Hidden Agenda...

24.9K 117 40
                                    

Ralph's POV

"Ralph,aalis na tayo.Handa ka na ba?Kailangan nating matapos ang shooting nyo ngayon sa Batangas.",sabi ni Missy,manager/handler namin.

"Okay,Missy.Okay na ako.Sino pa ba ang hinihintay?"

"Parating na raw si Eunice."

Tama kailangan naming ituloy ang shooting namin para sa upcoming movie namin ni Eunice.

"Babe,okay lang ba na dalawang araw akong mawawala?Shooting kasi namin ngayon sa Batanggas.Kasama namin si Eunice.Okay lang ba?"

Natahimik sya at huminga ng malalim."Ayaw mo bang sumama ako?Okay lang hindi ako sasama,papa-cancel ko na lang ang shooting."

"No,Ralph.Ituloy mo yan.Baka makasuhan ka kapag hindi mo natapos ang movie nyo.Naiintindihan kita.",napangiti si Nicole.

"Huwag kang mag-alala.Iiwasan ko siya.Saka marami naman kami sa location e."

"No.it's okay.Papapuntahin ko na lang dito si Yaya Meding para may kasama kami habang wala ka."

"Are you sure,you're okay?Wala kang tampo?Di ka galit?

"Ralph,siyempre wala.Ano ka ba?"

"Sama na lang kayo ni Baby Nikko."

"Huwag na.Saka marami din akong aasikasuhin sa office.Ilang araw ng na-cancel ang ilang meetings ko."

"Kaya kita,mahal na mahal e."

"Tse!Huwag ka ng mambola.Pinayagan na nga kita e.Saway ka!"

"Pa-kiss nga,Baby ko.Ang Baby Nicole ko at Baby Nikko.Tandaan mo dalawa lang kayo ang baby sa buhay ka.Love you"

"Love you,too."

"Am I late?",tinig ni Eunice.

"Hay naku,Eunice.",iritable si Missy."Let's go guys!"

"Hi there,Ralph.",nginitian ako ni Eunice.Tanging tango lang ang naisagot ko.

Nicole's POV

Tutol man akong payagan si Ralph,pero hindi puwede.Nakasalalay ang career niya sa kanyang mga projects.Ayoko rin kasing makasuhan siya o Breach of Contract.Natatakot ako kasi sa puwedeng gawin ni Eunice lalo pa't dalawang gabi silang magsasama ni Ralph.May tiwala ako kay pero kay Eunice wala.

"Ma'ma,nanjan na po si Atty.Pe para sa meeting nyo.",naputol ang pag-iisip ko nong pumasok si Claire ang aking secretary.

"Okay,susunod na ako sa Conference Room."

Nandito ako ngayon sa Pangilinan Realty Ventures,Inc.Isa lang ito sa kumpanyang pinaubaya ni Daddy sa akin.Meron din kaming Pangilinan Shipping Lines at iba pang mga hotel puwera pa sa negosyo nina Mommy at ng asawa niyang bilyonaryong hapon.

Sa Nasugbu,Batanggas...

Eunice's POV

"Cut!",sigaw ni Direk Marvin Tisologo."Ano ba yan,Ralph,please concentrate naman.Bigyan mo ng buhay ang scene niyo na ito ni Eunice!Okay!"

Hindi mabigyan ng buahay ni Ralph ang isa sa mga kissing scene namin ngayon.Alam kong apektado pa rin siya sa presensya ko.

"Ralph,it's just a kiss.Dati na nating ginagawa ito,dba?"

"Eunice,please!"

Napangiti lang ako sa reaksyon niya.

"What?Wala naman si Nicole dito."

"Okay,ulitin natin.",sigaw ni Direk.

"Take 4!"

"Ikaw lang babaeng mamahalin ko,Vanessa.Patawarin mo sana ako..",hahalikan na ako ni Ralph at para hindi masayang ang kanyang effort,agad kong sinalubong ang kanyang mga labi at maalab na hinalikan ito.Wala akong pakialam kung nakatingin ang mga crew at ilang mga usyusero.

Alam kong tumutugon din si Ralph.'Akin ka lang,Ralph',sigaw ng isip at puso ko.

"CUT!Magaling!Mamaya paghandaan nyo ang next scene natin at bukas ng gabi ang isa sa mga bed scene nyo,okay?"

"Kailangan pa ba yon direk?,Iritang tanong ni Ralph.

"Oo,dahil yon ang nakalagay sa script at inaprubahan ng management at mga sponsors."

"Paghahandaan ko yon Direk.",napalaki ng ngiti ko kay Ralph.

"Okay,mamaya may welcome party sa atin ang resort.Be at the hall beside the pool area at 7pm.Wear your cocktail attire.Okay?,utos yan ni Missy ang manager ni Ralph at naging handler ko din before ako nailipat sa ibang manager.

Ralph's POV

Shit! Nakalimutan ko may bed scene nga pala kami ni Eunice sa movie naming ito.Paano kapag napanood ito ni Nicole.Sabagay trabaho lang naman ito.Miss ko na ang mag-ina ko.

Makapagpahinga muna bago sa party mamaya.Kung hindi lang nakakahiya,mas gusto kong magpahinga sa cottage na inilaan para sa akin kesa makigulo sa party.Sa haba ng biyahe napagod talaga ako..

Plus ang presensya ni Eunice..

.Kahit papano naman mahalaga rin sa akin si Eunice.Ilang beses na rin na may mangyari sa amin.We had sex.Kahit saan basta gustuhin namin.Siya halos ang palaging nagyayaya.Hindi ko kasi mapigilan ang alindog niya..

Pero hindi na puwede ngaun.Mahal ko si Nicole at ayokong magkasala uli sa kanya at sa anak ko..

Mahal ko si Nicole at hindi na puwede kami ni Eunice.It's over!

____________________________________________________________________

Ano kaya ang maaaring mangyari?

PAcenxa n sa late n UD.Bc kasi lalo pa't umalis ang katulong ng pinsan ko,wala kami makatulong.Minsan natataon pa sa upgrading issue sa system ng wattpad ang pag-a-Update ko.Sisiguruhin kong makaka-update ako ngayon hanggang bukas.Maraming UD.

Salamat sa mga sumuporta at patuloy na sumusuporta po.

Pix ng shooting nila sa Nasugbu,Batangas..

Pls.Vote pa rin,Read at Post a comment.

God bless

eternitydiane

Senseless Romance #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon