Julia's POV
"Ate!!" Napaaangat ang tingin ko sa dalawa kong kapatid na nagtatakbo papunta sakin.
"Ohh bakit??" kunot noong tanong ko.
"Ate...pwede mo po ba kaming ibili ng bagong sapatos?? Tatlong taon na namin gamit yung sapatos namin." Sabi ni Jenny. Ang sumunod sakin. 1st year highschool na siya.
"Sige na po ate. Pinagtatawanan ako ng mga kaklase ko kasi lumang luma na po yung sapatos ko" sabi naman ni Jona. Ang bunso naming kapatid.
"Sige. Ibibili ko kayo ng bagong sapatos" ngiting tagumpay naman ang dalawa.
"Yeheyyyyy---"
"Pero..." napatigil sila sa pagsasaya. "Wag niyong pasasakitin ang ulo ni nanay ahhh"
"Opo ate!! Thank you po!!" Niyakap ako ng dalawa atsaka sila pumasok sa loob ng bahay para gawin ang assignments nila. Napatingin ako sa sapatos ko na sira-sira at luma na. Pinigilan kong maiyak dahil sa kalagayan namin. Alam kong kaya kong malampasan iyon at kailangan kong kayanin. Pumasok na ako sa loob ng bahay para magpalit dahil may dalawang trabaho pa ako. Kailangan kong magtrabaho para matustusan ang mga pangangailangan ng kapatid ko.
"Anak...." nakita ko si nanay na nakahiga sa banig niya. Lumapit ako sa kaniya para magmano. "Sorry anak ahhh....imbis na intindihin mo nalang ang pag-aaral mo, kumakayod ka pa para pakainin kami ng mga kapatid mo." Iniwas ko ang paningin ko kay nanay dahil di ko kayang makitang umiiyak siya. Simula kasi nung nalumpo siya...ako na ang nagtataguyod sa kanila. Naaksidente kasi siya dati habang namamasyal kaming dalawa.
"Di mo kasalanan yun 'nay. Okay pa naman po ako atsaka kayang-kaya ko to" nakangiting sabi ko kay nanay atsaka ako pumunta sa kwarto ko para magpalit ng damit.
Nag-uurong ako sa karinderya ni Aling Nena tuwing 6 hanggang 9 pm at nag w-waiter naman ako sa isang fastfood chain na pagmamay-ari ng pamilya ni Liam tuwing 9pm hanggang 12am pero dahil kailangan kong ibili ng bagong sapatos ang mga kapatid ko....mag o-over time ako. 400 kada araw ang sahod ko sa pag w-waiter at kung mag o-overtime ako...600 at 130 naman sa pag-uurong. Kailangan kong pagkasyahin ang kikitain ko sa pambaon, pagkain at mga kakailanganin naming magkapatid. Walang nakakaalam ng kalagayan ko maliban sa mga kaibigan ko at kay Liam
Pagkatapos kong magtrabaho ay bumili nalang ako ng dalawang skyflakes sa tindahan malapit sa bahay namin dahil hindi pa ako nag-aalmusal,tanghalian at hapunan dahil kung kakain pa ako...mas lalo lang lalala yung gastos.
Teka...puro kadramahan na. Magpapakilala muna ako. Ako si Julia Mae Tamayo. 15 years old na ako. Maganda daw ako sabi nila pero wala naman akong pakealam sa kagandahan na yan. Half filipino at half american ako dahil amerikano ang tatay ko. Anak ako ni nanay sa isang pagkakamali pero buti nalang....hindi iba ang turing niya sakin. Sila Jenny at Jona naman ay anak ni nanay sa boyfriend niya dati na iniwan din siya kaya ayon siya ang bumubuhay saming tatlo.....DATI.
*kinabukasan*
'6:30am'
Agad akong kumilos at inasikaso ang mga kapatid ko. Nagpirito ako ng dalawang itlog at sinangag ko ang tira nilang kanin kahapon.
"Jenny!!! Jona!! Kumain na kayo!!" Lumabas sila sa kwarto namin at pumunta sa mesa.
"Anak" napalingon ako kay nanay. "Nabalitaan ko sa mga kaklase mo na ang baba mo daw sa mga test niyo" napabuntong hininga nalang ako sa sinabi ni nanay.
"Sorry po 'nay. Babawi nalang po ako." Sorry po. Wala na po kasi akong time na mag review kasi po nagtatrabaho ako.
