Chapter 17

44 3 0
                                    

Julia's POV



Ang bilis ng oras. Parang kahapon lang yung pageant. Parang kahapon lang ehh lunes palang pero ngayon biyernes na. Parang kahapon lang pinagtatawanan ko pa yung mga napaparusahang mga hindi naglinis pero ngayon kami na ang cleaners. Nakakatamad maglinis. Tumakas nalang kaya ako? Papatayuin lang naman ako ni Sir sa subject niya ehh tapos minsan papakantahin o papasayawin niya lang yung mga hindi naglinis. Hindi ko na alam kung estudyante pa ba kami dahil ginawa na kaming janitor, entertainer at minsan ginagawa pa kaming google. Mga bwisit kasi hindi pa naman itinuturo samin tapos tinatanong na agad kami. Wala naman kaming libro. Puro sila what is ganito, definition of ganito, may quiz tayo about ganito ehh hindi pa naman namin napag-aaralan yun!




Okay masyado na tayong madaldal. Sa ngayon, tuturuan ko kayo kung paano tumakas sa paglilinis.

Step 1: tahimik mong kunin yung bag mo.

Step 2: tahimik kang maglakad papalabas sa---



"Hoy!! Hoy!! Ano yan? Tatakas ka?" Sigaw sakin ni Chamsey. Don't worry may hinanda akong plano para sa mga bida-bidang yan. Wow inglisyer



Step 1: kunin ang cellphone

Step 2: tawagan ang pinakamalapit mong kaibigan. Kapag wala kang load di ko na problema yun yawa ka.


"Jarri?! Oh bakit? May emergency?!" Pasigaw na sabi ko.




[Anong pinagsasabi mo?]

"Kailangan na ako diyan?"


[Huh? Di kita maintindihan]




"S-sila nanay? Okay lang ba sila?"



[Anong nanay? Wala naman ako sa bahay niyo.]



"Ehh mag lilinis pa ako ehh. Nag-aalala ako kay nanay pero ayaw akong paalisin ni Chamsey"



[Ahh kaya]


"Ano? Kakausapin mo siya? Oh sige" inabot ko kay chamsey yung phone ko. Manginig-nginig pa siya habang kausap si Jarri doon at halos maihi na siya sa kilig



"Alis na!" Sigaw niya sakin kaya ngiting tagumpay ako ng makalabas ako





Masaya akong naglakad sa may hallway pero pagliko ko ay nagulat ako dahil nakita ko doon si Jarri. Nakangiti siya at yung ngiti niya ay yung ngiti na parang may kalokohan siyang gagawin. Napaatras ako ng lumapit siya sakin.




"A-ano bang ginagawa mo?" Kinakabahang tanong ko. Lumapit siya sakin at umatras naman ako hanggang sa wala na akong maatrasan. Napatingin ako sa magkabilang gilid ko at halos manlumo ako dahil may pader din sa kanang bahagi ng sinasandalan ko at nakaharang naman ang kamay niya sa kaliwang bahagi ng sinandalan ko.





"Tumakas ka sa paglilinis no? Isusumbong kita" bulong niya sakin. Napansin kong masyado na siyang malapit kaya tinulak ko siya at sinamaan ko siya ng tingin.






"Sumbong mo. Samahan pa kita ehh" Naglakad na ako palabas sa school at narinig kong tinatawag niya ako. Napahawak ako sa dibdib ko dahil wala pa ring tigil ang bilis ng pagtibok nito. Grabe! Kinabahan ako doon.




Pagkauwi ko sa bahay ay pinakain ko muna sila nanay at ang mga kapatid ko. Gumawa muna ako ng project at assignments bago ko kinuha ang phone ko.




*Ring!!! Ring!!*


'Bakit tumatawag si Ate Sydney?'




"Ate Sydney!" Masiglang bati ko sa kaniya.




Mr.Popular meets Ms.PasawayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon