It Hurts...

26.4K 140 14
                                    

Hindi ko mapigilan na hindi tumulo ang luha ko dito sa loob ng restroom.

"Ang sakit-sakit!Akala ko okay na ang lahat..Hindi pala.Malalim pala ang sugat na ginawa mo,Ralph.",bulong ko sa aking sarili.

Mabuti na lang at walang katao-tao sa restroom.Nagkataon na nagkakasiyahan sa labas at iilan ang pumupunta pero hindi rin nagtatagal.Para ngang ayaw ko ng lumabas.Ayaw ko ng makita si Ralph.Nag-ayos ako para hindi mahalatang kagagaling ko lang sa pag-iyak.Bago ko naisipang lumabas at bumalik sa inireserbang lamesa para sa amin.

Ralph's POV

"Ganon ba ako kasama para kamuhian nya ng sobra?",tanong ko sa aking sarili matapos na iwan ni Nicole.

Hindi ko alam na napakalaki ang sugat na nagawa ko sa kanya na kahit ilang taon na ang lumipas ay nananatili ang peklat na naidulot nito at sa tuwing makikita nya ay nagdudulot ng pait at hinagpis.

Hindi nya ba alam na nong nawala siya,sobra akong nasaktan.Ang pagkakamali ko lang ay hindi ko siya pinigilang umal;is at hinayaan siyang lumayo para makalimutan ang sakit na naidulot ko.

"Mahal na mahal kita,Nicole.Hanggang ngayon nandito ka pa rin sa puso ko.Ano bang dapat kong gawin para patawarin mo.",nanlulumong bumalik ako sa loob ng lanai.

"Rlaph,Babe?Saan ka ba galing?Kanina pa kita hinahanap.",si Eunice.

"Wala nagpahangin lang ako.Toxic sa loob e."

"Kaw talaga.Lets go hinahanap tau ni Tita Felin."

"Okay.",at hinayaan ko ng hilain ako ni Eunice papasok.

Si Eunice?She's my current girlfriend.Nagkagusto ako sa sandaling magkasama kami sa ilang mga shows.Malambing ito at maasikaso dahilan para pansamantalang makalimutan ko si Nicole.Hindi ko naman sinasabing rebound lang siya.Magkaiba sila ni Nicole.Siguro nga hindi ko mahal si Eunice tulad ng sobrang pagmamahal ko kay Nicole.Naguguluhan ako.Marami akong gustong itama ngayon pero hindi ko alam kung paano magsisimula.

Nicole's POV

Nahagip ng mga mata ko ang matamis na lambingan nila Ralph at Eunice.Bakit parang ansakit?Bakit parang may kung anong matalas na bagay ang tumutusok sa dibdib ka.

"Oist,mangalay ang leeg mo jan.Matunaw yang mga yan,sige ka!",biro ni Kinita nang mapansin na nakatingin ako sa dalawa.

"Ah.ha?Wala napalingon lang ako doon sa ilang sikat na actress.",kunwari kong sagot sa kanya.

"Huwag mo akong lokohin,girl.Kilala kita.Alam ko ang takbo ng utak mo.Kung mahal mo pa bakit hindi mo ipaglaban?May anak naman kayo.At sa beauty din lang mas angat ka sa impaktitang yan."

"Sshhh..May makarinig sau."

Hindi ako nakaiwas ng mapalingon si Ralph sa akin.Nakita ko na naman ang mga mata niya na humihingi nga patawad,mga matang nagsusumamo.Iniwas ko ang tingin at muling kumuha ng wine para maalis ang sakit na anararamdaman ko.

"Best,nakakarami ka na ng inom.",sawai ni Kat.

"Hindi ka namin kayang buhatin.Haha!"

"Mga loka-loka!Matagal na rin kasi akong hindi nakakainom e."

Kaylan nga ba ang huling inom ko?Sa tuwing malalasing ako noon,nandyan siya para umalalay.Hindi tuloy maiwasan na may mangyaring hindi tama.

"Aisshhh..Shit!"

"O,anong ngyari sayo?",alalang tanong ni Megan.

