kabanata 2

560 21 0
                                    

•Zia's POV•

Hindi man lang ako nakapagsuklay ng buhok dahil sa kakamadali. yung payatot kasi na yun, kung makautos kala mo kung sino. Hindi naman sya ang boss ko. Nitong mga nakalipas na araw lagi nya akong pinapahirapan. Pero okay lang sakin. titiisin ko kahit ano pang paghihirap ang dadanasin ko sa kanya. Ang mahalaga, malaki ang sahod ko. HAHA! Habang pinapahirapan nya kasi ako mas lalong lumalaki yung sahod ko. Dahil sa kagustuhan ng nanay nyang wag akong umalis. tss. Baka maghirap pa sila sa tarantado niyang anak. Opss.

"Hoy!"

"Ay, tarantado!"- gulat kong sabi . huli na ng mapagtanto kong nasambit ko na pala ang sinasabi ng isip ko.

"Tarantado ka din. Let's go!"- masunget nanaman nyang sabi. At sumakay na ng kotse. Tsk.

Teka... parang nabasa ko na sa pocketbook ang mga galawan at ganitong pag uugali ah. Pero, Oo pero. Wala sa itsura nyang....

"Ano pang tinatanga mo jan? Wag kana nga sumama. malelate ako klase nito eh."

"Anjan na. Wag ng mainit ang ulo little boy. Okay?"- nakangiti kong sambit. Kita ko parin ang pagsalubong ng makapal nyang kilay kahit nakasalamin.

"Shut up. Ang baho ng hininga mo!"- lumalaki ang matang lumingon ako sa kanya. Ng mapansin ang reaction ko'y biglang ngumisi.

Bumuga ako ng hininga at inamo'y amoy. Tsk. Wala naman ah!

"Wala naman ah! hininga mo lang ang naamoy mo, zerr"- ngumisi din ako sa kanya at pasiring na inalis ang tingin sa kanya.

"What the hell!"

"patunayan nyo man. Sir, iha"- kumunot ang noo ko sa biglang sinabi ni kuyang driver na hindi ko parin alam ang pangalan hanggang ngayon.

Loading........

"What/Ano?"- sabay naming tanong. Nagkatinginan kami at nagsamaan ng tingin. muli kong nilingon si kuyang driver at nagulat ako sa isinenyas nya samen.

At ngayon ko lang naisip ang gusto nyang iparating samin.

K-kiss?

Natigilan ako at nag iwas ng tingin.  hindi ko naman sinasadyang mapadako ang tingin sa labi nyang mamula mula . bahagya pa itong naka-awang. Dinilaan nya ang kanyang labi at kinagat at tsaka ako tinapunan ng tingin. Nagtataka syang tumingin sakin at pasiring din na inalis ito.

h-huh? Hindi ba nya nagets yung sinenyas samin ni kuyang driver?

sarap sanang titigan siya. Kahit kasi gulo gulo ang kanyang buhok at nakasalamin ng malaki. Kita mo parin sa kanya ang kagwapuhan na tinatakpan ng kanyang salamin. Kaya lang ang sunget.

Tahimik kaming nagbyahe sa patutunguhan namin. Monday ngayon. At pasukan ni sir... ano nga name nun? Kingina! Nakalimutan ko.

Hindi ko napansing nagiging ziraffe na ang leeg ko. Dahil sa kakatingin ko sa mga nadadaanan namin. Mapataas mababa man ay tinitignan ko. Ang ganda kasi. Ang tataas ng building at ang dami pang mga estudyanteng nakakalat sa daan. . Maya maya mas lalong humaba ang leeg ko ng may makita akong grupo ng kalalakihan na ang kyucute nilang tignan.  Nakauniforme silang apat at nagtalian ng buhok. Ang cute. Nakyucute'tan kasi ako sa mga lalakeng ganun. Haha.
Naalala ko tuloy yung crush kong sinior high sa school namin. ganun na ganun ang ayos at porma nya pag pumapasok.

"Tss. pagiging 'Yaya' mo sa 'kin ang ipinunta mo dito. 'YAYA', hindi ang maghanap ng gwapong lalake dito! Tsk."- nagulat na lang ako ng biglang nagsalita ang alaga ko.

"hindi naman gwapo, ang hinahanap ko ah!"

"Kahit na!"- nilingon ko sya at inirapan. Nawalan tuloy ako ng gana ngayon. Yun na lang nga panlibangan ko eh . anong gusto nya, sa kanya ko lang ituon ang mga mata ko? Sa kanya din mismo ng galing na hindi na sya bata. Tapus.... kingina!

I'm in Love with My Maid [On-going]Where stories live. Discover now