Julia's POV
"Ano ba ang meron sa pageant niyo?" Tanong niya habang naglilibot kami.
"Sportswear attire, casual wear at long gown." Sagot ko sa kaniya.
"Okay. Bibili tayo ng pang casual wear mo atsaka shoes and accessories" sabi niya kaya naglakad na kami kung saan-saan.
"Hayyyy ang dami na neto." Sabi ko dahil inaaya nanaman niya ako sa bilihan ng mga damit. Tama nga yung sabi ni Jarri. Mukhang plano niya talagang bilhin yung buong mall. Bumili din kasi siya ng para sa sarili niya. Napaka mamahal pa naman ng mga tinda dito. Isang araw na sweldo ko na yun sa pinagtatrabahuhan ko ehh.
"Sige na please." Napabuntong hininga nalang ako habang hinahatak niya ako doon. "May mga kapatid ka ba? Bilhan natin sila" sabi niya sakin.
"Naku wag na. Nakakahiya naman ang dami mo nang naitulong sakin" mahinang sabi ko.
"Sige na. Bilhan na natin sila. Alangan namang ikaw lang ang meron" nakangiting sabi niya.
"Meron akong dalawang babaeng kapatid. Yung isa, 12 years old tapos yung isa, 10 years old." Sabi ko sa kaniya. Sa huli ay binilhan din namin sila.
"Bibilhan kita ng cellphone pati yung kapatid mo" sabi niya at hinatak ako sa bilihan ng cellphone. Napabuntong-hininga nalang ako dahil alam ko namang siya din ang masusunod. Kailan kaya mauubusan ng pera 'tong babaeng to?
"Nakakagutom yun ahh hahahahahahaha" natatawang sabi niya.
"Oo nga ehh hahahahahaha nakakapagod din palang magganto" nakangiting sabi ko. Pumunta kami sa starbucks at bumili kami ng inumin. Ang mahal nga eh. Habang naglalakad kami ay bigla nalang napatigil si Sydney.
"Apollo..." bulong niya. Napalingon ako sa tinitignan niya. Lalaki siya at may itsura naman. Hindi lang bastang may itsura. Napakagwapo pa. Napalingon sa gawi namin yung lalaki kaya agad na napatago si Sydney. Nagtataka ako sa ikinikilos niya.
"Huy! Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya.
"Y-yes. Saan mo gustong kumain?" Tanong niya sakin.
"Kahit saan nalang" nakangiting sagot ko.
Habang kumakakain kami ay nagkukwentuhan din kami. Di ko akalaing ganito pala siya kadaldal. Akala ko talaga ay masungit siya. "Naalala ko talaga sayo yung mga kaibigan ko" nakangiting sabi niya.
"Nasaan na ba yung mga kaibigan mo?"
"Nandito lang din sa Pinas kaso ang alam nila ay patay na ako." Malungkot na sabi niya. "Mahabang kwento." Pinilit niyang tumawa.
"Sino yung Apollo?"
"Bestfriend ko. Naging mag M.U. din kami dati pero wala ehh. Sinubok ng tadhana at hindi ko nakayanan."
"Hayaan mo na. Ang importante ay may Jarri ka na ngayon at mahal niyo ang isa't-isa" nakangiting sabi ko sa kaniya kahit ang sakit sakit na.
"What do you mean?"
"Di ba boyfriend mo si Jarri?" Nagulat ako nang bigla siyang tumawa.
"No! Hahahahahahaahha"
"Eh bakit baby tawag mo sa kaniya?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Mr.Popular meets Ms.Pasaway
Novela JuvenilIsang sikat na Artista si Jarri. Madaming fans, madaming tagahanga, madami ding mga insecure na basher at pinakamatino sa kanilang magbabarkada. Isa lang ang tipo niya sa babae. Iyong mahinhin, kilos prinsesa at matalino. Hindi niya alam na isang ar...