Chapter 47

26 2 1
                                    

Chapter 47: Welcome home

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin si kuya peter. Naaawa kasi ako sa kanya lalo na kapag nakikita kong umiiyak siya. Narinig ko na lalong lumakas ang pag-iyak niya ng yakapin ko na siya kaya nakangiwi akong tumingin sa kanya.

"Hoy, kuya! Tama na nga 'yan! Ang pangit mo umiyak eh." Narinig kong natawa yung anim kong kuya bago sila nakiyakap na din sa aming dalawa.

"Group hug!" Sabay-sabay naming sigaw bago kami nagyakapan.

Kumalas lang kami sa pagkakayakap ng mag ring ang cellphone ni kuya magnus kaya sa kanya kami lahat nakatingin.

"Sino yan? Baka may girlfriend ka na din kuya ah!" Sabi ni kuya josh habang pabirong sinisiko sa braso si kuya magnus.

"Gago! Wala, nag text lang si mom."  Sabi ni kuya magnus bago tinago ulit sa bulsa ang cellphone niya.

"Tara na! Baka mapagalitan pa tayo non." Sabi ni kuya chester at naunang naglakad sa amin.

"Bakit daw?" Takang tanong ko kay kuya magnus.

"Uuwi na sila ngayon. Nagpapasundo na sa airport." Biglang lumaki ang dalawa kong mata sa sinabi niya.

"Akala ko ba next week pa?"

"Tapos na daw kasi business trip nila kaya maaga sila makakauwi ngayon." Sabi ni kuya magnus bago nag umpisang maglakad.

Pinapawisan pa rin ako kahit na nakatapat na sa akin ang aircon dito sa loob ng kotse. Kinakabahan ako kasi baka malaman din nila ang sa aming dalawa ni khalid. Ang layo pa ng clark international airport pero yung puso ko parang nauna na.

Natulog muna ako ng ilang oras hanggang sa makarating na kami sa airport. Nag ayos muna ako ng sarili dahil tiyak na mapapagalitan ako ni mama pag nakita niya ang mukha kong ganito. Natanaw ko na agad sila mom at dad na kumakaway sa amin habang hawak-hawak ang mga maleta.

Hindi ako makapaniwala ng paglabas ko ng kotse ay mukha pa ring dalaga si mom at si dad naman ay nagmukhang binata dahil sa suot niyang plain black leather jacket with black leather boot habang si mom naman ay parang dinaig pa ang fashion ko dahil sa suot niyang black backless dress.

"My daughter!" Tawag sa akin ni mom bago tumakbo papalapit sa akin para yakapin ako kahit na nakasuot siya ng high heels.

"Hi, mom." Tamad kong sabi bago ko siya niyakap pabalik.

"I miss you my baby." Malambing na sabi niya bago ako pinugpugan ng halik sa mukha.

"Mom!" Suway ko sa kanya habang nilalayo ang mukha kong puno na ng lipstick dahil sa halik niya.

"What?"

"Hindi na ako baby." Sabi ko bago nagpout na ikinatawa nilang lahat.

"Kahit manganak ka pa ng twenty at ikasal sa sampong lalaki, ikaw pa rin ang baby ko." Sabi niya bago ako kinindatan.

"Oh, my boys! Namiss kayo ni mom ng sobra. May mga girlfriend na ba kayong hindi pa namin nalalaman ng dad niyo?" Sabi ni mama kaya agad silang natahimik kahit ako napaubo dahil sa guilty ng makita kong umiling sa kuya peter.

Every Girls Wants A Bad Boy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon