Jarri's POV
Buhat ko ngayon si Lia papuntang clinic. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga students at nagbubulungan pa sila.
Nang makarating kami sa clinic ay agad kong ihiniga doon si Lia. Wala pang nag-aasikaso sa kaniya kaya ako na gagawa. Tumakbo ako papuntang canteen para kumuha ng yelo. Medyo natagalan ako dahil sa mga estudyanteng pinagkakaguluhan ako. Pagbalik ko ay agad kong kinuha ang bimpo at yelo. Ginawa ko iyong cold compress. Dahan-dahan ko iyong idinampi sa mga pasa niya.
Tinitigan ko siya habang wala siyang malay. Nakakaguilty tuloy. Di ko naman kasi alam na pwede kang mahimatay ng dahil lang sa tests. Dapat pala pinahiram ko na sa kaniya yung notes ko o kaya pinakopya ko nalang siya.
Ilang oras ko pa siyang hinintay na magising pero di pa rin talaga siya nagigising kaya binuhat ko siya ulit at dinala siya sa kotse. Saktong pagkahiga ko sa kaniya sa kotse ay lumaylay ang kamay niya at doon ko lang nakita ang sugat niyang nakabuka kaya tuloy tuloy na tumutulo ang dugo. Mas binilisan ko ang pag drive papuntang ospital.
Pagdating ko ng ospital ay inasikaso siya ng mga doktor at ako ay bumaba muna para bumili ng pagkain niya.
Pagkapasok ko sa kwarto niya at binantayan ko lang siya. Ang ganda niya talaga. Sayang lang at pasaway siya. Naalala ko tuloy yung nangyari sa canteen noong nakaraan. Siksikan kami non sa canteen at medyo magkadikit na kami. Nakita ko kung paano siyang magpalibre sa mga schoolmates namin. Kinokonyatan niya pa kapag di sila nagbibigay. Mahilig din siyang tumambay sa corridor para mamatid ng mga schoolmates namin.
"Hhmmmmm....." dahan-dahang dumilat ang mga mata niya at napalingon siya sakin. Nagulat ako ng bumalikwas siya ng bangon. "Anong nangyari sakin?? Nasa ospital ba ako??" Nag-aalalang tanong niya.
"Hinimatay ka kanina. Dahil siguro sa hirap ng exams.." naiiwas ko ang paningin ko sa kaniya. "..at oo. Nasa ospital ka" agad siyang napatingin sakin.
"Ha?!! Bakit dito mo ako dinala?? W-wala akong pambayad!! Atsaka may trabaho pa ako!--" nanlaki ang mga mata niya at agad na napatakip sa bibig niya na para bang may mali siyang nasabi.
"Kung doon sa pambayad ang problema mo, ako ang magbabayad! Kumain ka nalang diyan." Napilitan siyang kumain. Napakunot ang noo ko ng makitang napakabilis niyang kumain. "Nagtatrabaho ka na pala??" Pagtatanong ko sa kaniya.
"Oo. Wag kong ipagkakalat ahh. Ikaw lang ang nakakaalam non" napangiti ako sa kaniya. Ang cute niya pala kapag nag p-pout.
"Ganito nalang....ipapahiram ko sayo yung notes ko at tutulungan kitang mag review para makapasa ka. Nakakaguilty kasi yung nangyari kanina ehh"
"Huh?? O sige kung ayon yung gusto mo." Ngumiti siya sakin. "Nga pala....bakit nakasumbrero at face mask ka?? Anong meron??" Takang tanong niya.
"Tss....sikat na artista at model ako diba?? Gusto mo bang kuyugin tayo ng mga fans ko dito?" Sarkastikong tanong ko sa kaniya at dahan-dahan naman siyang umiling. Napatigil ako ng may maalala ako. Di ko pa pala natatawag yung doktor!!
Maya-maya lang ay dumating ang doktor at may kung ano-anong tinanong kay Lia. Di na ako nakapakinig dahil tinatadtad na ako ng messages ni Sydney. Nangangamusta siya sa mga nangyayari at hirap na hirap akong gumawa ng kwento dahil di ko kayang magsinungaling sa kaniya---
"HUY!! Jowa mo??" Nakangising tanong niya.
