kabanata 10

366 14 1
                                    

"Ah sir, ba't tayo nandito?"tanong ko habang hindi mapakali. Masama kasi ang kutob ko parang may mangyayaring masama. Hindi ko alam. Nandito kami ngayon sa tom's bar base sa nabasa ko sa taas ng entrance kanina. Nilingon ko siya ng maramdamang ngumisi ito sa gilid ko.

"iinom ano pa ba"nakangiting  sambit nito bago lumagok ng alak. At wait lang ha. Ngayon ko lang siya narinig na nagtagalog.

"Marunong kana man pala mag-tagalog pinapahirapan mo pa ang utak ko sa pagta-translate hehe"sabi ko. Totoo naman eh. Kaya matagal ako makasagot kasi nahihirapan akong umintindi sa pinag-e-english nya. Mga malalim pa naman na words ginagamit. Buti nga naiintindihan ko minsan.

"Hahaha"napalingon ako ng tumawa ito. "Ang cute mo kasi kapag nag-e-english ako. No wonder kung pati ang brother ko matatawa sayo"sabi nya. Grabe mas tuwid pa ang pananalita nya ng tagalog ke'sa kay sir zavier. Si sir zavier kasi kapag nagta-tagalog parang di niya masyadong mabigkas tas etong kapatid nya-- teka parang baliktad ata.

('--_--)

•Zachiar hint's POV•

Hindi ko mapigilan matawa. Since ng makita ko ang babaeng to sa airport. Unang kita ko pa lang sa kanya gusto ko ng matawa. Pero dahil sa gusto ko siyang pag-tripan pinanatili ko din ang pag-e-english kahit ako ay nahihirapan din hahaha. At eto na nga nalaman na niyang marunong akong magtagalog. At gusto ko na din magtagalog. Sawa na kong mag english dahil parang hindi ako makahinga. At isa pa nandito nako sa pilipinas.

Sinulyapan ko ang babae na hindi malabong mahulog ang loob dito ni Zav. Alam kong walang time o sa madaling salita walang pakialam sa mga babae si zav pero ang babaeng ito sadyang kakaiba. Kung hindi lang dahil kay zav. Niligawan ko na to eh. Hindi ata nabanggit ni zav na may kapatid siya . Diba nga wala yung pakialam. Bakit? Simula ng mamatay daddy namin naging ganyan na siya. At hindi ko alam kung bakit. Pati ako na close na close nya dati nung mga bata pa kami ngayon parang hangin lang ako sa kanya. Pero naiintindihan ko naman siya.

Sa america akong nag-aral at nag-binata din dahil sa kagustuhan ni Mommy na wag akong mapahamak o namin ni zav pero mapilit si zav. Ayaw nyang umalis sa pilipinas. Kaya walang nagawa si mommy. Nasa america ang iba naming kamag-anak kaya duon ako. Hindi namin alam ni zav kung ano ang kinamatay ni daddy at si mommy lang ang nakakaalam na ayaw naman nyang ipagsabi.

"Ba't naman matatawa sakin ang kapatid mo sir? eh hindi ko pa nga nakita yun tumawa eh."inis na sabi nya sabay pasiring na inalis ang tingin saakin. Napapa-iling na lang ako . Tuwing babanggitin ko kasi si zav umiinit agad ang ulo hahaha.

"Okay. Sabi mo eh"sabi ko na lang habang tumutungga ng alak. Nakita ko siyang inip na inip kaya inubos ko ang alak bago umalis Patay ako kay zav kapag malaman niyang dinala ko dito maid nya.

Palabas na sana ako ng may sumalubong saakin na suntok. Tangina sinu yun? Napa-atras ako kaya nilingon ko si zia na gulat gulat sa nangyayari. Binaling ko ang tingin ko sa lalakeng hindi ko kilala. Napahawak ako sa panga kong sumasakit. Umiwas agad ako sa akmang pagsuntok ulit nya. Sinuntok ko rin siya pabalik . Tinamaan ko siya sa pisnge. Patay ka sakin pangit na lalake. Ang lakas ng loob nyang dungisan ang gwapo kong mukha.

"Who are you?"galit kong sabi. Habang hawak siya sa damit. nakatingala ito saakin na duguan ang mukha. Lalo akong nagalit ng ngimisi lang ito. Napadaing siya ng suntukin ko ulit siya sa mukha.

"Ang kapal ng mukha mong dungisan ang gwapo kong mukha"huling sabi ko at sinuntok ulit siya. Nakabulagta na ito sa sahig pero nakangisi parin ang p*ta. Akmang susugurin ko sana siya ng may kamay na humawak sa braso ko. Hahablutin ko na sana braso ko ng magsalita ito.

"Sir zachiar tama na!"si zia na para bang maiiyak na. Huminahon ako at saka lang dumating ang mga tauhan ng may ari ng bar. 

"I'm sorry sir for this. Nag-hahanap po siya ng away. Ganyan po talaga siya sa mga baguhan"paliwanag ng babae. Nakita ko na lang na inilayo na ng mga tauhang lalake ang kaninang nakabulagtang lalake.

"K."

Sagot ko wala naman kasi akong pakialam dun. Nilingon ko si zia at saka siya sinenyasan na umalis na kami. Papunta kami ngayon sa parking lot ng may mga lalakeng humarang sa daraanan namin. Nasa unahan yung lalake kaninang nabugbog. Ibang klase hindi siya makalaban saakin kanina kaya kumuha ng mga kasama? Shit. Kaya ayaw kong lumabas eh. Yeah nakikipag-basag ulo ako . Kahit sa america din. kaya nga nakauwi ako dito sa pilipinas tas eto nanaman. Tsk tsk tsk.  Napalingon ako kay zia na humawak sa damit ko habang nasa likod ko lang. Nagtatago. Kung hindi lang masali siya dito. Kayang kaya ko tong pitong to . Oo pito sila habang isa lang ako. Unfair.

"Anong kailangan nyo?"mahinahon na may diin. Ngumisi lang ang gago na nasa harapan. Feeling boss amputa.

"Yung babaeng nasa likod mo"sabay dila sa labi nya. Pesteng to manyak. Naramdaman ko naman ang higpit na hawak sakin ni zia.

"Wala na bang iba? May nag-mamay-ari na kasi dito sa babaeng nasa likod ko"sabi ko"kung babae gusto nyo.. pwede ko naman kayong bigyan ng isa isang babae gusto nyo doblehin ko pa eh"mayabang kong sabi. Lumiwanag ang mga mata ng mga kasamahan niya pero siya hindi parin nagpatinag.

"Siya ang kailangan namin hindi ang mga babae na sinasabi mo. Mukhang fresh at di pa nagagalaw yang kasama mo. Kaya siya. Siya ang kailangan namin."ngumisi ang nasa unahan at lumapit sila samin. Sasagot pa sana ako ng may biglang magsalita.

"The Girl that you said is mine."rinig kong sabi nito at naramdaman ko na lang na wala na sa likod ko si zia.

"Z-zav? Pasensya na"huling sabi ng lalake bago kumaripas sila ng takbo.

"Hey bro"balewalang sabi niya sakin. Ngumiti ako ng pagkalapad-lapad at hinanda ang sarili para yakapin siya pero hindi natuloy ng samaan nya ako ng tingin.

"Zav, i miss you"natatawang lumayo ako sa kanya ng akmang lalapit siya sakin sobrang dilim ng mukha nya. Namisss ko siyang inisin HAHAHA.

"HAHAHA!"

Kahit natatawa ako hindi ko parin maiwasang mag isip. Bakit ganun yung naging reaction ng mga pesteng yun. Kailan pa kinatatakutan dito tong inosente na to HAHAHA.  Sa bagay ilang taon na din akong wala dito sa pilipinas kaya hindi malabong may magbago sa kanya.

"Woi! San ka pupunta? Bakit iniwan mo si zia"pahabol kong sabi . "Ikaw na ang amo niya. Tss" dinig kong sabi nya. Ahh kaya naman pala . Tinignan ko si zia na tulala padin.

"Zia, let's go?"sabi ko. Bumalik naman siya sa ulira't . Sumunod siya sakin habang nakatungo. Anyare dito?






"WHAT THE HELL!"

I'm in Love with My Maid [On-going]Where stories live. Discover now