Chapter 15

59 2 0
                                    

Julia's POV

"Liam pakain ka naman diyan oh!" Biglang sabi ni Danny kaya kanya-kanyang sang-ayunan ang iba.



"Oo nga Liam!"


"Pagkain! Pagkain! Pagkain!"



Tumawa si Liam atsaka siya tumango. "Bakit hindi? Tara na!" Masaya kaming naglakad sa kalsada. Wala tigil ang tawa namin lalo na kapag nantitrip sila Kier.

Napahinto kami sa paglalakad dahil may nakita kaming nagsusuntukan sa may tabi ng kalsada.


"Paano ba gagawin natin diyan boss?"

"Oo nga boss. Sasali na ba kami?"

"Tss edi manonood! Di naman natin gulo yan ehh"




Lumapit kami sa dalawang lalaking nagsusuntukan. Natawa ako nung suntukin nung lalaking naka yellow yung lalaking naka red kaya natumba siya. Inis na napatingin sakin yung lalaking naka red at tinaasan ko lang siya ng kilay. "Payag ka ba nun? Sinuntok ka bigla? Ano uupo ka lang diyan?" Dahil sa sinabi ko ay bumangon yung naka red at tinadyakan yung naka yellow at mas lalong lumala ang gulo.




Humalagapak ako ng tawa nung mangudngud yung naka yellow at humalik ang labi niya a lupa. Ang epic men hahahahahahah. Inis akong tinignan nung nakayellow at bigla nalang siyang sumugod sakin. Di ko na siya napigilan nung suntukin niya ako at pumutok ang labi ko. Nginisihan ko nalang siya at mukhang naasar siya dahil umakto akong hindi nasasaktan kahit sa totoo lang ay gusto ko ng ngumawa sa sakit. Kinginang yan ang lakas manuntok---





"Gago ka ah!" Biglang sumugod si Liam at sinapak yung nakayellow.


"Putang'na mo wala kang karapatang saktan yung boss namin!" Si Jc naman ang sumugod doon sa naka yellow



"Hayop ka sisiguraduhin kong manghihiram ka ng mukha sa aso hinayupak ka" si Kier naman ang sumugod at pinagtulungan na nga nila yung naka yellow.






"Tss tigilan niya na yan. Tara na gutom na ako." Tumigil na sila sa pagbugbog sa lalaki at ngumiti sila ng humarap sila sakin. Mga monggoloyd talaga yan kaya ganyan sila umasta.



Nang makarating kami sa resto na pagmamay-ari ni Liam ay kaniya-kaniyang pa cute ang mga babae sa paligid. Nakita kong siniko ng babaeng mataba yung babaeng katabi niya na nagpapa cute din sa mga kaibigan ko.




"Gaga ka baka masapak ka niyan bigla kapag na bwisit yan sa mukha mo. Di mo ba alam na kinatatakutan sila at lagi silang nasasama sa mga gulo?" rinig kong bulong nung babaeng mataba. Lumapit ako sa kaniya at tinignan ko siya mula ulo mukhang kuko----este mula ulo mukhang paa---ay mula ulo hanggang paa. Hmm halatang bago lang siya dito. Mukhang di niya ako kilala ehh. Pagkatingin ko sa mukha nung babaeng mataba ay nakataas ang kilay niya sakin. Taasan ko na din sana siya ng kilay ng makita ko ang ilong niya na napakalaki ng butas. Sa takot kong baka mahigop ako ng ilong niya ay hindi ko na tinuloy. "Anong kailangan mo?" mataray na tanong niya. Nakita kong sinaway at siniko siya ng katabi niya pero ayaw niyang paawat.




"Wag mo akong masungitan taba. Natatakam pa naman ako sa lechon. Baka ipaluto kita diyan bigla sige ka" halos umusok ang ilong ni taba at mas lalo akong natakot. Baka mahigop nalang ako bigla ng ilong niya.




"Sino ka ba? Hah?" Nakakailang sitsit at siko na ang nakuha niya sa katabi niya pero ayaw niyang paawat.





"She's my girlfriend. May problema ka ba doon?" Nakapulupot na ngayon ang braso ni Liam sa bewang ko at namumutla naman si tabs.




Mr.Popular meets Ms.PasawayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon