kabanata 6

405 17 0
                                    

"Your free now."nakangiting sabi saakin ni mam. tumango ako at pinilit ang sarili na wag tumabling sa saya sa harap niya. Binigay niya itong araw na to para makapamasyal daw ako. Diba ang saya. Woshoooo! May day off din naman ako minsan . Pero dito lang sa bahay dahil kontra yung alaga kong yun. Kaya sobrang saya ko dahil sa wakas makakalabas na ko sa naging silbing impyerno ko este sa alaga ko lang naman. Syempre anghel yung nanay niya kaya di yung kasali. Psh!

"Salamat ho mam."simpleng pasasalamat pero alam kong ramdam ni mam ang saya ko kahit diko man ipakita sa kanya.

Ngingiti ngiti akong lumakad pabalik sa kwarto ko ng biglang mapawi ang ngiti ko ng makita si zerr na nakatayo at matamang nakatingin sakin habang salubong nanaman ang kilay? Tsk. Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad at saka siya nilampasan sabay pitik ng buhok ko. Hindi ko siya nilingon ng marinig ang pagsinghal niya sa kawalan. Nagsisigaw pa ako sa sobrang tuwa at patalon talon pa ng makapasok ako sa kwarto ko. Excited na inihanda ang damit para sa susuotin ko mamaya. ng matapus ako magdamit . Pinasadahan ko ng tingin ang itsura ko sa salamin. Mula sa  malaking t'shirt na puti na tinernuhan ng pantalon na maong at puti na sapatos. May nakasabit din saaking maliit na shoulder bag na may imaheng Mukha ng panda. Ngumiti ako at kumindat sa salamin. Bago umalis. Paglabas ko ng kwarto bumungad saakin ang lalakeng hindi ko inaasahang makita.

"Are you dating with someone?"madilim na sambit nito. At saka ako pinasadaan ng tingin tsaka ngumiwi. Sasagot na sana ako ng bigla ulit siya magsalita."okay. Walang makikipag-date na ganyang ang porma"insulto nito matapus pasadaan ang suot ko. Umirap ito at umalis.

"haa!"inis na singhal ko. "Sinabi ko bang makikipag-date ako? Bwisit!"habol na sigaw ko sa likuran niyang habang pumapanhik patungo ata sa kwarto niya. Binulung ko lang yung huli baka marinig ako ni mam na ganyan ang trato ko sa anak niya.

Halos patakbo akong bumalik sa loob at tinignan ulit ang porma ko sa salamin. Ang ganda kaya ng porma ko at the same time Cute ko din kaya dito. At saka mas mabuti ng ganito ang porma, ke'sa sa mabastos diba? Diba? Hoy! Diba? Good!. Ang pangit naman ng taste ng lalakeng yun. Tsk tsk. Umiling na lang ako at mabilis na lumarga.

Mas pinili kong maglakad na lang habang papunta sa kung saan kahit pinilit nila akong pinasasakay sa kotse at ihatid daw ako ni kuyang driver. Mas gusto ko kasing ganito. Miss ko na kasing mag-laag. Para akong tanga na palingon lingon, yuyuko at saka tumingala sa mga malalaking gusali. Kahit nahihiya ako sa mga tumitingin sa akin na mga tao pinilit kong maging mahinahon at tinatak sa utak ko na. 'Hindi naman nila ako kilala' kaya pinush ko na yung galawan kong pang-bundok. Pake niyo ba! psh.

May natanaw akong malaking gusali na May daang-daang tao na labas-pasok dun.

ito na ata ang Mall?

Kinabahan ako dahil hindi ako sanay sa mga maraming tao at baka pagtawanan lang nila ang galawan kong pang-bundok. ng maisip ko yun. Agad akong lumiko ng daan at naghanap ng maliit na tindaan para sa katulad kong mahirap.

Tama! Hindi ako bagay dun...

dahil sa takot na maaring mangyare ang mga iniisip ko at sa takot na maging kahiya-hiya lang ako ay mas pinili ko na lang ang lumayo. Na tagpuan ko na lang ang sarili kong papunta sa isang park. Ang layo na ng narating ko. Umupo ako sa isang bench at saka pinagpahinga ang sarili. Nakapikit ako habang nakatingala ako sa langit na may nakakasilaw na liwanag.

"iha, gusto mo bang bumili ng ice cream?"napadilat ako at napaayos ng upo ng makita ang matandang babae na inaalok saakin ang paninda niya. Marami yun. ito yung mga paborito kong kainin dun sa lugar namin. Pero dahil sa nagtitipid ako o sa madaling salita kuripot daw ako sabi saakin ng kaibigan ko, hindi nako nakakain pa nito. Street food. Kahibahan lang may Icecream tong sa kanya. Lahat ata ng paborito ko nandito. "iha..."sambit ulit ng babaeng matanda. Natulala pala ako sa masarap niyang paninda.

"O-opo. Bibili po ako"tarantang sabi ko. Kahit na natatakot ako sa ayos ng matanda. Pinilit kong ngumiti. Kumuha ako ng icecream na may apa, limang kwek-kwek, limang hotdog at isaw, limang baso ng fishball, isang supot ng
lompia, at kung ano ano pa na makain  sa street food kung tawagin nila. Sinulit ko na dahil hindi ko alam kung mauulit pa to. Tsaka habang may pera pako. Habang abala ako sa pamimili pansin kong nakatitig at ngiti lang saakin ang matanda.

"Mabuti na lang pala at nakita't tinanong kita, iha."natigilan ako sa biglang pagsalita niya at saka siya nginitian. "Alam mo bang ikaw pa lang ang bumili saakin... at halos maubos na paninda ko dahil sayo. Salamat iha"sambit pa nito. Tinignan ko siya.

"Nako! Wala po iyon lola. Buti nga ho tinanong at nakita niyo ako. Dahil Miss ko na din kumain nito"proud kong sabi.

"At alam mo bang ikaw pa lang tumawag saakin ng lola tsaka ikaw pa lang bumili ng tindahan ko sa tagal kong pagtitinda."sambit nito na kinatigil ko sa ginagawa.

"Ano hong ibig niyong sabihin?"tanong ko at tumigil sa pagnguya.

"Sa tagal ko kasing pagtitinda dito sa maynila. Kahit isa wala pang bumili o nangahas lumapit saakin dahil nga sa itsura ko. 'Nakakatakot' daw ako"malungkot na kwento niya. Nangunot ang noo ko at sumama ang loob ko sa narinig hindi sa kay lola kung hindi sa mga taong gumawa nun.

"Tsk. hindi ka naman nakakatakot lola ah"sambit ko at pinasadahan siya ng tingin. "At feeling ko nga po ang ganda niyo at maputi. Kaya lang dahil gulo gulo lang yung buhok tsaka yung damit mo kaya ganun sila"nakangiti kong sambit. Nagulat siya at ngumiti na lang. Walang halong kaplastikan ang sinabi ko sa kanya dahil totoo naman. Kung inaayusan lang siya ng mga anak niya hindi siya magiging ganyan. Teka...

"Wag niyo pong mamasamain ah lola? Hindi po kayo inaayusan ng mga anak o anak mo?"

"Iniwan na nila ako"tipid na sagot nito na bumasag sa puso ko. Alam ko yung tinutukoy niya. Nag-iisa na siya ngayon dahil iniwan na siya ng mga anak niya. "Iniwan nila ako sa kalye, dahil wala daw akong kwentang ina"patuloy nito na lalong nagpabasag ng puso ko. Wala sa sarili akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Tuluyan na siyang humagulgol dahil sa ginawa ko. Sobrang sakit sa part ko na makitang umiiyak ang isang ina dahil lang mga anak niya. Ayaw na ayaw ko pa naman na umiiyak ang mga ina.

"P-pasensya na po kung tinanong ko pa. S-sorry po lola"nangingilid na din ang luha ko dahil bukod sa naiiyak ako kapag may makita akong umiyak ay dumagdag pa ang ayaw ko nga umiyak ang mga ina. "H-hindi intinsyong ipaalala-..."natigil ako ng magsalita siya.

"O-okay lang a-apo. Di mo kasalanan yun"sabi nya at kumalas ng yakap. "Pasensya na apo kung nadumihan ko pa damit mo"sabi pa niya ng makita ang damit kong may dumi marahil sa pagyakap ko sa kanya.

"Ayos lang po. Hindi naman ako maarte. Tsaka uuwi din ako maya maya"

"Napakabait mong bata. Pagpalain ka ng diyos, iha"nakaramdam ako ng hiya sa puri niya. Hindi kasi ako mahilig na pinupuri ako.

"Hehe"tanging na sabi ko na lang.

_***_

Magtatanghali na. Pero okay lang dahil mamayang hapon pa ako uuwi hehe. Bigla nanaman ako nalungkot  ng maalala si lola. sobra akong nasaktan sa mga nalaman kong tungkol sa kanya. Masakit yun. May nararamdaman akong galit sa mga anak niyang walang pusong iniwan lang siya sa kalye. Bakit ganun ang mga ibang tao? Bakit kapag wala ng silbe ang magulang iiwan na lang ? Hindi ba nila naiisip na kung hindi dahil sa kanila hindi sila hahantong sa mundong to? Tsk nakakainisss. Buti pa nga sila may magulang pa silang buhay. Ako nga namatay yung pareho kong magulang. Bigla kong naalala si lola na nanay ng nanay ko.

Wag mo ng isipin yan self

Tumago na lang ako sa naisip ko dahil ayaw ko ng maramdaman o maalala ang pinakamasakit na nangyare sa buong buhay ko. Ang nawala siya.

Napayuko ako ng minsang makita ako ng mga taong natatawa sa itsura ko. Napamura na lang ako ng maisip may dumi pala tong damit ko. At puti pa naman. Tsk bakit diko naalala. Plano ko pa namang manunuod ng sine ngayon. At malas lang dahil uuwi nako. Akmang tatalikod na sana ako  ng biglang may pamilyar na tumawag sakin.

"Zia!"



itutuloy....

I'm in Love with My Maid [On-going]Where stories live. Discover now