Chapter 20

1K 23 22
                                    

Hailey's pov

"Anong klaseng paglilinis ba ang ginawa mo hailey at basang basa ka hal! O sadyang natripan mo na din maligo habang naglilinis ka"

Parang nanay na pagtalak sakin ni Janah pagkatapos ko magbihis ng damit.

"Napasandal nga ako sa pader, unli? Paulit ulit?" Kasalukuyan kami ngayong naglalakad palabas ng campus para umuwi.

It's already 6:30 pm and we already finished all the tasks that we should do, un nga lang sobrang late na talaga. Hindi na ako nakapaglinis matapos umalis ni Maam Mandy sa Cr. Nagulat nalang ako nang biglang may ibang students na nagpasukan sa cr at sinabi sakin'g pinapunta daw sila don ni Maam Mandy para maglinis.

So planado nya talaga ung nangyari? Alam nyang mawawala ako sa focus matapos ng gagawin nya? Pero hanggang ngayon pala isipan parin sakin kung bakit nya ako hinalikan. Sige, sabihin na nating ang O.a ko kasi sa cheeks lang naman e. Pero normal lang namang makaramdam ako ng ganito dahil sa ginawa nya. She's my teacher for Pete's sake! At alam naman nating lahat na unti unti na akong nahuhulog sa strikta at masungit kong adviser kaya iba talaga ung impact sakin.

Pero bakit nya ako kailangan halikan? Aware ba sya na kulang nalang lumabas ung puso ko sa sobrang lakas ng pagtikbok nito dahil sa ginawa nya? At isa pa, anong pake nya kung may humalik sa pisngi ko? Hindi naman sya nanay ko para maka react sya ng ganon. Naguguluhan man ay pinilit kong alisin sa isipan ko ung mga nangyari kanina.

"Kung di ka ba naman lutang na sasandal sa pader na ikaw mismo ang nagbasa, tss." Napairap nalang ako sa sinabi ni Janah. Kung alam mo lang, tss.

"Sige na una na'ko. Byee, see you tomorrow" nagbeso na ako sa dalawa at agad nagpunta sa kinaroroonan ni kuya roy. Ang aming driver.

"Parang na late po kayo ng uwi ngayon ma'am a" narinig kong sabi ni kuya roy habang nagmamaneho palabas ng parking lot.

"Oo kuya, daming ginawa ngayon e. Ah sandali kuya, pakitigil naman nung sasakyan dun sa babaeng nakatayo, please" Pagkatigil ni kuya ng kotse ay agad akong bumaba dito at lumapit sa babaeng nagpapagulo ng buong sistema ko.

Halata ang gulat sa mukha nya nung makita nya ako pero agad din syang nakabawi at ibinalik sa walang ekspresyon ang mukha nya. Bakit kaya naging ganto bigla si maam sakin? Bakit sa iba palagi syang nakasmile? Pero bakit pagdating sakin poker face? Tss. Unfair talaga.

"Ma'am sabay na po kayo sakin, gabi na po oh" inipon ko na yata lahat ng lakas ng loob ko sa katawan para sabihin sa kanya yon Pero heto sya at hindi man lang na appreciate ang pag aalok ko.

"Thanks to your offer Ms.Saavedra, pero mag cocommute nalang ako" bat ba ang sungit nya talaga pagdating sakin? Bat ganon?

"Sige na kasi maam, sabay ka na sa'kin para makapag pahinga ka na din maam, alam ko namang pagod ka e. Kaya tara na maam" bago pa sya makaangal ay hinawakan ko na sya sa kamay at hinila papasok sa sasakyan.

Take note ha pinagbukas ko pa sya ng pinto, tss. Pagkapasok nya ay sumunod na din ako sa kanya at sinabihan si kuya roy na paandarin na ang sasakyan.

"San address mo maam?" Mabuti nalamang at hindi na sya nagpakipot pa at binigay din samin ung address.

Habang nasa byahe kami ay hindi ko maiwasang mapatingin sa katabi kong nakatuon lang ang pansin sa may bintana. Talagang di nya ako kinakausap ha. Tsk. Pero agad naalis ang pansin ko sa kanya nung biglang tumigil ung sasakyan kaya naman muntikan na ako mapasubsob.

"Kuya roy, anong nangyari?" Agad na tanong ko sa kanya habang hinihimas himas ko ung noo kong nauntog sa unahang upuan. Shookt! Mej masakit yun ha.

My Strict ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon