Chapter 39

24 0 0
                                    

Chapter 39: Chinita girl

Maaga akong gumising dahil na rin siguro sa pagiging excited makita si cookie. Buong gabi ko siya naiisip sa sobrang cute niya napanigipan ko tuloy siya. Naglalaro daw kami kasama si ace na laging buhat-buhat ko dahil may sakit siya na hindi ko malaman basta ang alam ko hawak-hawak ko siya sa mismong mga kamay ko.

"Ang tagal mo naman kumain!" Nabalik na lang ako sa tamang wisyo ng bigla kong narinig ang boses ni kuya ryan na para bang may galit sa tono.

"Problema mo? Akin na nga yan?!" Pabalik na sigaw ko sa kanya bago kinuha ang ulam kong chicken na dinukot niya kanina habang lumilipad ang isip ko kanina.

"Sino ba kasi yang iniisip mo? Nagseselos na ako." Mangiyak-ngiyak na sabi ni kuya ryan bago kumagat sa manok niyang buto-buto na.

"Si ace kasi eh! Nagparamdam pa sa akin." Sumibangot ako bago ako yumuko at pinaglaruan ang kanin na nasa plato ko.

"Pwede naman tayong bumili kahit ilan ang gusto mo, Kung gusto mo bilhan pa kita ng kamukha ni ace." Taas-noong sabi ni kuya ryan bago kumindat sa akin kaya tinawanan lang siya ng anim kong kuya na busy kanina sa pag-kain.

"By the way, aalis pala ako mamaya mga kuyas kaya kailangan ko ng maligo,bye." Tatayo na sana ako ng biglang nagsalita si kuya magnus.

"Saan ka nanaman pupunta? Napapadalas na yang pag-alis mo ah? Hindi ko na nakakasama ang prinsesa ng montreal." Sabi ni kuya magnus bago nagpout.

"Sa mga cardinal lang naman ako kuya magnus siyaka alam ko naman na kaya niyong patayin si max pag may ginawa siyang kabaliwan----"

"Hindi ko siya papatayin." Pagpuputol ni kuya peter sa sinabi ko kaya tinignan ko siya ng nakakunot ang noo.

"Why?" Takang tanong ko bago bumalik sa pagkakaupo.

"Dahil tatanggalan ko siya ng ulo at papaluin ko ng tubo ng malakas ang mga binti niya katulad ng ginawa ni kuya magnus kay leo---" Hindi na natapos ang sasabihin ni kuya peter dahil mabilis na nilagyan ni kuya chester ng manok ang bibig niya kaya agad siyang nabulunan.

"Edi pinatay na din yon! Stupidity ka talaga." Sinabi ni kuya ryan habang napapailing kaya.

"Mana sayo!" Sinabi naman ni kuya peter kaya agad na inabot ni kuya ryan ang batok ni kuya peter pero panay ilag si kuya peter kaya umupo na lang si kuya ryan dahil hindi niya ito maabot para batukan sana.

Every Girls Wants A Bad Boy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon