Chapter 58: Gunshot
Pag gising ko sa umaga ay nagtungo na agad ako sa banyo para maligo dahil narinig ko kagabi na aalis sila kuya magnus at pupunta sila sa lugar kung saan daw sila nakakapatay ng kalaban. Kinilabutan ako sa narinig ko kagabi pero nang maalala ko ang dalawang gang na binuo nilang pito ay nakampante na lang ako dahil alam kong mga masasamang tao naman ang mga pinapatay nila at hindi ang mga taong hindi sila kailanman kinalaban.
Kinuha ko agad ang shoulder bag ko nang marinig ko na ang pag bukas ng pinto sa labas. Nagtago muna ako sa kusina ng makita ko silang palabas pa lang ng pinto kaya nang marinig ko na ang pag bukas ng gate ay agad kong kinuha ang susi ni kuya josh na nakatago lang sa flower vase.
Handa na sana akong sumakay sa kotse ni kuya josh kung wala lang tumawag sa pangalan ko.
"Scarlet," Pagtatawag sa akin ni kuya lawrence. Akala ko pa naman nakalabas na sila sa gate kaya agad akong tumakbo papunta sa garahe pero hindi pa pala dahil kitang-kita ng dalawa kong mata na pasakay pa lang sila sa van.
"What are you doing? Gusto mo sumama? Tara!" Luampit sa akin si kuya lawrence bago ako hinila papunta sa van at handa na sana ako sumakay sa loob ng van nang bigla akong sinalubong ng masamang titig ni kuya magnus.
"Why?" I frowned as I said that.
"Children are not allowed in that are---"
"I'm a big girl." Taas-noo kong sabi sa kanya habang nakalagay ang isa kong kamay sa kanang beywang ko.
"Really? Ilang taon kana?"
"I'm already 17."
"Still a baby, go inside."
"Kuya?! Don't treat me lika a baby."
"Psh!" 'Yun lang ang narinig kong sabi niya bago sumakay sa front seat kaya sumakay na din ako dahil halata naman sa mukha nila na gusto nila akong kasama maliban lang si kuya magnus.
Nakipagkwentuhan lang ako kay kuya ryan buong byahe na hindi nauubusan ng kwento kaya hindi ako naboring. Makalipas ang ilang oras ay nandito na kami ngayon sa harap ng kulay itim na gate na may mahigit sampong guwardiya ang nagbabantay rito.
"Kuya ryan, bakit ang dami naman yatang nagbabantay dito samantalang sa mansyon natin dalawa lang?" Tanong ko kay kuya ryan.
"Hindi ko din alam pero malalaman mo ang sagot sa tanong mo kung itatanong mo 'yan sa mafia leader nila." Pabulong na sabi sa akin ni kuya ryan.
Gusto ko sanang itanong kung anong mga ginagawa nila dito dahil parang nakakakilabot ang lugar na ito dahil sa sobrang daming ng lalaki dito na may mga hawak na armas. Paglabas ko pa lang sa loob ng van ay bigla na lang yumuko ang mga lalaking nakita kong nag-aayos ng armas kanina.
Hindi ko alam ang gagawin ko kaya ginaya ko na lang din sila. Yumuko din ako para gayahin sila ng biglang iangat ni kuya chester ang ulo ko sa kanya.
"What?" Pabulong kong sabi sa kanya.
"Ganyan sila gumalang sa pamilyang montreal kaya umayos ka kung ayaw mong mabaril." Kusa na lang lumaki ang dalawa kong mata sa sinabi niya kaya agad akong umayos ng tayo.
BINABASA MO ANG
Every Girls Wants A Bad Boy ✔
RomanceSi Scarlet Montreal ay ang bunso sa pamilyang montreal. Ang pamilyang montreal ay isa sa pinakamayaman at kinakatakutan sa siyudad nila. Isa siyang magandang babae. Kung titignan mo ay para itong perpektong nilalang dahil may makinis itong balat, ma...