Ralph's POV
"Okay.Kailangan maging sweet kayo sa camera ni Eunice para kumita ang pelikula ninyo.Huwag nyo munang isipin ang mga problema sa labas.Nagkakaintindihan ba tayo,Ralph?".
Napatingin ako kay Missy.Alam ko ang ibig niyang iparating.Ayaw ko man pero alam kong pipilitin nya langa ako at ramdam nya ang pagiging bantulot ko.
"Ako na ang bahalang umayos ng lahat,Ralph."
"Okay,Missy."
Maya-maya pa ay natanaw ko na si Eunice papasko sa studio kung saan gagawin ang isang interview para sa aming dalawa para sa aming upcoming movie.
"Let's go,Ralph?",yaya nito.
"Ok",at sumunod na ako kay Eunice.
Sa interview..
"Mga kaibigan,kapiling po natin ngayon dito sa studio ang sikat na couple ngaun s pinilakang tabing,welcome sa Showbiz Intriga Eunice Blangco at Ralph Pangilinan.Magandang hapon sa inyong dalawa."
"Magandang hapon po,Tito Buboy",sagot ni Eunice.
"Magandang hapon,Tito Buboy",sagot ko sa host.
"Okay,unang tanong,ano na ang lagay ninyong dalawa,on or off cam?"
"Okay naman kami Tito.We're both enjoying the company of each other.",direktang sagot ni Eunice.
"Ikaw naman,Ralph.Totoo bang may third party daw na gustong sumira sa anong meron kayo ngayon ni Eunice?Alam kong mahal mo si Eunice as what you've told us nong last guesting mo dito sa Showbiz Intriga."
Napatingin ako ky Tito Buboy at hindi agad nakapagsalita.
OO,totoong umamin ako noon on cam na mahal ko si Eunice.Ito ay para ma-satisfy ang mga fans namin at kahit papaano,mahalaga na rin siya sa akin..Iyon ang mga panahon na umalis si Nicole.
"Ralph?",tinig ng host na nagpapukaw sa akin.
"Amm..",sasagot na sana ako ng sumagot si Eunice.
"Mahal na mahal po namin ni Ralph ang isa't-isa.Hindi po totoo na may third party sa amin.Hindi ba,Ralph?I love you."
Dahil naisip ko ang upcoming movie namin at utos ni Missy.Napa-oo na lang ako at napatangay sa agos."Opo,Tito Buboy."
"Totoo ba na may naakanakan ka daw noon at nagbabalik ngayon?"
"Puwede po bang ibalato niyo na lang muna sa akin ang personal kong buhay?Kapag handa na po ako,kayo ang unang makakaalam.Sa ngayon,masaya ako.Masaya kami ni Eunice.",napangiti ako ng pilit.Umaasa na sana hindi ito mapapanood ni Nicole.
"Ikaw,Eunice,gaano ka naaapektuhan sa mga ganitong kumakalat na balita?"
"Hindi ko na pinapansin ang mga naglalabasang tsismis Tito mBuboy.Basta ang alam ko,mahal ko si Ralph at mahal niya ako.",walang kagatol-gatol na sa sagot ni Eunice.
"May mga nakakita sa inyo na nagcheck-in sa isang lodging house sa kasagsagan ng baha noong nakaraang gabi,mas lumalim na ba ang relasyon nyong dalawa?Saan ba ito pupunta?Care to tell us lalo na for the fans na nag-aabang."
"Tito Buboy,nagkataon lang talaga na galing kami sa shooting sa Batangas at magkasabay kami umuwi ng ma-trap kami sa baha.Isang malapit na lodging house ang napasukan namin para magpalipas ng gabi pero---",naputol ang sasabihin ko ng sumingit si Eunice.
"Tito Buboy,sa amin na lang po ni Ralph yon.."sabay hagikgik.
"Okay,i-respeto na lang po natin mga kaibigan ang kanilang desisyon na isapribado ang anumang meron na sila ngayon.Huling tanong,hindi nyo pa ba iniisip na lumagay na sa tahimik na buhay,you know what I mean."
BINABASA MO ANG
Senseless Romance #Wattys2015
RomanceNagpaubaya..Nagmahal..Nasaktan.. Dahil sa pagmamahal,kailangang magsakripisyo.. Hanggang saan mo kakayanin ang paghihirap para lang sa kanya? Susuko ka ba agad?O maghihintay? Paano kung marami na ang naaapektuhan? Mamimili ka ba?O magpaparaya na lan...