This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Read at your own risk.It might have typographical and grammatical errors so please bear with me.
Enjoy reading!
Simula
Napakalawak ng ngiti ko sa aking labi habang naglalakad papasok sa eskwelahan. Inayos ko ang suot kong salamin at ang buhok kong lumilipad sa ihip ng hangin. Sa hindi kalayuan, nakita ko ang boyfriend kong si Sylan kasama ang kaniyang mga tropa. Lalapit na sana ako sa kaniyang direksyon nang umalis ito kasama ang kaniyang mga kaibigan matapos akong makita. Napahinto na lamang ako sa paglalakad.
Siguro, hindi niya lang talaga ako nakita.
Sylan and I are in a relationship since last 6 months. Anim na buwan na kaming magkarelasyon pero hindi ko ramdam iyon. Ayokong paniwalain ang sarili ko na ikinahihiya niya ako.
Ako kasi 'yong tipo ng babae na walang kaartehan sa katawan at walang ka-taste-taste. Simple lang ako. Tanging pulbo lang ang ginagamit sa mukha.
Nagpatuloy na lamang muli ako sa paglalakad papunta sa aking classroom at mapait na napangiti. I'll give him 3 months to change himself for me.
HAPON na at break time na namin. Kakatapos lang din naming mag-awarding sa classroom ng certificates for the third quarter. I got 7 certificates; with higher honor, Best in Math, Best in Science, Best in Filipino, Best in English, Top 1, and leadership award for this quarter.
" Congrats, Riyah! Ang talino mo talaga!" Ani ni Zephany, ang Vice President ng klase.
" Thanks," tanging nasabi ko na lamang. Nagpaalam na ako sa kaniya at lumabas na ng classroom.
Nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya't naisipan kong pumunta muna sa isa sa mga comfort room ng building namin.
" A-ah! N-nakikiliti ako! Hahahaha! Stop!" Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang impit na tili ng isang babae. Mukhang nagmumula iyon sa CR. Napangiwi na lamang ako nang maisip kung anong nangyayari sa loob.
" Tama na, babe! Baka may makakita sa atin dito. Hahah—shit!" Dala na rin ng kuryusidad, dahan-dahan akong sumilip sa pintuan ng CR. Pinihit ko ang door knob at bumuntong-hininga bago unti-unting binuksan ang pintuan.
" Shh, babe...Just let me kiss your neck." Naramdaman ko na lamang ang pag-agos ng luha ko.
" Ih! Pero nakikiliti ako!"
" Sige ka, I'll leave you."
" W-what? No! Then go on. K-kiss me..."
" Good girl,"
Hindi ko na nakayanan pa ang nakita. Tumakbo na ako palayo. Patuloy pa rin sa pag-agos ang luha ko.
Ang sakit. Ang sakit na makita 'yung boyfriend mo na may kasamang ibang babae. At ang pinakamasakit, may kahalikang ibang babae ang boyfriend mo.
I fucking trust him! Sylan is known as cassanova inside our university. I thought...nagbago na siya. But I was wrong. Niloko niya ulit ako.
" N-nakakainis! B-bakit ba kasi ang panget ko? B-bakit..hindi ako kasing-ganda ng ibang babae?!" Napasandal na lamang ako sa dingding. Hindi ko alam na dinala na pala ako ng mga paa ko sa isang bakanteng classroom na hindi na ginagamit.

BINABASA MO ANG
Ito Lang Ako (Novella)
RomanceRiyah is a highschool student and bullied by her schoolmates. One day, she caught her boyfriend kissing other girl. At the end, they decided to cut their relationship because it's not healthy anymore. Feeling belittled, she thought about her reve...