"Wala na pala yung doktor" iniiwasan kong pag-usapan si Sydney dahil nai-stress lang ako lalo. Bwisit naman kasi sila Andy ehh. "Hatid na kita sa inyo" siya naman ang napaiwas ng tingin sakin.
"W-wag na"
"Ihahatid na kita" pagpipilit ko pa kaya wala na siyang nagawa kundi pumayag. Dumaan muna ako sa isang restaurant at bumili ng pagkain para sa kanila.
"T-tama na yan. Ang dami naman niyan" nahihiyang sabi niya.
"Tss. Simula ngayon, magkaibigan na tayo kaya wag ka ng mahiya sakin"
"Ha?! Magkaibigan?!" Nagugulat na tanong niya kaya tumango ako sa kaniya.
"D-dito nalang" huminto kami sa paglalakad ng marating namin ang isang maliit na bahay. Oo! Naglakad lang kami. Malapit lang naman ang ospital dito ehh.
Gabi na pero kanina ko pa napansin yung mga kapit-bahay nilang nagbubulungan habang nakatingin samin.
"Nay!! Nandito na po ako!!" Pumasok siya sa loob at sumunod naman ako. Pumunta siya sa isang kwarto at nakita ko ang isang babaeng nakahiga sa parang kumot na....na....ewan!! Di ko alam kung anong tawag dun.
"Anak bakit ngayon ka lang??"
"Gumawa po kasi kami ng project" napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Siguro ay ayaw niya lang na pag-alalahin ang mama niya.
"Ano? Anak may lagnat ka ba? Diba di ka naman gumagawa ng project??" Di ko na mapigilang matawa sa sinabi ng mama niya. Napatingin sakin ang mama niya at ibinalik nito ang paningin kay Lia. "Boyfriend mo??" Tanong ng mama niya.
"A-ahhhh friend ko po si Lia" nakangiting sagot ko.
"Ayy sorry ahh. Ngayon lang kasi siya nagdala ng ibang kaibigan dito bukod doon sa anim ehh"
"Nako wala po yun"
"Ate!! Ate!! Satin ba tong mga pagka--" napatingin sakin ang dalawang babae. "--in. Hello kuya!! Boyfriend ka ni ate??" Tanong nung maliit.
"Jona!!" So...Jona pala ang pangalan niya.
"Sorry ate Julia. Akala ko kasi boyfriend mo siya." Nakayukong sabi neto.
"O siya sige. Kumain na tayo." Patakbong pumunta sa lamesa yung mga kapatid niya at napalingon ako kay Lia na sinusubukang buhatin ang mama niya.
"Ako na diyan."
"Salamat" nakangiting sabi niya at pumunta na kami sa lamesa.
Nang kumain na kami ay sarap na sarap ang mga kapatid niya sa pagkain. Madaming sumobrang pagkain dahil mahina lang pala silang kumain.
"Ate salamat pala sa sapatos na binili mo samin ahh. Good night" sabi ni Jenny kay Lia bago kami lumabas ng bahay nila.
"Lalake....salamat nga pala ahh" ngingiti na sana ako pero napasimangot ako sa tawag niya sakin.
"Jarri (jey-ri). Jarri ang pangalan ko" di ko alam kung bakit Jarri ang sinabi ko sa kaniya gayong mga importante lang sakin ang pwedeng gumamit non..
"A-ahhhh salamat Jarri" nakayukong sabi niya at napangiti naman ako dahil nakita kong naka pout siya.
Nakangiti lang ako hanggang sa makauwi ako sa bahay. Naligo agad ako at humuga sa kama ko pagkatapos. Natigil lang ang kasiyahan ko ng.....
*Ring!!! Ring!!! Ring!!!*
...tumawag si Sydney
BINABASA MO ANG
Mr.Popular meets Ms.Pasaway
Teen FictionIsang sikat na Artista si Jarri. Madaming fans, madaming tagahanga, madami ding mga insecure na basher at pinakamatino sa kanilang magbabarkada. Isa lang ang tipo niya sa babae. Iyong mahinhin, kilos prinsesa at matalino. Hindi niya alam na isang ar...