapang na sabi ni Zairene na nagpatigalgal sa ginang.

"Anong sabi mo?" Hindi makapaniwalang tanong ng ginang.

"Ang sabi ko gawin mo, gawin niyo. Parusahan niyo ako sa pagbabastos na ginawa ko sa walang kwentang batas na itinatag niyo." Diretsang sabi ni Zairene at matapang na tumingin sa mata ng ginang.

"Hindi ako natatakot dahil totoo naman ang sinasabi ko. Napakawalang kwenta ng batas na iyon. Naisip ko tuloy na ang bitter o may galit ang nag-suggest ng ganung batas. 'Bawal makipagrelasyon sa kahit sinong myembro ng grupo?' really? " pagak na tawa ni Zairene at nailing.

"Walang kwentang batas. Ano naman ang rason ng planner na iyon para itatag ang ganung rule sa organization? Na curios tuloy ako, pakiramdam ko kasi may mali. Dapat baliin ang batas na yun. Wala naman yung kwenta eh, sinisira niyo lang ang kung anong merong nabubuo sa loob ng organization. "

"At anong ibig mong sabihin? Na hindi lang kayo ng anak ko ang may relasyon sa loob ng organization?" Hindi makapaniwalang tanong ng ginang sa dalaga.

Mafia Series 2: Until my Last Breath (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon