A/n
Lakas maka hype ng song goiz, I suggest na patugtugin nyo yan pag naglilinis kayo lolololol. Shout out sa masisipag jan hahahaha. Tatlo nalang tayo. Char HAHAHAAHAHAHA.
Hailey's pov
"Oh hailey, tubig mo." narinig kong sabi sakin ni Jaimee habang iniaabot sakin ung water bottle ko.
Pagod na napaupo ako sa upuan sa may quadrangle at agad ininom ung tubig ko na parang isang taon akong hindi nakainom. DUh. Pagod na pagod ako noh! Kaming lahat ay abala sa paglilinis ngayon dahil nga sa punishments na nakapataw samin.
It's already 2 pm and guess what? Malapit ko na matapos linisan ung buong garden. Wala akong kasamang naglinis don kanina kundi ang sarili ko lang kaya nman pagod na pagod ako. Buti nalang talaga di ako inaatake ng asthma. Psh. Tagaktak naman din ung pawis ko dahil sa pagod kaya kumuha ako ng towel at hindi ko maiwasang mapa hinga ng malalim sa isiping kailangan ko pang linisin ung cr ng building namin.
Gosh! Hindi pa nga ako tapos sa garden tapos may nakaaabang pang isang linisin. Hanggang 5 pm lang kami dito at hindi ko alam kung kaya ko bang tapusin yon lahat. Napatingin ako sa grupo nila Andrea na nagwawalis sa kabilang side ng quadrangle. Malapit lapit na silang matapos, pano ba naman ang dami nilang nagtutulong tulong sa paglilinis.
Tahimik akong nakaupo at nagmamasid, nang biglang may lumapit saking isang studyante at may iniabot na rosas?
"Ano to?" Kung hindi ako nagkakamali, etong studyanteng to ay grade 6 student palamang base na din sa kulay ng id neto! Pero tai? Bat sya nandito sa building namin? Pero infairness ang kyut ng batang to.
"Tanggapin mo na po pres, please. Matagal na po kitang crush e pero ngayon lang po kita naabutan kasi pang umaga ka po at panghapon naman po ako. Kaya, please"
Hindi ko alam kung matotouch ba dapat ako o maiilang sa mga nangyayari dahil nakatingin na din samin ung ibang students na dumadaan. Agad ko nalang kinuha ung rose at alanganing ngumiti sa kanya at mahinang kinurot ang pisngi nya.
I cant help it. Ang cute nyaa.
Narinig ko naman ang mga loko lokong kaklase ko na nag ayiie at may sumigaw pa ng "pedo"
tai!!!
"Yes! Ate pakiss naman po sa cheeks please" Nanlaki ang mata ko dahil sa tanong ng bata sakin. Jusq lord! Ano ba naman to huhu.
"Pagbigyan mo na ung bata pres"
sigaw nanaman ng mga loko lokong classmates ko kaya binigyan ko sila ng death glare. Pero bata naman to e. Papayagan ko na ba? Shet. Ang kyut naman din e. Sige na nga. Bata naman to.
Medyo yumuko ako ng konti at naramdaman ko nalang na dumampi na ung lips ng bata sa cheeks ko at ngumiti. Pagtapos non ay nagtatakbo pa nga sya na parang kilig na kilig talaga at sumigaw pa ng
"thank you pres" Napahagikhik din naman ako ng tawa dahil sa kakyutan ng batang un. Pasimple ko pang inamoy ung rose na binigay nya at nice, ambango ha.
"Yi pedophile si pres"
Natatawang panunukso ni Andrea. Kaya naman ibinato ko sa kanya ung water bottle ko.
De joke.
"Raulo ka drea!" Bumungisngis nalang din ung iba ko pang mga kaklase. Tss.

BINABASA MO ANG
My Strict Professor
RomanceForbidden Love Series #1 This story is all about the teacher and student who fell inove with each other unexpectedly. Will they found their happiness with each other? Or they will just accept the fact that they're not meant to be? A gxg story.