"Honey!"
(O.o)
Nagulat at napatutop ako sa bibig ko ng tawagin siya ni mam ng 'honey' siya ba ang asawa ni mam? Omaygudness! Ang bata naman. Grabe ang taste niya. Siya ba tatay ni sir zavier? Omaygudness again. Mukang 2 years or 3 years lang ang tanda nitong lalake kay sir zavier---
"Mom, who is she?"sabi ng lalake matapus kumalas sa yakap nya kay mam at tumingin sakin. Anong sabi nya mom? Nanay pala nya si mam hazel omaygudness napakajudgemental ko naman. Kanina lang inis ako sa mga taong ganyan tapus isa na pala ako sa kanila. At kailan pako naging judgemental tsk nahawa ata ako sa lalakeng yun.
"Zavier's maid."sabi ni mam na nakangiti. " By the way, how's your flight honey? Are you hungry?"tumango lang ito habang nakatingin sakin. "Okay, Let's eat then".saka lang ito tumingin sa ina.
So may kapatid pala si sir zavier. Nagsabi na ba ako ng gwapo na bukal sa loob ko? Kung wala pa. Ang gwapo nitong kapatid ni sir zavier. Sobra din ang pagkakaiba nila ni sir zavier. Kung si sir ay gulo gulo ang buhok ito naman ang linis ng buhok na para bang laging sinusuklayan. At si sir zavier na simple eto naman sobrang porma. At--- teka bakit ko pinagkukumpara ang magkapatid?
_***_
Nasa kotse lang kami ni kuya jade na driver habang hinihintay sila mam at sir--anak niya na kumakain sa restaurant na pang mayaman. Napapakamo't nayayamo't sa kakahintay sa kanila. Bakit sinama pa 'ko ni mam dito wala naman pala ako gagawin. Parang mas gustuhin ko pang tulungan na lang si nay seldah sa mansyon eh. Habang nakabusangot hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Galing pala sa america yung lalake kaya englishero ang peg.
Nagising ako ng parang huminto ang sasakyan. Agad akong umayos ng upo at saka lumabas. Hindi ko alam kung ano gagawin ko kaya para akong tanga na nakatayo malapit sa kanila. Tuloy tuloy lang sila sa pagsasalita habang papasok. Kinakabahan ako. Nakita ako ni mam na natutulog tsk. Gabi na din pala ng dumating kami sa mansyon. tinawag ako ni kuya jade para tulungan sa mga bagahe ni sir--anak ni mam hehe. Ano ba kasi pangalan nun.
Ng matapus namin dalhin sa taas ang mga bagahe agad akong pumunta sa kwarto ko para makapag-bihis na. Nanlalagkit na rin ang katawan ko. Pero bago ako makarating sa kwarto ng kumunot ang nuo ko. Parang may hinahanap o gusto akong makita. Hindi ko na din nakita pa yun hanggang kaninang umaga ah. San ba siya nagpunta? Eh pakialam ko ba dun tsk tsk. Pumasok nako sa loob saka naligo.
Napahawak ako sa tiyan ko ng magreklamo ito. Hindi nga pala ako nakapag-hapunan kanina. Si mam kasi eh di man lang naisip na nagugutom din kami ni kuya jade hindi rin kasi siya nakakain dahil bigla daw nag-aya si mam na may pupuntahan. Lumabas ako ng kwarto at nadatnan ko si nay na kumakain . Umupo ako sa tabi nya at nakikain din hehe.
"Kamusta lakad nyo zia?"bungad niya sakin. Lumunok muna ako bago nagsalita. "Sinundo po ni mam yung isa pang anak nya"balewalang sabi ko habang subo ng subo ng itlog na pinrito. Paborito ko kasing ulamin hehe. "Talaga. Kung ganun, ngayon pala uwi ni sir Zachiar."tatango tangong sabi ni nay na para bang kinakabahan. Bakit? Anung meron? At Zachiar? "Sino pong Zachiar nay?"ngumunguyang tanong ko. "Kapatid ni sir Zavier, zia." Nag-aalanganin pa siyang banggitin ang 'kapatid' kung ganun zachiar pala pangalan ng kapatid nya.
K.
Agad na tinapus ni nay ang pagkain at saka walang pasabing umalis. Anyare kay nay? Agad ko rin tinapus pagkain at saka ito niligpit bago hinugasan. Napatingin ako sa dinning table na pinagkakainan nila mam. Bakit parang may hinahanap ako. Nagkibit balikat na lang ako sa mga naiisip ko. Pumasok ako ng kwarto at agad na nakatulog.
_***_
Maaga akong nagising dahil may sasabihin daw si mam sakin sabi ni nay kanina. Sinuklayan ko muna ang buhok saka lumabas.
YOU ARE READING
I'm in Love with My Maid [On-going]
Teen FictionAng isang katulong ba'y, posible bang mapa-ibig ang amo nyang lalake na ubod ng sunget, tamad, walang ibang alam kun'di ang pag-aaral, at higit sa lahat, siya'y isang sobrang inosente. Posible bang magbago ang kanyang estilo at pananaw? Dahil sa ka...