"Ate. Bakit di ka pa kumakain??" Nginitian ko nalang si Jenny.
"Kumain na ako kagabi. Di pa ako gutom" sagot ko nalang sa kaniya.
"Ate...okay lang po kahit wag mo na kami ibili ng bagong sapatos." Agad akong umiling sa sinabi ni Jona.
"Ibibili ko na kayo atsaka may pambili na ako" agad na sabi ko at nakita ko naman ang saya sa mata nila. Okay na yun. Makita ko lang yung mga ngiti nila okay na ako.
Bago ako umalis ay kinuha ko sa drawer ko ang tatlong daan na ipon ko. Ipangbibili ko sana to ng bagong bag pero wag nalang. Tatagal pa naman siguro tong bag ko
Pagkapasok ko sa school ay ayon nanaman ang mga barkada kong naghihintay sakin sa room.
"Ano ba yan! Nakakasira naman ng umaga yung babaeng yan"
"Hindi naman siya mukhang estudyante"
"Bakit ba kasi dito pa nag-aral yan??"
Naglakad lang ako hanggang sa may nakita akong bato at sinipa ko ito. Masyadong malakas ang pagkakasipa ko dahil doon binunton ang inis ko.
"Sino ang sumipa ng bato!!" Patay! Si Ma'am Gabriella. Natamaan ko siya ng bato. Hala galit na galit siya. Nakatingin sakin lahat ng estudyante na nandoon hanggang sa makita ko si Buknoy na papalapit na.
"S-si Buknoy po!!" Sigaw ko sabay turo kay Buknoy na walang kaalam-alam sa pangyayari. Napatingin siya sakin at pinakita ko ang kamao ko sa kaniya.
"Hehehehehe sorry po ma'am" napipilitang sabi niya.
"Ang sorry?? Pumunta ka mamaya sa principal's office!!" Sigaw niya sabay alis. Pagkapasok ko sa room ay agad akong umupo sa upuan ko. Wala pa pala si lalake (Jarri). Nakaramdam ako ng antok kaya natulog muna ako.
"Psst" nagising ako sa pag-uga sakin ng katabi ko kaya inis ko siyang tinignan. "May quiz daw tayo mamaya. Mag review ka na"
Kinuha ko ang notebook ko ng maalala kong wala nga pala akong lecture. "Psst lalake" tawag ko sa katabi ko at kunot noo niya naman akong tinignan.
"What did you just call me??" Luh?? Di ko siya maintindihan huhuhuhu
"Julia Mae Tamayo" nasagot ko nalang. Tinatanong niya ata yung pangalan ko.
"What?? Are you stupid??" Huh?? Ano daw??
"15 years old" sagot ko. OMG feeling ko ma n-nose blade ako. Tama ba?? Nose blade yun diba?
"Tss" inis siyang tumalikod sakin. Hala paano na ako neto??
Dumating na ang subject teacher namin sa A.P. at pinamigay na niya yung sasagutan namin. Hala ano to?? Bakit may mga flag?? Flag lang ng philippines ang alam ko huhuhuhuhu. Hala bakit may ganto?? Bakit kailangan pang ilagay kung ano yung simbolo ng mga kulay?? Grabe naman si sir.
"Psst Kokey pakopya nga" bulong ko sa isa ko pang katabi. Di ko kasi alam pangalan niya atsaka kamukha niya naman si kokey
"Boss nangungulelat nga din ako ehh" napasimangot naman ako sa sinabi niya.
"Lalabas muna ako saglit ahh. WALANG MAGKOKOPYAHAN!" Sabi ni sir. Kingina sumasakit ang ulo ko. Wala pa namang akong kain. Hala bakit umiikot yung paligid ko?? Taena nahihilo ako.
Inuga-uga ko yung ulo ko at ramdam ko ang panghihina ko. Kaya pa to.
"Ok ka lang?? Namumutla ka" ano ba yan lalong sumasakit yung ulo ko.
"Ok la---" di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil dire-diretsyo na akong bumagsak sa sahig.
BINABASA MO ANG
Mr.Popular meets Ms.Pasaway
Teen FictionIsang sikat na Artista si Jarri. Madaming fans, madaming tagahanga, madami ding mga insecure na basher at pinakamatino sa kanilang magbabarkada. Isa lang ang tipo niya sa babae. Iyong mahinhin, kilos prinsesa at matalino. Hindi niya alam na isang ar...