Chapter 55: Santana's daughter
SCARLET P.O.V
"Hindi ko inakala na babalik sa pagiging bad boy si papa khalid."
Bubuksan ko na sana ang pinto ng cr ng may bigla akong narinig na bulungan sa labas kaya nanatili muna ako doon sa loob kahit na nakakahilo ang amoy. Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang pangalan ni khalid sa pinag-uusapan nila kaya mas lalo tuloy akong nagkaroon ng pagka-interesado sa usapan ng mga babaeng studyanteng kakapasok lang dito.
"Tsk! Khalid has never been a goodboy so I can only say one thing to scarlet,"
"Kawawang babae!" Sabay-sabay nilang sabi bago sabay-sabay ring tumawa at kung hindi ako nagkakamali ay pinangungunahan nito ni bianca dahil halata naman sa boses niyang parang p*kpok kung magsalita.
"I have an idea!" Rinig kong sabi ng isang kasama nila na parang pamilyar ang boses sa akin.
"What?" Sabay-sabay nanaman nilang sabi kaya napairap na lang ako sa kawalan dahil mukha silang magkakapatid, pare-parehong pangit.
"Kung sabihin na lang kaya natin sa buong campus ang lahat ng nalalaman natin? Malay mo magkaroon pa tayo ng mga kakampi kapag nalaman nilang ginagamit lang ni kha---"
"Shhh! Wag kang maingay dahil baka may makarinig sayo!" Sabi ng isa sa kanila na hindi ko kilala ang boses kaya dinikit ko na lamang ang tenga ko sa pinto para malinaw kong marinig ang pinag-uusapan nila.
"So, ano na nga ang gagawin natin?" Tanong ni kate ulit kaya napakurap na lang ako ulit ng tumahimik silang lahat ng ilang minuto para makapag-isip sa gagawin daw nilang plano tungkol sa amin ni khalid.
"Hindi nila pwedeng malaman na tayo ang nagkalat sa buong campus lalo na sa mga kuya ni scarlet dahil sigurado akong kapag nalaman nilang tayo ang nagkalat non ay tiyak na diretsyo tayo sa sementeryo." Napangisi na lang ako sa narinig ko. Mabuti alam nila dahil sisiguraduhin kong hindi na sila aabot ng buhay sa hospital.
"Alam ko na! What if i-post na lang natin sa social media tapos gumamit na lang tayo ng fake account? That's possible because we took a picture of them that night!" Sabi ni bianca na para bang ang talino na niya dahil sa naisip niyang plano.
Napakuyom na lang ang kamao ko kasabay ng pagtawa nila na mala-demonyo. Sobrang baho talaga dito sa loob ng cr pero tinitiis ko lang dahil baka may malaman pa ako sa binabalak nilang plano.
Narinig kong nagsalita ulit si bianca kaya nang sinubukan kong idikit ulit ang tenga ko sa pinto ay agad na lumaki ang mga mata ko dahil may nakita akong gagambang papalapit na sakin na sobrang laki kaya dahil sa takot at gulat ay hindi ko na napigilang matili.
BINABASA MO ANG
Every Girls Wants A Bad Boy ✔
RomanceSi Scarlet Montreal ay ang bunso sa pamilyang montreal. Ang pamilyang montreal ay isa sa pinakamayaman at kinakatakutan sa siyudad nila. Isa siyang magandang babae. Kung titignan mo ay para itong perpektong nilalang dahil may makinis itong balat, ma...