Chapter 14

934 26 1
                                        

Hailey's Pov

Hahawakan ko ba ung mukha nya? baka kasi magising? baka anong isipin nya?

pero tulog naman e Aish!!

Kanina pa ako naaattempt na hawakan ung mukha nyang napakalapit sakin e. Bat naman kasi ayaw nyang lumayo sakin! Masyado syang malaapit aaAaa at hindi ako makatulog kung gantong nararamdaman ko ung hininga nya sa may leeg ko bwisit. bat kasi ang baba ng pwesto nya psh. Pero seryoso ang ganda ni maam, matangos ang ilong at mahaba ang pilikmata . Medyo singkit at makinis ang mukha. Pero masungit psh. Masungit, strikta, nang iirap ng studyante nya, hindi napapansin ang kakyutan ni hailey, pinapaiyak ang maganda kong mata. psh. Kaya minsan naniniwala na talaga akong ayaw sakin ni maam mandy e.

Pinkish lips.

I'm just wondering who's her first kiss. Or does she have one?? Ang swerte naman nila kung ganon. Ano kaya feeling ng mahalik-

WTF!!

Agad naman akong napabangon sa pagkakahiga dahil sa kung ano-anong naiisip ko. Buti nalang di nagising si maam mandy dahil sa kalikutan ko.

Inhale, exhale

Nahiga nalang ulit ako at muling pinagmasdan ang maamong mukha ni maam mandy. Pero kapag tulog lang. Hindi ko na nga mapigilan at unti-unti ko nang inilapat ang aking kamay sa mukha ni maam mandy.


"Why do you have to be this pretty? Why do you have to be a heartbreaker one. char. Bat ba sobrang lapit mo? ang laki laki ng space sa side mo eh hmpk. Hindi mo ba ako papatulugin maam? Bat masyado ka namang makalapit sakin ngayon? Ano namiss moko noh kasi di moko pinansin buong gala. Kasalanan mo naman maam kaya magdusa ka, bala ka jan." parang baliw kong pagkausap sa kanya


Kiss her

wtf??????????

Bat parang may bumubulong sa kaliwang teanga ko? at ano daw? the heck? anong kiss her kiss her?? e kung ma-


Red lips

Parang nahypnotized naman ako bigla ng lips ni maam. Tama bang gawin ko to?? HIndi nya naman malalaman kasi tulog sya diba?? Can somebody stop me from doing this to her?! Pag talaga walang pumigil matutuloy to!!

oky walang pumigil sakin maam, sila sisihin mo ha.,

Sila may kasalanan dito. Unti-unti ko nang inilapit ang mukha ko sa mukha ng katabi kong mahimbing na natutulog habang nakatingin parin sa labi nyang parang nang aakit. At habang papalapit ako ay mas dumudoble ung kabang nararamdaman ko. Kulang nalang siguro lumabas ung puso ko e. Psh, exagg na. Pero grr, it's my first kiss! Ayan na!


Malapit na 1 inch nalang.


"What do you think you're doing ms. Saavedra?" Dahil sa gulat ay wala sa wisyong napaatras ako sa kanya at nahulog sa kama.

Aray, ouch! Pero alam nyo ung mas masakit? She didn't even bother to ask kung okay lang ako. She didnt even bother to help me stand up. bwiset. Kaya eto ako, himas ung butt ko na bumalik sa kama habang ung katabi ko naman ay nakakunot ang noo sakin. Pero sana pala hindi nalang ako ko at nakitulog nalang sana ako sa tabi nila janah.

"Are you trying to kiss me Ms.Saavedra? Or should I ask, Do you like me MS. Saavedra?" ??????? Wtf? Pang ilang beses na ba akong nagmura? Gusto ko nalang matulog bigla dahil sa tanong nya! Agad agad ko kinuha ung kumot at agad nagtago sa ilalim nito at nagkunwaring nag snore. Mag work sana to please!


"Isa, Hailey! Babangon ka o ako ang hihila sayo?"

Waaaa ang sadistaaa. Naiiyak na ako huhu. Kinakabahan ako! Ano nalang sasabihin kooo??? Na hahalikan ko dapat ung teacher ko kasi nakakaakit ung lips nya? aaaaAaa.

My Strict ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon