Julia's POV
"Oh? Julia! Uuwi ka na?" Napalingon ako kay Brian. Tumango nalang ako at inayos ang gamit ko. Well...gwapo naman siya. Pwedeng itapat kay Jarri kung tutuusin pero ekis siya sakin. Di ko lang type ba't ba? "T-teka! Sabay na tayo!" Mataray ko siyang tinignan at nakita kong aligaga siya sa pag-aayos ng gamit niya.
"May susundo sakin" nginisihan ko siya bago ko kinuha ang gamit ko at lumabas na sa resto. Kahit nasa malayo pa ako ay nakita ko agad ang kotse ni Jarri. Napangiti ako ng makita kong natutulog siya sa loob ng kotse niya. "Wala. Antok na to" nakangiting sabi ko habang napapailing.
"Julia! Hey! Hintayin mo ako!" Binilisan ko ang paglalakad ng marinig ko ang boses ng bwisit na Brian. Bwisit naman to! Simula ng matanggap siya sa resto na katabi ng resto na pinapasukan ko ay lagi nalang niya akong kinukulit at sinisira ang araw ko. Di na nahiya dahil lagi nalang siyang pumupunta sa resto na pinapasukan ko. "Julia! Hey!" At dahil mabait naman ako ay nilingon ko siya. Napatigil siya sa pagtakbo at napahawak sa magkabilang tuhod niya habang hinihingal pa.
"Ano bang kailangan mo sakin?" Inis na tanong ko.
"I just want to have a friend" mukhang asong sabi niya---este nakangusong sabi niya.
"Bakit? Wala ka bang kaibigan dito?" Parehas kami ni Brian na gulat na napatingin kay Jarri na nakapulupot ngayon ang braso sa bewang ko.
'Siguro idol niya rin si Jarri kaya nagulat siya---'
"Zup Couz!" Nakangiting bati ni Brian kay Jarri. Halatang naaasar si Jarri sa kaniya pero eto ako na hindi manlang maintindihan ang pinagsasabi ni Brian. "Di ko inaasahang makikita kita dito.......insan" gulat akong napatingin kay Jarri at ibinalik ko ang tingin ko kay Brian at ibinalik ko ulit kay Jarri at kay Brian at kay Jarri at dahil gwapong-gwapo ako sa kaniya ay hindi na naalis ang tingin ko sa kaniya.
"Hindi ko rin inaasahang makikita kita dito" sarkastikong sagot niya. Diba magpinsan sila? Bakit ganyan ang trato nila sa isa't-isa?
"Ang inaasahan ko ay nasa Maynila ka para maghanap ng babae. Diba ayon naman ang hobby mo? Ang mangflirt ng babae pero hihiwalayin mo rin sila sa huli. Si Julia pa talaga ang napili mong idagdag sa mga babae mo" Nakangising sabi ni Brian. Sasagot na sana si Jarri pero inunahan ko siya.
"Pake mo ba?" Mataray na tanong ko.
"May pake ako dahil pinsan ko siya at gusto kita" aba! Ang tapang ahh! Hindi nga ako makaamin sa pinsan niya ehh samantalang siya parang ang dali dali lang para sa kaniyang umamin?
"Lia sumakay ka na sa kotse." Napakunot ang noo ko dahil sa galit na boses ni Jarri. Sa takot ko ay sumakay nalang ako sa kotse at dahil may pagkachismosa ako ay tinignan ko silang dalawa habang nag-uusap. Mukhang nagkakaasaran na sila dahil kita ko ang gigil sa mukha ni Brian. Bigla kong naibaling sa kung saan ang mata ko ng buksan na ni Jarri ang pinto ng kotse.
"Wag kang didikit sa kaniya" napalingon ako sa kaniya at nahagip ng paningin ko ang mata niya. Inirapan ko nalang siya at hindi ako nagsalita hanggang sa makauwi ako.
So ganon pala siya? Babaero pala siya. Okay sana kahit isa nalang ako sa mga babae niya pero hindi ehh. Ni hindi niya nga ako gusto. "Waahhhh Jarri huhuhuhuhu crushback lang eh Bakit ang damot mo?"
Kinabukasan ay hindi ko siya pinuntahan sa bahay niya. Ayaw ko lang siya puntahan ba't ba?
Maya-maya lang ay napagdesisyonan kong magpunta nalang sa court dahil wala naman akong magawa sa bahay. Tumambay lang ako doon. Soot ko ang jersey na niregalo ko sa sarili ko noong birthday ko dahil bukod kay Liam ay wala ng nagreregalo sakin. Kulay black yon na may red. Naka shorts din ako na kulay black na abot hanggang tuhod. Wala naman akong balak mag basketball. Ganto lang talaga ang soot ko.
Habang nandoon ako ay kinalikot ko nalang ang phone ko. Natuwa ako dahil ang lakas ng signal. Nanood nalang ako ng kung ano-ano. Tinignan ko ang gallery ko na may mga pictures ko nung pageant at picture namin nila Jenny, Jona at nanay. Bukod doon ay wala na akong ibang picture.
Bigla akong napalingon sa likod dahil may tumapik sa balikat ko. Napangiti ako ng makita ko ang mga kaibigan ko. "Kamusta boss? Madalang nalang tayo magkita ahh. Ang ganda mo pala boss kapag may ayos no? Lalong kaming magiging protective neto" natawa nalang ako sa sinabi ni Aeron. Kaya walang nakakaporma sakin kasi takot silang lahat sa mga kaibigan ko.
"Hoy Kier! Di ka na nagpupunta sa bahay ahh. Miss ka na tuloy ni Jenny!" Biglang tumawa si Kier.
"Boss pumupunta ako sa bahay niyo. Ikaw ang wala doon dahil nakila James ka daw. Ikaw ahh anong ginagawa niyo ni James?"
"Ano? Bakit naman ganun? Aba! Di pwedeng hindi dadaan samin yun!"
"Tama! Anong gagawin natin?"
"Bugbugin na!"
Napasimangot ako sa pinagsasabi ng mga kaibigan ko. "Tss wag kayong malisyoso. Wala kaming ginagawa. Tumatambay lang ako doon"
"Mag basketball na nga lang tayo!" Sabi ni Kier kaya pumunta kami sa gitna ng Court.
Sinimulan na namin ang laro. Ang saya-saya talagang maglaro. Ilang buwan na ba akong hindi nakakapaglaro neto?
Habang tumatagal ang laro ay parami nang parami ang mga taong nanonood samin. Ang daming nag c-cheer sa grupo namin kaya mas ginanahan ako. Nang makalamang na kami ng 13 Points ay nagpahinga muna ako at si Jc ang pumalit sakin. Pawis na pawis ako at kung minamalas nga naman ako ay wala akong dalang panyo. Habang nagpapahinga ako ay biglang may nag-abot sakin ng panyo at tubig. Napalingon ako dito at nagulat ako ng makita ko si Liam. Ilang linggo na rin pala kaming nag-iiwasan. Kinuha ko ang panyo at tubig na inabot niya. Nagpunas ako ng pawis at uminom ako ng tubig.
"Lia..." nakangiti ko siyang nilingon habang nakataas ang kilay ko.
"Bakit?" Napayuko siya habang pinaglalaruan ang mga kamay niya. Nagulat ako dahil bigla siyang yumakap sakin at naramdaman kong nababasa ng ang leeg ko. "Huy! Umiiyak ka ba?" Bumitaw siya sa pagkakayakap at pinunasan niya ang luha niya at bahagya pa siyang natawa.
"Wala to."
"Ano nga yun?"
"Lia....pwede ba tayong bumalik sa dati? Lia kasi miss na kita ehh. Miss ko na yung kaibigan ko. Pakiramdam ko kasi, simula nung umamin ka at tanggihan kita.... nawala na ang lahat sakin." Napabuntong hininga nalang ako. Bakit ba pakiramdam ko ay napakasama kong tao? Di ko manlang alam na nasasaktan na pala siya sa pag-iwas ko.
"Wala naman na sakin yun ehh. Inaamin ko.." tinignan ko siya sa mata. "Inaamin ko na nasaktan ako pero wala na sakin yun ngayon dahil hindi na ikaw ang gusto ko. Si Jarri na yung gusto ko. Kung gusto mong bumalik tayo sa dati edi okay. Kaya lang naman ako umiwas kasi nahihiya ako sayo"
"So....friends ulit?" Ngumiti ako sa kaniya at niyakap ko siya.
"Friends ulit"
"Hoy!!! Sali kami!" Napatingin ako kila Danny na tapos na palang mag laro. Wala na rin pala yung mga tao. Di ko manlang namalayan.
Nakisali sila samin at dahil ang kukulit nila ay nadaganan nila kami ni Liam. Tawa sila ng tawa habang napapasigaw si Liam sa bigat nila. Anak ng pucha ang tagal na naming walang bonding ahh. Nakaka miss din pala.
BINABASA MO ANG
Mr.Popular meets Ms.Pasaway
Ficção AdolescenteIsang sikat na Artista si Jarri. Madaming fans, madaming tagahanga, madami ding mga insecure na basher at pinakamatino sa kanilang magbabarkada. Isa lang ang tipo niya sa babae. Iyong mahinhin, kilos prinsesa at matalino. Hindi niya alam na isang ar...