•Zavier's POV•
Nandito ako ngayon sa room. Nagdadabog, Naiiniss, Nababadtrip sa hindi malamang dahilan. inis na isiniksik ko ang mukha ko sa bag kong nakalapag sa arm chair. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Tsk.
"Mr. Siriozo?"dahan dahan kong tiningala ang guro sa harapan ko. Tsaka siya binigyan ng bored na tingin. "Does anything hurt?" Nakataas ang kilay na tanong nito sakin. Umiling na lang ako na may kasamang irap. Tsaka walang modong sinubsob ang mukha sa bag. "Okay."tanging narinig kong sabi niya. "Our topic for today is about Love..."rinig ko ang mga bulung bulungan ng mga classmate ko. Tinakpan ko ang tainga ko ng dugtungan pa ito ng prof. Kaya ayaw kong makinig ngayon dahil alam ko ng yan ang magiging topic namin.
Tsk. Anung klaseng topic yan? tuturuan kami sa pesteng 'love' na yan tapus ano.. sisirain lang ang buhay namin. Ahm. well, Yan ang pagkakaintindi ko sa love. Love is always destroy our Life, lalo na't kung sobra mo itong binuhos o binigay sa isang tao. Hindi ko namalayan na tuluyan na pala akong nakatulog.
"Pink, gisingin mo na siya"
"A-ayaw ko baka sigawan lang nya ako. ikaw na lang"
"Ikaw ang inutusan kaya sige na. Patay tayo kay dean nyan eh"
"Patay naman ako dito kay Zavier"
"Bahala ka, iiwan kita dito pag hindi mo pa siya ginising!"
"Oo na. Hintayin mo 'ko"
Akmang hahawakan na niya ako sa braso para gisingin ng magmulat ako ng isang mata. Nagulat sila at parang nakakita ng multo. Rinig ko lahat ng mga bulung bulungan nila.
"z-zavier... gigisingin ka s-sana namin. s-sabi ni dean"maya mayang sabi ng isa. Habang yung kasama niya parang nanigas na sa kinatatayuan niya habang walang kurap na tumititig sakin. Nanatili ako sa ganung posisyon bago naisipang tumayo. Nag unat unat pa ako habang salubong ang kilay. "u-una na kami hehe"sabi nya. Yung gigising ata sakin. ng makalabas sila ngayon ko lang napagtantong ako lang nasa loob ng room at hapon na ng magising ako.
Hindi man lang ako nangalay?
Wala man lang gumising sakin kanina?
Hindi ko man lang naramdaman ang gutom ko?Nagsalubong ang kilay ko sa mga halo-halong naiisip ko. lumabas nako ng room at pinabayaang bukas yun bahala sila sumara nun. Lakad-takbo ginawa ko makarating lang sa labas ng gate. Tsk. Bakit ba kasi ang layo ng gate grrrr.
Bakit kaba nagmamadali?
Natigilan ako sa pagtakbo sa biglang sinabi ng isip ko. Oo nga. Bat ba ako nagmamadali? Kahit kailan hindi ko naman inugaling magmadali, imergency man o hindi. Palabas na ko ng gate ng maaalalang kailangan ko palang pumunta sa dean. Tsk. Bahala na si lolo, bukas ko na lang siya pupuntahan.
"Sir, bago to ah"sinamaan ko ng tingin si kuya Jade (driver) ng sambitin niya iyon. Ngayon lang kasi ako nalate sa pag uwi. 4pm uwi namin at 5:50 pm na ngayon. Damn.
Pagdating namin sa bahay. Agad akong tumungo sa kwarto at pabagsak na sinalampak ko ang katawan sa kama. Pagod na pagod ako kahit wala naman ako ginawa buong araw. Nasa ganun akong posisyon ng may maalala. Kahit ayaw kong bumangon pinilit ko parin. Hindi na ako nag abalang magpalit ng damit at tamad na bumaba. Umupo ako sa isa sa mga sofa at nirelax ang batok ko sa sandalan. dumaan si manang na parang patungo sa kusina.
"Manang"mahinang tawag ko. Buti narinig niya ako. Nilingon niya ako at nakangiting lumapit.
"Oh iho, nakauwi kana pala. Anong gusto mo?"
"Where's zia? Nakauwi na ba siya"hindi ko alam kung tanung ba yun o sinabi lang. Basta hindi ko pinakitang may interes ako sa katulong yun.
"Hindi pa iho"automatic na tumaas ang kilay ko at dahan dahan tiningala si manang. "Bakit"pinilit kong wag ipakita ang inis ko. Blanko ang mukha ko at parang may kuryenteng dumaan sa katawan ko para mawala ang pagod ko. Napalitan ito ng inis. "Bakit daw ho di pa siya umuuwi?"
"Sabi niya trapik daw sa daan. Wag tayong mag-alala. Makakauwi din yun, iho"mahinahon na paliwanag ni manang. Hindi na lang ako sumagot at inis na pinikit na lang ang mata saka sumandal sa sofa. Napansin siguro ni manang na wala akong kailangan kaya umalis na siya . ilang oras ang nagdaan ng may marinig na hindi familiar na busina ng kotse. Kumunot ang nuo ko dahil ang layo ng gate tas narinig ko? Tas nagising pa ang mahimbing kong tulog. Weird.
Agad agad akong tumungo sa gate. Dahan dahan lang pagtakbo ko para hindi makagawa ng ingay. Wala sa sariling napatingin ako sa wrist watch ko at napailing iling. 7:00pm na. Patay ka saking babae ka. Nagtago ako sa isang madilim na katabi ng guard. Hindi ako napapansin ng guard dahil nga sa bukod sa madilim nakatalikod pa ito.
"Ahm.. salamat sa paghatid ah"normal lang na sinabi nito sa lalake pero bakit pakiramdam ko may kasamang landi yun? tsk.
"Haha! Wala yun. Basta ikaw."sabi naman ng lalake. Kumunot ang noo ko ng maaninag kong nakatali ang buhok nito. At parang... nagpapacute? Tsk. Para kang tanga. Gusto ko iyon isigaw. Ito namang babae . Nacu-cute'an naman ampt. Para ngang aso oh.
"Ahm. ito nga palang t'shirt"sabay turo sa suot niya pang-itaas." salamat din dito ha. Wag kang mag alala babayaran kita sa susunod"
What? Binilhan siya ng lalake ng shirt tas suot nya na ngayon?
Ngayon ko lang napansin na hindi yan yung suot nya kanina. Sa pagkakatanda ko 'puti' iyon at ngayon kulay ng shirt nya dark green na bumagay sa porma niya. Naparoll eyes ako sa puri ng utak ko. Tsk.
"it's okay. Remembrance ko na yan sayo. Tsaka diba malapit na birthday mo?"sabay kindat.
Pwede magmura? TANGNA!
"Ah hehe. Sige. Salamat uli."nahihiyang sabi nya"sige.. pasok nako baka pagalitan ako ng amo ko"talagang mapapagalitan ka.
"Mukha nga"tumatango- tangong sabi pa niya sabay tingin sakin. Kumindat siya sakin na kinakunot ng nuo ni z-zia. Sumenyas pauwi yung lalake kay zia. At kita ko na lang na humarurot na ang kotse.
"Hayss salamat"sabay buntong hinga niya habang nakangiti. Yumuko siya sa may balikat niya at inamoy-amoy ang damit nya dun.
"ehem!"
Halos mapatalon siya sa gulat ng marinig at makita ako sa harapan niya. Lumalaki ang mata na tumitingin sakin.
"Hindi ko alam na ang katulong pala mula samin ay nakikipag-date? at gabi na ng umuwi?"sarkastikong sabi ko. Alam kong masakit yung sinabi ko pero wala akong pakialam. At kailan pa ako nagkaroon ng pake sa nararamdaman ng isang tao lalo na't isa lang siyang katulong. diba? Nakayuko lang ito saakin na para bang napahiya.
"Pasalamat ka wala dito si mom."sabay lingon sa bahay. " She gave this day to you for free para makagala ka naman dito sa manila. But not because you flirt with a man at gabi ka pa ng umuwi? What a damn!"hindi ko malaman kung bakit nagagalit ako ng sobra ngayon. "Katulong ka lang dito. At nandito ka para maging Maid ko. Hindi ang maghanap ng malalandi-...."hindi ko natapus sasabihin ko ng bigla niya akong sampalin. Hindi ko iyon inaasahan. Napahawak ako sa pisnge kong namumula't masakit. Tinignan ko siya na ngayon ay umiiyak na at ilang oras na lang sasabog ito. Biglang nanikip ang dibdib ko ng makitang umiiyak siya. Natahimik ako at nanatiling salubong ang dalawang kilay.
"Oo."panimula niya."Oo, 'katulong' lang po ako 'sir' at alam ko po iyon. At hindi nyo na po kailangan ipamukha yun sakin. Dahil una palang alam ko ng 'katulong' lang ako. At isa pa... hindi po ako lumalandi at lalong hindi ako nakikipag-date! Hinatid lang ho ako nung kasama ko kanina kasi nadatnan niya akong naglalakad pauwi. "sigaw nito sa mukha ko habang umiiyak parin siya. "Minsan sir, wag naman agad kayong humusga ng tao lalo na't hindi nyo alam ang buong detalye. Kase... nakakapanakit na kayo ng damdamin eh."pinunsan niya ang luha niya at akmang aalis ng magsalita ulit siya. "Sorry nga po pala sir kung gabi na akong nakauwi. At salamat sa mga sinabi mo. Sobrang na appreciate ko hehe"sarkastikong sabi nya at pekeng ngumiti. Naiwan akong tulala sa kinatatayuan ko habang tinatanaw siyang papasok na ng bahay.
Bakit parang nagi-guilty ako?
itutuloy.......
YOU ARE READING
I'm in Love with My Maid [On-going]
Teen FictionAng isang katulong ba'y, posible bang mapa-ibig ang amo nyang lalake na ubod ng sunget, tamad, walang ibang alam kun'di ang pag-aaral, at higit sa lahat, siya'y isang sobrang inosente. Posible bang magbago ang kanyang estilo at pananaw? Dahil sa ka...