Prologue

280 2 0
                                    

Jarri's POV



"Ang ganda niya talaga pre. Siya ata yung bagong model ehh. Sigurado ako sisikat yun" Nandito kami ngayon sa isang sikat na bar malapit dito sa bahay ng kaibigan ko. Kakauwi nya lang kasi galing sa Europe kaya nagyaya siyang mag-inom at yung kaibigan ko...walang bukambibig kundi yung bagong model daw.





"Sino ba yang sinasabi mo pre??" Takang tanong ko sa kaniya.




"Teka....nandito lang siya kanina ehhh. Ang ganda niya talaga pre."




"Wala naman na akong interes sa babae ehhh" Simula nung niloko niya ako.....wala na akong interes sa ibang babae. Sinubukan ko namang maghanap ng iba pero kapag kasama ko sila siya pa rin yung naiisip ko. Tsk bakit ko ba siya iniisip ehhh 6 years na ang nakakalipas?





"Tsk for sure magugustuhan mo rin yun. T-teka pre....ayon siya ohhh!!" Biglang napatayo si Chase at tinuro yung babae. Sexy nga siya at halatang maganda. Sure na yan. Sisikat siya bilang model at artista kahit baguhan palang siya. Mukha rin siyang mayaman at alagang alaga ang kutis.





"Hahahahahahahahaha siraulo ka talaga" tumatawa siya habang hinahampas yung lalaking kausap niya. Teka---- may kaboses siya ehhh.

Napaharap siya sa gawi namin at parehong nanlaki ang mga mata namin ng makita namin ang isa't-isa. Ang laki ng ipinagbago niya at halatang malayo-layo na ang narating niya. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya dahil naalala ko nanaman ang pangloloko niya.




Napangisi nalang ako habang iniinom ang alak sa baso ko. Ayan pala ang napala niya sa panglalandi niya. Pumatol siguro sa matandang mayaman kaya yumaman siya.





"Oh Jarri! Long time no see" sarkastikong bati niya sakin. Di ko manlang namamalayang nakalapit na pala siya sakin.

'Wag kang paapekto. Wag mo sabihing mahal mo pa yan ehh niloko ka niyan!!'





Mr.Popular meets Ms.PasawayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon