Lumipas ang mga araw na patuloy paring nagkukulitan at nag aasaran ang dalawa. Inuutusan at pinagtitripan parin ni Raven si Althea Kahit magkaibigan na sila. Si Althea naman, walang ibang magawa kundi ang sumunod. Nanjan yung uutasan syang maglaba ng jersey ni Raven, uutusan syang magtimpla ng gatas. Papalutuin ng haponan, pinapabili ng pagkain para sa buong team,sinasabit ang bag nya sa may puno sa field, Tinatago yung sapatos nya, Pinapakanta sya bago sila matulog at kung ano-ano pa. Sinusunod nalang muna ni Althea ang lahat ng yun habang di pa tapos ang deal nila pero gumaganti din naman sya minsan. Pero, slight lang. Gaya ngayun, inutusan sya ni Raven na ihanda yung mga dadalhin nila papuntangfield ng Devine College. Nagsimula na kasi ang tournament at ang Devine College ang una nilang makakalaban.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Althea's Pov
Finally here @ Devine college's Field. This is it, unang game ko sa bago kong team. Nakakakaba.
Oist asungot. Akin na bag ko. - biglang sulpot ni Raven sa likod ko
Ay. may balak kapa palang kunin? kala ko wala eh. oh ito. -sabay abot ko sa bag nya sa kanya.
Nagrereklamo ka? :)- Raven
Bakit sinabi ko ba?- me
Oist. Kayong dalawa jan tigilan nyo na muna yan. Warm up na daw muna sabi ni coach.- sabi ni Irish.
So ayun nga. Nag warm up na muna kami. Dribling ,jaggling and passing. Hindi rin naman nagtagal at nagsimula na yung game. Hindi muna ako kasali sa starting line up, sila Raven, Irish,jam at yung ibang Old members na muna ang ipinasok ni coach.
Habang naglalaro sila,di ko maiwasang sundan ng tingin si raven habang tumatakbo at nag didrible ng bola. Magaling talaga syang maglaro kahit mapang asar sya. Ang cool pa nyang tingnan tas ang gwapo pa. Hala? anong sabi ko? erase erase erase. Erase that thought Althea. Yan gwapo? san banda? aish. ano ba naman to. Sa iba na nga lang ako titingin.
Ayun, muntikan na yun ah. sayang at naharang ng goal keeper ng kabilang team ang tira ni jam. Balik ulit sa kabilang team yung bola. Pinipilit naman tong agawin ni Ella pero nilagpasan lang sya nito. takbo lang sila ng takbo hanggang sa ipasa nung naka number 5 na jersey yung bola dun sa kakampi nya na malapit sa goal.Nang nakuha na nya to. Bigla nya itong sinapa buti nalang nasalo agad to ng goalkeeper namin at sinipa sa gawi ni Travis. Sipa dito,sipa don. Pasa dito pasa don. And goal, Raven got the first point para sa team.
Unti-unti ng nagiging Intense ang game. malapit na kasi ang time at di padin nakakascore ang kalaban kaya pinipilit nilang makascore habang kami may isang puntos na at kelangan pa namin ng isa para hindi nila kami malamangan. Nagpatawag naman ng time out ang kabilang team. Nag desisyon naman si coach na papahingahin muna si Ella at ipasok ako.
Balik na ulit sa game, at nasa kabilang team ang bola. Ganun pa rin ang naging takbo ng laban.Mas naging agresibo lang ang kabilang team mula nung matapos ang time out. Naging mahigpit nadin sila sa pagbabantay sa kung sino man ang may dala sa bola. Gaya kanina, dalawa ang sumogud kay Irish nung pinasa ni raven yung bola sa kanya kaya yun Naagaw ng kabilang team yung bola buti nalang at nakuha ulit yun ni Raven at pinasa sakin.Kaya heto ako ngayun. Todo iwas sa mga bumabantay sakin. Kailangan ko tong maipasa kay raven na naghihintay na don sa may goal. Lagi kong pinipeke ang mga galaw ko para di mabasa ng kalaban.