"Wala,may naalala lang ako."

"Hulaan ko?hehe.."si Kinita

"Tumigil nga kayo"

Maya-maya pa ay napaparami ang inom namin.

"Uwi na ako,girl.Baka di na ako makauwi kasi bangag na kayo e."ako yan.

"Gaga!Wala kang tiwala sa mataas na alcohol tolerance namin.hehe!",si Lily.

Biglang may lumapit sa amin..

"Hi!Musta ka na?"

"Nathan?Ngayon lang kita napansin ah.Kanina ka pa ba?"

"Kanina pa ako.May mga kausap lang ako sa kabilang table.Saka malayo kasi ang isip mo kaya parang di mo ako nakikita.",sabay ngiti nito ng makahulugan.

"Hindi naman.Ikaw talaga."

"Kaylan ka pa dumating?Tagal mo ring nawala ah."

"Nakaraang araw lang.Kailangan ko kasi asikasuhin ang ilang mga negosyo ni Daddy dito sa Pinas e.Kung ako lang mas gusto ko ng doon kami sa America.."

"Ganon?Wala ka bang namimiss dito sa Pilipinas?"

"Marami pero nasanay na kasi ako sa Tate.hehe!"

"Balita ko,malaki na araw ang baby mo?"

Natahimik ako saglit at tila nabigla.Paano niya nalaman?May nasabi ba sa kanya si Ralph?

"Ah..Oo.Kasama ko siyang umuwi.Kawawa naman kasi kung iwan ko sa Lola nya."

"Nag-usap na ba kayo?Pacensya na ah.Alam kong di ito tamang venue para sa tanong ko.."

"It's okay.Wala na kaming dapat pang pag-usapan.Sige,gumagabi na.Uuwi na kami.",at napaharap ako sa mga friend ko na tila naging busy ng napalingon ako pero halata namang nakikiusyoso."Sabi ko uwi na tayo.Naghihintay na ang baby ko sa bahay."at muli kong hinarap si Nathan."Nice meeting u again.Got to go."

"Ako na maghahatid sayo,Nics."

Napalingon ako kay Nathan.

"Tama,Nate,hatid mo na si Nicole,lasing na kasi ako e.Bye best."sbi ni Kat at tila nagpulasang mga sundalo ang mga ito.biglang nawala sila sa paningin ko.

"Mga loko talaga yong mga yon.Iwan daw ba ako?!Tsk!"

"No choice.Lets go."

At pumunta na kami ni Nathan sa parking lot.

"Ako na ang maghahatid sa kanya,pre."

Nabigla ako sa malamig na boses na nanggaling sa isang nakaparadang kotse.Nakasandal ito sa pintuan ng isang black chevrolet.

"Ayokong magpahatid sayo!Lets go,Nate."

"Huwag kang makulit,Nicole.Iwan mo na kami,pre"

"Pero ayaw niyang sumama sayo.Ralph.",nag-aalangan si Nathan na iwan ako.Kung nakakamamatay lang ang mga tingin ni Ralph tiyak bumulagta na si Nathan.

"Sorry,Nicole.Ingatan mo siya,Ralph para hindi ka maagawan.",may diing sabi ni Nathan.

Natulala na lang ako matapos na iwan kami ni Nathan.

"Sakay!"

"Ayoko!Maglalakad na lang ako!"

"Huwag mong hintaying buhatin pa kita dyan!"

"So!Bumalik ka n nga doon at bak hinihintay ka na ng girlfriend mo.Baka may makakita pa sayo at masira..."

"Shut-up,Nicole!"

Nabigla ako ng buhatin niya ako at pwersang ipinasok sa kotse niya.Wala na akong nagawa kundi ang magsawalang kibo.Naramdaman ko na lang ng sumakay na ito at nagsimulang magdrive.

Bahala na...

Hindi ako magpapaapekto sa kanya...

Hmp!

____________________________________________________________________________

Abangan ang susunod na chapter..

Pls.Read,Vote and Post a Comment..

Maraming maraming salamat..

eternitydiane

Senseless Romance #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon