Chapter 12

58 2 0
                                    

Julia's POV




"Napakagaling nga ni Ate eh. Nangulelat yung mga mukhang unggoy na kalaban niya." Masayang kwento ni Jenny kay nanay. Kanina pa yan. Proud na proud sakin.

"Jenny kailan pa kita tinuruan na manlait ng kapwa mo?" Natahimik nalang din ako sa sinabi ni nanay. Natatamaan kasi ako ehh. Medyo lang naman.

"Sorry 'nay"

"Magsitulog na kayo" agad naman silang sumunod kay nanay. Lumapit ako kay nanay at iniabot sa kaniya ang 3000 pesos na napanalunan ko. "Ano yan?"

"Napanalunan ko po to 'nay. Sa inyo nalang po"

"Sa'yo yan kaya itabi mo. Gamitin mo kapag may kailangan ka"

"Hindi po 'nay ok pa naman po ako kasi may ipon pa ako" sabi ko at pilit na inaabot kay nanay ang pera.

"Ay! Pag sinabi kong itabi mo, itabi mo. Sige na" wala na akong nagawa kaya itinabi ko nalang ang pera. Sa ngayon ay madami-dami na akong ipon dahil 5000 pesos kada linggo ang sinusweldo ko. 2500 lang ang nagagastos namin sa isang linggo at nakakakain pa kaming lahat non. Ang 2500 na natira ay sa akin napupunta. Minsan ay nabibigyan ko na ng pang project sila Jenny at Jona. Madalas naman ay hindi ko nagagastos ang baon ko dahil panay ang paglibre sa'kin ni Jarri. Ewan ko ba doon! Lagi nalang akong nililibre.

Ilang minuto na ang nakakalipas pero hindi pa rin ako makatulog kaya inilabas ko na ang phone ko. May load na pala to. Ang galing lang hahahahaha. 1000 pesos pa daw ang ipinaload ni Ate Sydney dito. Di ko lang alam kung kailan mawawala pero makakatulong na rin to sa paggawa ko ng mga projects at assignments. Dati kasi ay pumupunta pa ako sa computer shop para lang mag search pero dahil may trabaho ako ay hindi nalang ako gumagawa ng projects at assignments.

'Ano kayang magandang panoorin?'

Nag scroll-scroll lang ako sa youtube hanggang sa makita ko ang isang video doon. "Paano mo malalaman kung crush ka ng crush mo?" Mahinang basa ko. Wala sa sarili ko iyong pinindot.

Pagkatapos kong mapanood ang video ay lalong hindi ako nakatulog. Lahat ba naman kasi ng binanggit ni kuya na nasa video ay ginagawa ko kay Jarri. "Hala! Halata na pala ako masyado huhuhuhu" halos maluha na ako sa katangahan ko.

Pinagpatuloy ko lang ang pagnood sa youtube hanggang sa wala na akong mapanood. Napangiti ako ng maisip ko ang pwede kong mapanood. "James Harrison funny moments" bulong ko habang nag t-type. Pigil na pigil ako sa pagtawa habang pinapanood ang usang video niya. Ang dami niya epic fails. Meron yung tumaob siya sa upuan, natisod siya, nahuling nangungulangot at nadulas sa putikan. Tatawa-tawa ko iyong sinave sa phone ko at sa google naman ako nag search. James Harrison Reyes memes. Nakakagat ko na ang unan ko sa katatawa dahil mukhang monggoloid yung itsura niya. Merong nakanganga siya, may piture pa siyang parang iiyak na siya. Isa-isa kong ini-screen shot 'yon. Kung ano-ano pang ginawa kong pag s-search sa pagmumukha niya.

"Ate, bakit ngiti ka ng ngiti diyan?" Napaigtad ako dahil sa biglang pagsulpot ni Jona.

"Bakit gising ka pa?" Kunot-noong tanong ko sa kaniya.

"Huh? Eh malamang umaga na" bigla akong napabangon at napatingin sa orasan.

'5:35 am????!!!'

"Ah hhehehehehe sige na. Maghilamos na kayo doon at magluluto na ako ng almusal" nahawakan ko nalang ang batok ko at kinusot ang mata ko habang humimikab pa. "Ngayon lang ako nakapagpuyat ng gan'to ahh" nakangusong bulong ko.

Tumayo na ako at naghilamos na rin at nag sepilyo. Pagkatapos noon ay lumapit ako sa isang kahon kung nasaan ang grocery namin. Nakss improving ang lola mo may pa grocery pa pero tinapay, de lata at noodles lang ang laman niyan hahahahahaha.

Kumuha ako ng apat na pancit canton at iniluto ko iyon. "Jona ikaw ang magsaing. Jenny lumayo ka dito at baka hikain ka nanaman!" Jusko! Naiistress ang beauty ko sa inyo!

Nag prito din ako ng apat na itlog at kinuha ang isang balot ng tasty bread. Magbabayad nga pala ako ng kuryente. Maliit lang naman ang bill namin dahil electricfan lang ang gamit namin at ilaw. Yung tubig din ay hindi gaanong kalaki dahil hindi naman sila aksayado sa tubig. Pero nadagdagan pa rin ng bente yung bill namin kumpara noong nakaraang buwan. Hmmpp makikiligo na nga lang ako sa bahay ni Jarri mamaya.

Naligo na ako at sinuot ko ang shorts ko na kulay dark blue at ang puting t shirt. Ipinusod ko nalang ang buhok ko ng isang pusod lang dahil ang init dito sa bahay. Ilang oras pa akong nanatili sa bahay. Wala akong ginawa kundi makipagkwentuhan kay nanay. "Balita ko...kumanta ka daw noong nag pageant kayo?" Napayuko nalang ako. "Okay ka lang ba?" Nag-angat ako ng tingin at pinilit kong ngumiti.

"Opo naman 'nay!" Pilit kong pinasigla ang boses ko. "Syempre talent ko yun ehh a-atsaka matagal na akong hindi nakakakanta" pakiramdam ko ay biglang naging ngiwi yung ngiti ko kanina. Nakita ko nanaman ang nag-aalalang tingin ni nanay. "May pupuntahan nga po pala ako 'nay. Si Jenny na po ang bahala sa inyo. Iniwan ko na sa kaniya yung pambili ng ulam. Yung tirang kanin po ipasangag niyo nalang kay Jona. Wag niyo pong hahayaang si Jenny ang magluto dahil may hika yun." Tumango nalang si nanay kaya lumabas na ako sa bahay at ibinulsa ko ang Cellphone ko. Tignan ko lang kung ma dekwat pa 'to. Pag dinekwat nila 'to, dedekwatin ko mata nila.



















































































Mr.Popular meets Ms.PasawayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon