Chapter 20

129 2 4
                                    

Julia's POV


"Bad morning self" walang gana akong bumangon at naligo. Nag text si Jarri sakin kagabi na hindi muna daw siya papasok dahil baka may media doon sa school. Tama nga siya. May media nga sa school. Nakaabang sila doon kahit wala naman silang aabangan dahil hindi naman siya papasok.




Panay ang kaway ng mga estudyante sa camera at yung iba ang nag p-pose pa. Parang tanga lang. Nakita kong kinakausap nung ibang reporter ang ibang mga estudyante. Hindi naman ako interesado kaya nagtuloy lang ako sa paglakad. Napahinto ako dahil parang naririnig ko yung pangalan ko. "Baka guni-guni ko lang" bulong ko sa sarili ko.




Wala akong kagana-gana buong klase dahil wala naman si Jarri. Di rin ako makakapunta sa bahay nila dahil alam kong nakaabang din doon ang media.




Pag-uwi ko ay gumawa lang ako ng mga assignments at projects. Pinakain ko lang sila nanay at nagpalit na rin ako ng damit para magtrabaho.




"Lia! Kilala mo ba yung rumored gf ni James?" Hindi ko nalang siya sinagot at nagtrabaho nalang ako ng maayos.





"May rumored girlfriend si James?"






"Ahh eto po ang order niyo. Isang ham and cheese pizza, limang carbonara, walong chicken and iced tea yung drinks niyo. Take out po lahat" Tumango yung babaeng nag-order at pinaasikaso ko na sa mga kasama ko yung order niya. Inabot niya ang bayad niya at sinuklian ko ito. "Eto na po yung order niyo ma'am" nakangiting sabi ko habang inaabot yung order niya. Halatang nahihirapan siyang bitbitin kaya lumapit ako sa kaniya at kinuha ko yung ibang dala niya. "Tulungan ko na po kayo"






Pagdating namin sa kotseng pinagpark-an niya ay nagulat ako nung iabot niya sakin yung isang libo. "Here. Deserve mo yan" tumanggi pa ako pero hindi siya nagpapilit kaya tinanggap ko nalang at bumalik na ako sa resto.





"Oo nga ayaw maniwala." Nag-uusap pa rin sila tungkol kay Jarri. Wala pang customer kaya kumuha muna ako ng inumin at umupo muna ako sa isang upuan doon at nanood ako sa tv. Malakas naman ako kay Jarri eh.














Halos masamid ako nung makita kong iniinterview nila yung isa sa mga kapit-bahay ni Jarri.





"Oho. Madalas nga po ehh may babaeng pumupunta diyan. Di ko nga lang makilala yung mukha niya. Diyan pa nga po natulog nung nakaraang araw ehh."





"Hala grabe! May gf na nga si James!"



"Sure ka bang gf niya talaga yun?" Tanong ko sa katrabaho ko habang nakasampa ang isa kong paa sa upuan. Di naman ako makikita ni Jarri ehh.






"Oo teh! Di naman niya papapasukin doon si ate girl kung hindi niya kakilala, gusto o gf yun"






"Di ba pwedeng kaibigan niya lang?"





"Ay teh! Todo ang pagtatanggol mo diyan kay James ahh. Bakit? Nabibitter ka? Fan ka rin siguro ni James no?"





'Gaga! Kami kasi ni Jarri yung pinag-uusapan niyo'






"Hindi ahh!"



"Wag kang mag-alala. Nabibitter din ako kasi fan ako ng loveteam nila ni Sydney"





"Hah! Mas bagay sila ni Keila!"




"Gaga mas bagay sila ni Sydney!"





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr.Popular meets Ms.PasawayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon