Chapter 9

48 5 0
                                    

Chapter 9: Flirt or responsibility

SCARLET P.O.V

Nakatingin lang ako kay drake ng nakapoker face ewan ko ba kung bakit ang lakas ng trip niya ngayon.

"Hey drake what's going on here?" Tanong ni khalid na kakapasok lang.

Tinignan ko si khalid sandali at nilingon ko naman agad si drake ng biglang niyang nilapit lalo ang mukha niya sa akin.

May balak pa yatang halikan ako ng gago!

Di ko na namamalayan na unti-unti na pa lang lumalapit ang labi niya sa akin, Mabuti na lang at dumating agad si Ms. Castro.

"Scarlet and drake anong ginagawa niyo diyan? go back to your seat now!" Sigaw sa amin ni ms.castro kaya mabilis akong naglakad papunta sa upuan ko.

Huminga muna ako ng malalim at pilit kinalimutan ang lahat. Tumingin muna ako kay drake na nakatingin din pala sa akin hanggang bigla na lang siyang kumindat kaya napaiwas ako ng tingin.

Si drake ba talaga ang baliw na ka-text ko? Hindi naman imposible mangyari yun dahil first day pa lang nakipagkilala na ang baliw na yun sa akin.

Napatingin ako kay max ng bigla siyang kumuha ng libro dahil sa sobrang dami ng inisiip ko hindi ko na namalayan na magsasagot na pala kami, hindi ko pa naman narinig kung anong page.

kung tanungin ko kaya kay max kung anong page? Wag na sa iba na lang pero baka pagkamalan ako ni Ms. Castro na nakikipagdaldalan. Kay max na nga lang bahala ka na batman.

Kaya mo yan scarlet kahit minura mo yan papansinin ka pa rin niyan. Shibal! Bakit ko pa ba naaalala yun?!

Kinalabit ko si max sa likod niya dahil nakatalikod siyang nagsusulat. Nilingon niya ako na may masamang tingin na ikinakaba ko.

"What?!" Inis na tanong niya.

"Pwede bang tanungin kung anong page ng sasagutan?" Napakamot na lang ako sa ulo habang tinatanong 'yon sa kanya.

Bigla na lang ngumisi si max ng nakakaloko,"Sasabihin ko lang sayo kung anong page If you---" lumapit siya sa akin at may binulong sa tenga ko.

"Date me," Sabi niya sa akin na halos tumaas lahat ng bahilibo ko dahil ramdam ko ang mainit niyang hininga.

I just rolled my eyes at him,"My middle finger fucki'n salute you!" Sabi ko habang nakataas ang middle finger ko sa mukha niya.

Bigla na lang siyang tumawa ang gwapo pala niya pag tumatawa ang ganda din ng pag tawa----Gosh! Ano bang sinasabi ko!

Tumigil siya sa pagtawa bago humarap nanaman sa akin,"If you don't want, see you na lang sa principal office." Sabay ngisi sa kanya.

Scarlet isip bilis! Pag nagtanong naman ako sa tatlo kailangan ko pang tumayo baka pagalitan pa ako ni Ms.Castro kaya no choice.

Tinignan ko siya ng nakapoker face,"Fine, I'll accept it kailan ba at saan tayo magde-date?" Tanong ko sa kanya na may halong inis.

Nakangising tinignan ako ni max,"The place is secret baby. Siguro sa sabado para sa akin lang lahat ng oras mo." Sabi niya tapos bigla na lang kinagat ang ibabang labi niya.

Nanlaki ang mata ko ng bigla na lang bumaba ang tingin niya sa dibdib ko kaya agad ko itong tinakpan ng dalawa kong kamay na ikinatawa niya ng malakas.

Napalingon tuloy si Ms.Castro sa kanya,"Mr. Cardinal gusto mo bang I share sa amin 'yang tinatawa-tawa mo diyan?" Sabi ni Ms.Castro na nakataas ang kilay.

Every Girls Wants A Bad Boy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon