Julia's POV
Pagkapasok ko sa bahay nila Jarri ay agad akong dumeretso sa sofa at nagtatatalon doon. "Waahhhh ang lambootttt" natutuwang sabi ko matapos humiga sa sofa.
"Hoy!! Ayusin mo nga 'yang sarili mo! Kababae mong tao hihila-hilata ka diyan" iiling-iling na sabi ni Jarri kaya agad akong napaayos ng upo at ngumiti sa kaniya.
"Oh mag review na tayo." Ihinanda na ni Jarri ang libro na binili niya para samin. "Scien---"
"Wait! Bibili lang ako ng juice" sabi ko at akmang tatayo ng pigilan niya ako.
"Mayroon tayo sa ref"
"Wala na kaya. Sige na bibili na ako." Agad akong pumunta sa malapit na tindahan at bumili ng powdered juice.
"What's that??" Kunot-noong tanong niya habang nakatingin sa powdered juice na binili ko.
"Powdered juice. Tara samahan mo ako sa kusina. Tuturuan kitang magtimpla ng powdered juice." Habang naglalakad kami papunta sa kusina ay napangisi ako bigla ng may maisip nanaman akong kalokohan.
"Ano nanaman yan?" Umiling nalang ako sa tanong ni Jarri. Alam na niya talaga kapag may kalokohan akong gagawin.
"Game na." Kinuha ko ang dalawang pitsel at ibinigay ko sa kanya ang isa. "Buksan mo muna tong balot syempre" ginunting ko yung plastic kaya ginaya niya ako. "Step 2: ihipan ang powdered juice sa loob" umakto akong hinihipan ang juice kahit hindi naman talaga kaya ginaya ako ni Jarri. Hinipan niya ang powdered juice kaya nagkanda ubo siya at napuno ng powdered juice ang mukha niya.
"Hahahahahahahahahahahahahaha" tawa ako ng tawa habang masama naman ang tingin niya sakin. "Sorry" sabi ko nalang dahil halatang naiinis siya. Agad akong kumuha ng malinis na pamunas at binasa iyon ng mineral water. Nilinisan ko ang mukha niyang puno ng powdered juice at ganon nalamng ang bilis ng tibok ng puso ko ng makita kung gaano kalapit ang mga mukha naming dalawa. Bilga akong tumalikod at itinuloy ang pagtitimpla ng juice.
"May girlfriend siya Lia. Respeto naman" mahinang bulong ko sa sarili ko. Pagharap ko sa kaniya ay inaasikaso na niya ang pagrereview namin.
"Oh. Sagutan mo to" sabi ko habang inaabot ang ginawa kong mga tanong. Ganito ang diskarte namin. Bibigyan niya ako ng sasagutan at bibigyan niya rin ako. Pagkatapos naming magreview ay agad niya akong ihinatid sa bahay para makapagpalit at makapasok sa trabaho ko.
"Hoy Lia! Balita ko nakabingwit ka daw ng mayaman?"
"Lia balato naman!"
"Gagawin kitang ninang ng anak ko ahh!"
Sigawan ng mga kapit-bahay kong chismosa. Nilagpasan ko lang sila at pumasok na ako sa bahay para magpalit.
Nang matapos ako sa trabaho ay sinundo ako ni Jarri. Puro kwentuhan lang ang ginawa namin buong byahe.
Kinabukasan ay hindi naman nasayang ang pagrereview namin dahil naka perfect kaming dalawa sa long quiz at panay ang pag recite namin sa bawat subjects namin.
"Section D. Alam niyo naman kung anong meron sa September diba?" Salubong lang naman samin yan ng adviser namin.
"Yes!! Mr. And Ms. ZHS!" Sabay sabay na sigaw nung tatlo.
"Kaya James and Julia, willing ba kayong maging representative namin?" Nagtinginan samin ang lahat ng mga kaklase ko. Nahagip ng paningin ko ang inis na inis na si Chamsey Sipsip.
"Depende po kung papayag si Lia" sagot ni Jarri habang nakatingin sakin.
"Jarri payag ka?? Akala ko ayaw mo?" Takang tanong ko sa kaniya.
"Nagbago isip ko ehh"
"Sir mukha naman pong ayaw ni Lia kaya ako nalang po. Willing po akong maging representative" sabi ni Chamsey.
"Lia ikaw nalang!"
"Oo nga! Matatalo tayo!"
"Wag ka ngang bida-bida! Panget panget mo ehh. Lia ikaw nalang!"
"Oo nga! Mukha kang suso! Si Lia nalang!"
"Shhhh tumahimik muna kayo. Okay si Chamsey na---"
"May sinabi po ba akong ayaw ko?" Putol ko sa sasabihin ni sir. "Willing po ako na i represent ang section natin pero mukhang mas gusto niyo sa Chamsey kaya kanya na" sabi ko sabay upo sa upuan ko.
"Okay so si Chamsey na." Desedido na talaga si sir. Paano kasi ay nililigawan niya ang tita ni Chamsey kaya nagpapalakas siya. "Si James at Chamsey ang magiging representative natin" kaniya-kaniyang tutol ang sinabi ng mga kaklase namin.
"Sir si Lia nalang!"
"Oo nga sir!"
"Bakit? Bagay naman sila James at Chamsey ahh" muntikan na akong masuka sa sinabi ni sir. Si Chamsey?? Talaga ba? Si Chamsey? Baluga,mataba at napakapangit.
Napalingon ako kay Chamsey at nakita ko ang mapang-asar na ngiti niya sakin. "No sir. Ang sabi ko po ay papayag ako kung si LIA ang magiging partner ko. Hindi naman po siguro LIA ang pangalan ni CHAMSEY no?" Nawala ang ngiti ni Chamsey kaya tatawa-tawa akong napatingin sa kanya.
Sa huli ay wala ding nagawa si sir kundi gawin akong partner ni Jarri. Ngayon ko lang din na realize--wow english hahahaha. Ngayon ko lang din na realize ang kagagahang ginawa ko. Model model? Ayokong msumali sa mga ganon dahil bukod sa hindi ako pala ayos ay siga ako kung maglakad.
"Anong gagawin natin?" Namomroblemang tanong ko sa kanya dahil wala talaga akong kaalam-alam sa model na yan.
"Wait. May alam akong makakatulong satin" sabi niya at may tinawagan siya sa cellphone niya. "Solve na ang problema natin. Bukas daw ay nandito na siya" natutuwang sabi ni Jarri.
"Sino ba yun?" Tanong ko sa kaniya.
"Si........." hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang sunod-sunod na may nag text sa kaniya. "Hala! Lia...kailangan ko nang umuwi. Ihahatid nalang kita sa bahay niyo." Napabuntong hininga nalang ako at laylay balikat na sumakay sa kotse niya
BINABASA MO ANG
Mr.Popular meets Ms.Pasaway
Novela JuvenilIsang sikat na Artista si Jarri. Madaming fans, madaming tagahanga, madami ding mga insecure na basher at pinakamatino sa kanilang magbabarkada. Isa lang ang tipo niya sa babae. Iyong mahinhin, kilos prinsesa at matalino. Hindi niya alam na isang ar...