Julia's POV
"Ganto ba talaga to?" Tanong ko sa babaeng kasama ko pagkasuot ko ng damit ko. Paano kasi'y kita ang clivage ko. Di man ito bulgar na bulgar gaya ng mga nakikita ko sa tabi-tabi pero di ko matanggap na ipapakita ko ito sa iba.
"Okay lang yan te. Ang ganda mo mukha ka lang talagang racer! Jeri lang yan. Masasanay ka din." Napabuntong-hininga nalang ako. Wala na akong magagawa dahil baka magalit sakin si Ate Sydney.
Sinuot ko na ang boots ko na may takong at nanatiling nakalugay ang buhok ko. Paglabas ko ay agad kong kinuha ang helmet na binigay sakin at isinuot ko naman ang shades.
Nakangiting humarap sakin si Jarri na gwapong-gwapo sa racer outfit niya na gaya ng akin. Naka rubber shoes siya na kulay black at naka shades din. May helmet din siyang dala at magulo pa rin ang buhok niya. Biglang napawi ang ngiti niya at parang ang bigat ng dating ng aura niya.
"Bakit ka nakaganyan?" Masungit na tanong niya habang itinuturo niya ang dibdib ko.
"Aba malay ko kay Ate Sydney. Sabi niya ay ibaba ko daw to ng konti"
"Wala ka namang dibdib!" Biglang sigaw niya
"Oh edi okay lang. Wala naman pala akong dibdib ehh kaya okay lang na makita" nakangiting sabi ko sa kaniya.
Nang tawagin kami ay pumila kami sa likod ng stage. Napakasasama ng tingin sakin ng mga babaeng kalaban ko. Palibhasa'y inggit sila dahil pulos t shirt at shirt lang ang damit nila at bumili lang sila ng bola. Kami lang ni Jarri ang naiiba ang suot. Bigla akong nakarinig ng sipol sa isa sa mga lalaking kasama ni Jarri sa kabilang bahagi ng stage. Nakita kong samaan siya ng tingin ni Jarri at may binulong pa siya sa lalaki dahilan para tumigil ito. Ano nanaman kayang pinagsasabi neto?
Isa-isang tinatawag ang mga contestants hanggang sa kami nanaman ni Jarri. Nang kami na ang rarampa ay naglakad ako papunta sa stage at nag pose. Agad akong pumunta sa gitna ng stage at nakita ko si Jarri na papunta din doon. Kyaahhhh napaka gwapo niya talaga.
Hinapit niya ang bewang ko at inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko kaya mas lalong naghiyawan ang mga tao. "Sabi ko naman kasi sayo. Bakit ba kasi ganyan ang damit mo?" Inis na bulong niya.
"Hindi ko nga alam. Si Ate Sydney ang may pakana" bulong ko din sa kaniya. Humarap ako sa kaniya at ikinawit ko ang braso ko sa leeg niya. Inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya. "Wala palang dibdib ahh. Bakit ako tinitilian kanina kung ganon?" Mapang-asar na bulong ko sa kaniya. Naramdaman ko ang pagngisi niya at rumampa na kami pababa ng stage.
"Pagod na ako." Nakangusong bulong ko sa sarili ko habang nagbibihis. Isinuot ko na ang damit kong kinulang sa tela at ang shorts ko na kulay black. Pinatungan ko iyon ng spaghetti strap dress na kulay pula. Paglabas ko ay wala doon si Jarri. Ang sama iniwan ako!
"Psstt ate!" Tawag ko doon sa babaeng nag makeup sakin. Naka pa donut ang buhok ko at gulo gulo iyon. Sabi nila ay messy bun daw ang tawag dun.
"Yes dear?" Nakangiti siyang lumapit sakin. Bitbit niya ang extra mic na sinasabi ni Jarri na bibilhin niya. Iyong kinakabit sa mukha? Ang ulit tawag dun? Nakalimutan ko na. Ikinabit niya sakin iyon. Incase daw na masira iyong mic ni Jarri ay ako ang kakanta. Huhuhuhu wag naman sana. Ayokong kumanta.
"Pwede pong pakibitbit po neto sa back stage?" Ipinakita ko sa kaniya iyong ankle boots. "Mag c-change outfit po kasi ako mamaya" nakayuko lang ako habang kagat kagat ang labi ko at tahimik na humihiling na sana ay pumayag siya
BINABASA MO ANG
Mr.Popular meets Ms.Pasaway
Teen FictionIsang sikat na Artista si Jarri. Madaming fans, madaming tagahanga, madami ding mga insecure na basher at pinakamatino sa kanilang magbabarkada. Isa lang ang tipo niya sa babae. Iyong mahinhin, kilos prinsesa at matalino. Hindi niya alam na isang ar...