I'M INLOVE WITH MY MAID?
written by xmiddle
Simula
"Sure kana ba talaga sa disisyon mo?".- tanong sakin ng kaibigan kong si Hasmaira.
Bumuntong hininga ako at inayos ang mga bagahe ko. At saka tumingin sa kanya na malungkot ang mukha. Mamimiss ko talaga ang taong to.
"Malamang, kita mo na nga oh?".- sinubukan kong magbiro. Pero ganun parin itsura nya. Walang nagbago.
"Kailangan ko kasing gawin to. para makaipon, alam mo na. tsaka Bihira lang kaya to."
"Sabagay.. ingat ka sa maynila ah? Tawagan mo 'ko kapag makadating kana dun".
"Oo naman best, ikaw pa"
"Oh..eh sinabi na ba ni aling seldah yung address na tutuluyan mo?"- tukoy nya sa taong nagbigay sakin ng trabaho. na nakilala ko sa facebook. nagpost kasi ako na naghahanap ng trabaho tas biglang may nagchat sakin, si aling seldah na kailangan daw ng amo nya ng yaya. At syempre pumayag ako. Sino ba naman ako para tumanggi.
"Ah Oo."
"Ngayon lang tayo malalayo ng ganito".- nakasimangot nyang sabi. Simula bata pa kasi kami hindi pa kami nagkalayo, ngayon lang talaga.
"Oo nga. Babalik din naman ako pag makaipon na ko eh".
" talaga, eh baka nga kalimutan mo ko kapag maayos na pamumuhay mo dun."- agad na lumaki ang mata ko sa sinabi nya. tck.
"Huy.. wag mo nga sabihin yan. Diko magagawa yun noh!".
"Osya, sige na... baka magalit magiging amo mo nyan. Kapag nagtagal ka pa".
" mabuti pa nga. bye.. alis nako, ingat kayo dito nila antie ha bye!"- sabi ko habang naglalakad patungo sa sumundo sakin. hindi ko na narinig pa ang ibang sinabi ni Has dahil sa pagmamadali. Kumakaway kasi sakin ang driver na para bang pinapabilis ako.
"tagal mo naman iha! Kanina pa tumatawag sakin si Seldah."-ani mamang driver.
"ay pasensya na po kuya, hehe".- habang napapakamot ng ulo.
" osya, sumakay kana".- agad akong tumalima sa sinabi ni kuya. Mukha kasing problemado. Hala baka mapagalitan sya o kami.
Bago kami makaalis ni kuya. Nilabas ko ang kamay ko para kumaway sa kaibigan ko. Bigla kong nabawi agad ang kamay ko dahil sa biglang pagharurot ng kotse. Ampt. Grabe naman si kuya tsk tsk.
Habang bumibyahe kami. Bigla kong naisip ang kaibigan ko. Si Hasmaira. Sya at ng nanay nya ang bumuhay sakin simula ng mamatay ang mga magulang ko at ng masunog ang bahay namin. sobrang pasasalamat ko sa kanila dahil pinatuloy nila ako sa bahay nila. Nung una, nahihiya pa ko dahil Muslim sila. Oo muslim. Muslim ang kaibigan kong si Has. At kaya tinanggap ko ang trabahong to ay dahil din sa kanila. Gusto kong makatulong sa kanila para masuklian ko ang kabutihan nila.
YOU ARE READING
I'm in Love with My Maid [On-going]
Подростковая литератураAng isang katulong ba'y, posible bang mapa-ibig ang amo nyang lalake na ubod ng sunget, tamad, walang ibang alam kun'di ang pag-aaral, at higit sa lahat, siya'y isang sobrang inosente. Posible bang magbago ang kanyang estilo at pananaw? Dahil sa ka...