Althea's Pov
Tumawag sakin si raven kanina para sabihing di sya makakapunta ngayun. sa new year nalang daw. Kung bakit? kasi nakakahiya daw na humindi sa mama ni trina. nakakainis.nahihiya sya sa mama ni trina pero sa mama ko di sya nahihiya.
oh. bat ka nakasimangot dyan sunget?-pansin sakin ng bestfriend kung si dan. ayos no? tawag nya sakin sunget si raven naman sungot? ano pa susunod? surot?
yung kaibigan ko kasi. sabi nya samin sya mag cecelebrate ng pasko yun pala sa ibang bahay sya mag cecelebrate.- me
Baka naman nalayuan lang sunget. diba 5 oras yung byahe from here and manila? - him
eh kahit na. nag promise sya eh. bumili pako ng gift. di nalang sana. - inis kong sabi sa kanya.
edi ibigay mo nalang pag nakabalik ka na sa dorm nyo. Magkikita naman kayo dun diba? - him
wag na. pupunta naman sya dito to celebrate new year eh. yun eh kung pupunta pa sya. -me
pupunta yan. tiwala lang. nga pala. nabili mo na ba lahat para makauwi na tayo. magluluto pa si tita diba?- him
Oo nga pala. si angel ba asan na?- tanong ko sa kanya kung asan na pinsan nya.
nauna na sa parking lot. napagud siguro kakalibot. tsaka kakarating nya lang din from manila kaninang madaling araw. pinilit lang ni tita na sum.- him
ah ok. tara. puntahan na natin. baka nakatulog na yun kakahintay -me
pagkarating namin sa parking lot ay may kausap na mga pulis si angel at my isang lalaking naka posas.may mga galos din ito at my malaking black eye.Agad naman naming nilapitan si angel para itanong kung anong nangyari. pagkalapit namin ay inantay muna namin matapos silang mag usap ng mga pulis bago kami nagtanong. inaya muna nya kami na pumasok sa kotse. si dan na pinagdrive nya. di na daw nya feel na mag drive.
habang papauwi kami ikinwento nya samin ang nangyari na may nang hold up sa kanya at muntik na sanang madala yung bag nya na may lamang mga gadgets and pera. buti nalang daw at may tumulong sa kanya. at take note. habang dinidescribe nya kung anong itsura ng tumulong sa kanya ay abot tenga naman ngiti nya. gwapong tibo daw kasi yung tumulong sa kanya at ang galing daw sa martial arts. parang si raven lang. gwapong tibo pero i doubt kung magaling yun sa martial arts. sa katawan nyang yun, baka matumba pa yun agad pag naihipan ng hangin. hahaha. ang bad ko.
ano naman bang pangalan ng tibong yun? tanong ni dan sa kanya
di ko nakuha eh. Umalis kasi agad.mukang nagmamadali. -her
Crush mo? tanong ni dan
ahm.kuya naman. crush agad. di ko pa nga alam yung pangalan ng savior ko eh - di nako nagulat sa tanong na iyon ni dan. noon pa man alam ko na na madaling na aattract si angel sa mga gwapong shibs. tanggap naman sya ng buong pamilya nya kahit ganun. eh ako kaya? matanggap kayo ako nila mama kung magkagusto ako kay raven? la? kay raven talaga? di ba pwedeng sa iba.? haist. nakakamiss din pala yung lokong yun.maitxt nga.
san ka?-me
Mall. namimili kami ni mama-her
wow naman. mama na agad tawag nya sa mama ni trina. Wow. mama agad tawag mo? di ba pwedeng tita muna? -me
selos ka naman? eh sa mama na tawag ko sa kanya mula noon eh. heheh.kasundong kasundo ko na nga yung brother nya eh. pareho kasi kaming mahilig sa fried chicken -her
tinatanong ko ba?psh- sa inis ko di nako nag reply. di narin naman sya nag txt. nag enjoy siguro kasama ng mama at kapatid ni trina. bahala na nga sya. kung gusto nya doon na rin sya mag new year eh. psh.