Mandy's pov
"Hmm sarap po ng luto mo nay" hindi ko maiwasang mapatitig kay Hailey na halatang sarap na sarap sa pagkain.
We're currently eating our lunch and as you can see, comfortable na kaagad si Hailey sa family ko. I dont know why pero natutuwa ako kay Hailey. Ang bilis nyang maka close ang fam ko lalo na si nanay. Nakilala nya na din si kuya carl since magkakilala nanaman sila ni kuya clar tss.
Speaking of one of my kuyas, bibisita sya dito kasama si Ate Cristy at ang kyut na kyut kong pamangkin. Napakakulit din non mana sa ama nya tss. Si kuya mark ay isa nang engineer kaya madalas na din syang busy. Pero I think kailangan ko na ulet iready ung sarili ko kasi he's one of the bullies tss.
"Kain lang ng kain anak para makapag aral ka ng maayos mamaya." Sabi ni nanay kay hailey habang sinasandukan pa ito ng kanin
"Nay alam mo ba kung pano ko nakilala si Hailey?" Halos maibuga ko ang pagkaing nasa bibig ko nang magsalita si kuya clar kaya naman wala sa oras na napaubo ako.
"Maam, water" agad na pag abot sakin ni Hailey ng tubig na agad ko namang ininom habang hinihimas himas nya ung likod ko.
Sweet.
Tumingin ako kay kuya clar at agad sya pinandilatan ng mata. I also gave him a stare saying ' wag ka magkakamaling magsalita'
"Anak naman, dahan dahan sa pagkain. Hindi ka namam mauubusan" naiiling na sabi ni tatay.
"Ano nga ulit sinasabi mo clar? Pano mo nakilala si Hailey?" Pagbaling naman sa kanya ni kuya carl.
Shit.
Ngumisi ng nakakaloko sakin si kuya clar at akmang magsasalita na sana nang unahan ko sya.
"Ah n-nung ano kuya, nung" hindi ko matapos tapos ang sasabihin ko dahil wala akong maisip na idadahilan. Tumingin ako kay hailey na parang sinasabi na saluhin moko sa sinasabi ko pero gusto ko sya kutusan sa pagiging slow nya.
"Nung kelan, mangge?" Pagtawag naman sakin ni nanay.
Shookt pano ba to! Bat ayaw gumana ng utak ko ngayon!
"Nung nahuli ko silang nag halikan nay"
Nanlaki ang mata ko sa dire-diretsong sabi ni kuya clar at natahimik naman lahat ng kasama ko sa hapag kainan kasama na don si Hailey.
Shit ka kuya clar! Kahit kelan ka talaga! Nakakapanggigil!!!
"K-kuyaa!" Sigaw ko sa kanya na nakangisi lang ngayon.
"I told you nay, tay. Girlfriend ang hanap ni mangge. Tanggap nyo naman sila nay diba?" Nakakalokong dugtong nya pa habang nakatingin kila nanay at tatay.
Tumingin naman ako kay hailey na parang hindi parin nakakabawi sa nangyayari pero halata ang kaba sa mukha nya.
Alam kong wala kaming ginawang kung ano ni Hailey, pero why am I nervous? Pwede ko namang sabihin na muntik na sya masagasaan kaya kami naabutan ni kuya Clar sa ganong posisyon. Pero bakit mas pinipili kong manahimik at isipin nilang may nangyayaring kung ano samin nitong studyante ko?
"Mandy, totoo ba ang sinasabi ng kuya clar mo?" Hindi ko alam kung pano ko sasagutin si tatay ngayon. Seryoso ang mukha at tono ng boses nya kaya alam kong kailangan ko din sumagot ng matino.
Magsasalita na dapat ako para ipaliwanag ang totoong nangyari pero naunahan ako ng babaeng katabi ko.
Pero ang sinabi nya ang hindi ko inaasahang mangyayari. Wth?

BINABASA MO ANG
My Strict Professor
RomanceForbidden Love Series #1 This story is all about the teacher and student who fell inove with each other unexpectedly. Will they found their happiness with each other? Or they will just accept the fact that they're not meant to be? A gxg story.