Kabanata 3

497 19 1
                                    

•Zavier's POV•

sinundan ko siyang pumasok ng bahay at Dumiretso siya sa kwarto nya. Pumunta muna ako sa kusina para uminom ng tubig. kailangan kong maka usap ang babaeng yun. Basta ko na lang nilapag ang basong walang laman sa lamesa at pumunta ng kwarto nya. Napansin kong nakaawang pinto nya kaya napangisi ako. Pumasok ako at tinawag-tawag ang walang kwenta nyang pangalan para sakin.

"Hoy, katulong ko!"medyo malakas na pagtawag ko ulit ng hindi siya sumagot ng tinawag ko siya sa pangalan. Kumunot ang noo ko ng hindi parin siya sumagot. Dito ko siyang nakitang pumasok kanina kaya imposibleng... ah baka umalis siya nung dumaan ako sa kusina?

Nagbakasali ako kung nasa Cr ba siya kahit alam ko naman wala akong makikitang tao sa loob. Kaya padabog kong binuksan ang pinto at napagtanto kong wala ngang tao dahil di ito nakalock. pero pumasok ako parin ako para tignan ang buong cr ng mapagtanto kong mali pala ang lahat ng hinala ko.

Hindi ako nakagalaw at nanigas ako sa kinatatayuan ko ng may makita akong babaeng walang saplot. Gulat din siyang nakatitig sakin saka uli siyang natauhan at agad agad tinatakpan ang dapat takpan. Nagpalit palit ang kamay nya na para bang hindi nya malaman kung saan ang dapat takpan. Tatagilid siya na animo'y tatalikod o haharap na lang. Tinakpan ko ang mata ko at tumalikod sa kanya. Bigla kong naramdaman ang tingin nya sa likod ko kaya agad na 'kong umalis at padabog na sinara ang pinto.

Habol hingang lumabas ako ng kwarto nya na para bang yun palang ako nakahinga ng maluwag. Nadatnan ko si manang seldah na nagtatakang tumingin sakin. Tinitigan ako nito na para bang sinusuri ang buong katawan ko.

"Bakit pulang pula ka sir?"sumimangot ako at nag iwas ng tingin sa matanda."masakit ulo ko, kailangan ko ng gamot. iyong makakalimutan ko lahat ng nasa utak at isip ko."sabi ko at nagtuloy maglakad para makaakyat sa hagdan. "Huh?"patanong siguro yun na sambit ng matanda. Umiling iling siya at pumunta sa kwarto ni..... nevermind."at lahat ng nakita ko"dagdag ko sa sinabi ko kanina bago binuksan ang pinto ng kwarto ko.

Nilapag ko ang salamin ko sa mini table at binagsak ang sarili sa kama. Hinilot ko ang dalawang sentido ko. At tumingin sa kisame. Ang init ng nararamdaman ko. Hindi naman sa naiinitan ako. Sobra ngang malakas aircon eh. Naramdaman kong parang matigas yung ano ko.. yung ano... yung abs ko hehe. Pinagpapawisan ako sa hindi malamang dahilan. Naramdaman kong parang may ano sa tiyan ko. Hindi ko malaman kung ano yun. Habang nakatitig sa kisame bigla kong Natampal yung noo ko sa biglang pag flashback nung nakita ko kani-kanina lang. At dahil dun mas lalong nag init ang nararamdaman ko.
Di bale tatanungin ko yung kaibigan ko kung bakit nararamdaman ko to ngayon. Pero pagtatawanan nanaman ako nun. Tss.

Bumangon ako at kumuha ng twalya para maligo at para ding mawala ang kakaibang nararamdaman ko sa katawan.

*Tok! Tok! Tok!*

napalingon ako sa kumatok. Baka si manang ito. Dahil ganyan ang ugali nya kapag papasok. Di katulad nung isang yun na walang modo. Dahan dahan kong pinihit ang seradula ng pinto at nagulat ako sa nakita kong pumasok. Dahil sa gulat ko napalawak ang bukas ng pinto kaya malaya siyang pumasok. Tuloy tuloy siyang pumasok sa kwarto ko at nilapag ang tray sa table na naglalaman ng gamot at tubig . kumunot ang noo ko dahil hindi naman sigurong tanga si manang kung maglalagay siya ng maskara sa mukha at walang kwentang bagay pa.

"A-ano yan?"tanging sambit ko habang nakatingin sa nakayukong tanga na ang pangalang...... ano nga pangalan nun? Basta yung tangang katulong ko.

"Hoy, sumagot ka!"tumayo siya ng deretso at humarap sakin. Hindi ko maiwasang mapairap sa itsura nya. Bakit sa dinami-dami yang pangit na maskara pa ang napili nya. Sabagay tanga pala to.

"W-wala trip ko lang. W-wala kana bang kailangan? A-alis na 'ko."utal nyang sabi. Bakit naman tong nauutal. Napanguso ako at tumaas ang isang kilay ko. Pinipigilan kong matawa. Dahil ngayon ko lang narealize kung bakit ganyan ang itsura nya. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang kanyang kamay na nanginginig sa kaba?

I'm in Love with My Maid [On-going]Where stories live. Discover now