Sorry readers natagalan. Babawi ako. Promise. Thankyou, na appreciate ko pagtiya-tiyaga mo:>
•zia's POV•
Nagising ako ng maramdaman sa mukha ko ang sinag ng araw. Umaga na pala. Tamad na kinuha ko ang orasan at tinignan kung ano na ang oras. Napatampal na lang ako sa nuo ng makitang 10:30 am na. inis na binato ko iyon at saka binali-bali isa-isa ang mga daliri ko para mabuhay ang dugo ko. Nag-unat-unat pa ako at saka nag-tumbling. ganyan ako bumangon sa umaga pag-tinatamad hehe. Kumuha ako ng twalya at dumiretso ng Banyo. ng matapus ako maligo lumabas ako ng nakapulupot sa katawan ko ang tuwalya.
inis na tumayo ako ng matapakan ang orasan dahilan para matumba ako. Kahit kailan talaga bwisit to. saka ko ito sinipa hindi ko alam kung saan ito napunta bahala na. ng matapus ako magbihis lumabas na ako para ipagpatuloy ang pagiging maid ko sa araw na to. tsk tama nga naman siya. Trabaho pinunta ko dito sa maynila hindi ang luman- haysst peste hindi naman ako lumalandi ah. Mas lalo akong nainis ng maalala ang mga sinabi niya na hindi ko matanggap. Hindi naman kami nagdate ni mr.cute ah tinulungan pa nga ako.
_Flashback_
"Zia!"
Natigilan ako at mabilis na lumingon sa gawi ng tumawag sa pangalan ko. Kumuno't ang nuo ko ng wala namang akong nakikitang tao kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad--
"Zia!"
Natigilan ako ulit at saka napaisip. Nilingon ko ulit iyon at this time may tao na kong nakita di kalayuan saakin. Lumingon lingon muna ako baka kasi may kapareho ako ng pangalan dito mahirap na. Ngumiti siya saakin at saka ko lang nakilala ng nasa harap ko na siya. Nagpapacute.
"Hi"nahihiyang sabi ko dahil pinasadahan nya ako ng tingin. Baka akala nya madumi ako magdamit. Kababaeng tao ko. Kase naman.
"Bakit ang dumi ng damit mo?"tanong nya. Nag-iwas ako ng tingin saka siya ulit sinagot.
"Nadapa kasi ako kanina"pagsisinungaling ko. "ikaw, ano ginagawa mo dito?"
"Pupunta sana ako sa cinehan para manuod. Then nakita kita rito"sabi nya. Nagtaas ang kilay ko ng pasadahan nya ng palad ang buhok nya. Nagpapa-gwapo? tsk.
"Ah talaga. Gusto ko din sana pumunta dun kaya lang nadumihan ang shirt ko."malungkot kong sabi saka pinag-pagan ang damit ko na animo'y maaalis sa pamamagitan nun. "Ah.. wala kana bang sasabihin saking importante... uuwi na kasi ak--" hindi ko natapus ang sasabihin ko ng bigla nya akong hilahin. Lakad-takbo ginawa namin at namalayan ko na lang nasa loob na kami ng kotse.
"Woi, ba't mo 'ko hinila at bakit nandito tayo sa kotse--"naguguluhang tanong ko. Hindi ko pa siya kilala kaya mas mainam ng mag-ingat sa lalakeng to.
"Hehe! Nakita ko kasi parents ko kanina kaya nahila kita hehe sorry na"nakapout na sabi nya. "Oh, eh ano naman sa tungkol sa parents mo?"nakataas ang kilay na sabi ko. hindi naman nya malaman kung pano sasabihin. "K-kasi... haysst. Bawal ko kasing gamitin tong kotse!"naiintindihan ko siya. Pinagbabawalan siyang gamitin tong kotse. Pero bakit?
"Bakit ka naninigaw? Sa harap mo lang ako oh"inirapan ko siya saka umayos umupo. Napakamot siya ng ulo saka ngumiti. "Hehe sorry naman. Eto na lang, manunuod tayo ng palabas. Balita ko kathniel ang ipapalabas--"
"Talaga? Wahh! Gusto kong manuod kaya lang ang dumi ng damit ko"tinignan nya ako at saka ngumisi.
Eh.
_***_
"5k!?"gulat na tanong ko habang sinusuri ng mariin ang hawak kong damit. Dark green ang kulay nito. At sino namang di magugulat ha? 5k daw halaga nitong isang shirt na to? Oo maganda at Makapal yung tela nitong damit kaso lang ba't ang mahal naman. Dun samin 300 lang na t'shirt lumuluwa na mga mata namin ng bestfriend ko dahil ang mahal mahal eto pa kaya? Omaygudness!
YOU ARE READING
I'm in Love with My Maid [On-going]
Teen FictionAng isang katulong ba'y, posible bang mapa-ibig ang amo nyang lalake na ubod ng sunget, tamad, walang ibang alam kun'di ang pag-aaral, at higit sa lahat, siya'y isang sobrang inosente. Posible bang magbago ang kanyang estilo at pananaw? Dahil sa ka...