Another Chance?

21.9K 167 58
                                    

Ralph's POV

Naiwan akong nakatulala at hindi ko nagawang habulin ang mag-ina ko.Alam kong may mali sa nangyari pero anong gagawin ko.

Sinubukan kong tawagan ang cellphone ni Nicole baka sakaling makinig siya sa akin kahit sa pamamagitan na lang nito.Pero..

"The subscriber cannot be reach please try again later...The subscriber cannot be reach please try again later..."

Huwag kang susuko,Ralph!,bulong ko yan sa sarili.

Hindi ako mapakali pero kailangan ko muna bigyan ng oras ngayon pero maaga pa bukas pipilitin ko siyang makausap.

"Mahal na mahal kita,Nicole.Kayo ng baby ko.."

Kinabukasan..

"Ralph,kailangan mong pumunta,kayo ni Eunice sa Interview with Ms.D bukas.",si Missy yan.

"Tungkol saan ba ang interview?,"iritable kong sagot sa kanya.Kailangan ko pa kasing kausapin si Nicole pero heto maaga pang nakikipag-usap sa masipag kong manager slash friend."Okay pupunta ako."

"Sige,kita na lang tau ng 5pm sa Studio B",bago tuluyang naputol ang linya.

Agad akong nagbihis at pupunta ako sa bahay nila Nicole.Gusto ko siyang makausap.

Sa Mansion ng mga Montemayor...

(Doorbell)

"Manang Linda,nandyan po ba si Nicole?",sabi ko sa katiwala nila sa bahay.

"Naku,Sir,ipinagbilin po ni Ma'am Nicole na huwag kang papasukin dito.Magagalit po sa akin 'yon."

"Sige na,Manang.Kailangan ko talaga siya makausap."

"Nandyan po si Sir Tony at Ma'ma Frelin.Baka magalit sa inyo po."

Pero walang nagawa ang katulong nang magpumilit ako na pumasok sa mansion.

"Nicole!Kausapin mo naman ako..",sigaw ko.

"Sir,tama na po yan."

"Hayaan mo na lang siya,Manang.",napalingon ako sa nagsalita.Si Tito Tony yon at kasama si Tita Frelin.

"Good morning po,Tito,Tita,"bago ako lumapit para magbigay galang."Gusto ko po sanang makausap si Nicole."

"Pasensya na,iho pero hindi ka namin mapagbibigyan na kausapin si Nicole.Mahigpit niyang sinabi sa akin na ayaw ka na niyang makausap.",sagot nman ni Tita Frelin.

"Pasensya ka na.Hindi man namin alam ang nangyari sa inyo pero alam kong nasaktan masyado ang anak ko.Bigyan mo siya ng tamang panahon para magkausap kayo."

"Tito,sorry po.Hindi ko sinasadya.Mahal ko po ang anak nyo,silang mag-ina ko.Magpapaliwanag ako sa kanya.Hindi ko po kayang muling mawala siila sa buhay ko."

"Naiintindihan kita,Ralph.Alam kong mahal ka rin ng anak ko.Pasasaan ba yan at lilipas din ang galit niya.Hintayin mo lang at magtyaga ka."

"Salamat po,Tito,Tita.Siguro nga po,kailangan ko lang palipasin ang galit nya."

""Basta ipangako mo,Ralph,aalagaan mo ang anak ko at apo ko dahil sa susunod na masaktan uli sila,kami na ng Tita mo ang makakalaban mo.Ngayon,habang wala pang linaw sa inyo,pagdusahan mo muna ang maling nagawa mo",nakangiting sabi ni Tito Tony.

"Sige po,aalis po muna ako.Babalik ako po at patuloy na umaasa."

Malungkot man akong lumabas ng bahay nila Nicole,umaasa pa rin ako na magkakaayos kami at lilipas din ang gusot na ito.

Nicole's POV

Nakikinig lang ako dito sa may hagdan sa usapan nila Daddy at Ralph.Gusto ko mang tumakbo at yakapin siya pero kapag naaalala ko ang panlolokong ginawa niya,nararamdaman ko ang galit.

"Bakit kailangan mo akong lokohin uli,Ralph?"

May nagtatalo sa isip ko ngayon,mahal ko si Ralph pero kaya ko pa ba siyang pagkatiwalaan uli?

Kaya ko bang masaktan uli?

Namalayan ko na lang na tumulo na pala ang luha sa mga mata ko nang biglang...

"Mommy,why are you crying?",boses ni Baby Nikko na nagpabalik sa akin sa katinuan.

"Oh no baby,napuwing lang si Mommy.This is nothing,okay.."

"I heard Daddy,is he still downstairs?Why he didn't go here?I missed Daddy and waiting for the PASALUBONG.."

Naaawa ako na tinitigan ang anak ko.Bakit kailangang may isang musmos pa na kailangang madamay sa gulong ito?Sana ako na lang ang nasasaktan.Sana ako na lang ang nahihirapan.

"Baby,Daddy is busy e.Don't worry,he will come back some other time,okay?",tila nangingilid ang luha ko habang nagpapaliwanag sa isang musmos."Just go to your room na and sleep."

"I want to sleep in your room,Mommy."

"Okay.Let's sleep na.",at inakay ko na si Baby Nikko papunta sa kuwarto ko habang parang mabibigat ang mga paa na inihahakbang palayo sa kanina kong kinatatayuan.

________________________________________________________________________

Sorry sa late UD.Nagkasakit po kc ako.Susubukan ko na mag-UD araw araw kahit cellphone q na lang gamit.

Salamat sa mga sumusubaybay.

Hindi ko po mabibigyan ng kopya ung mga humihingi kc wala po itong soft copies pa.Saka bago lang ako po di ko alam kung paano mamigay.hehe..

Salamat Watty people..Salamat sa patuloy na pagtangkilik..Sisimulan ko na rin ang isa pang story sana katulad nito suportahan nyo rin.Challenge para sa akin ang gumawa ng other stories..Miss ko na kayo.God bless

Pls.Read,Vote and Post a Comment..

-eternitydiane-

 

 

Senseless Romance #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon